Kakagulat pero kakatuwa na walang nandaya sa alin man sa mga games. Congrats PB - lalo na sa PB 2G, dahil biruin niyo lumipas mag-hapon di kayo nandaya hehehe. Syempre marami ang magulo katulad nila P_R, J_M, EG_Y, B_YET. Pero ok lang yon kasama sa laro.
Wala ring nandaya sa pagpaparami ng Gold Coins =). Dali lang kasing gumawa nun di ba? Pero sabagay binibilang naman namin.
GAME 1: JAPANESE MAKAPILI
Mga bandang 11am nag-start ang programa. Ang unang laro ay ang MAKAPILI game. Bago ang larong ito na naimbento ni Tita Edith. Nakaka-excite at nakakatawa at the same time. Nakasuot ng bayong ang player ng bawat team. Kakapain ang mukha ng kabilang team at huhuluan kung sino.
THE WINNER: KASTILA (vs. Americano) with 3 out of 5 points.
- Naging hero si Kevin ng kanyang team dahil siya ang mag-isang humula. Nakakablib nga na nahulaan niya si Patricia, medyo mahirap yun ah
chika corner: may "bonus" kasi silang dalawa. Si Karen ba naman ang huhuluan e naka-rollers siya. Tapos member din ng Americano si Tito Boyet hehe so give away
GAME 2: KATUTUBONG CHARADE RELAY
Natanggal sa elimination round ang Kastila. Kaya ang tatlong teams ang naglalaban sa Katutubo-Charade-Relay.
THE WINNER: JAPANESE TEAM with 3 of 5 points
- Well, magaling naman talagang umakting ang team na ito, so di nakakagulat na sila ang manalo.
chika corner: ang hero ng Game 1 na si Kevin ay di naka-tama sa darts, kaya eliminate ang Kastila team
- nalungkot ang mga katutubo dahil na-BAHAG si Kriza. ewan nga ba kung nahihiya lang sya
- maski na NGAMOTE si Carla, panalo pa rin ang kaniyang team.
GAME 3: AMERICANONG WORLD WAR 1
THE WINNER: AMERICANO
Round 1: Kastila won over Hapon 5-4
Round 2: Americano won over Katutubo 5-4
Finals: Americano won over Kastila 5-4
chika corner: lahat ng 3 laban ay umabot ng sudden death (4-4). Grabe sa pag-ka-close fight na ito
- mukhang epektib ang paggawa ng mapa ni Tito Jorge para matalo ang kalaban
GAME 4: SPANISH HENYO
THE WINNER: AMERICANO
Elimination Round 1: Spanish Food. Kastila: 1 point
Elimination Round 2: Spanish Things inside the house: Kastila: 1 point, Americano 1 point
Finals: Americano 3 points won over Spanish 2 points
chika corner: akala ko Katutubo ang mananalo dito, dahil mga adik sa Pinoy Henyo ang mga ito. O kaya Japanese. Kaso parang mali ang mga kombinasyon nila, kaya silang teams na natanggal. Si JayE ang Tito Jorge ang players ng Americano na nagbigay sa team nila ng victory. 2 in a row
Sobrang nakakatawa si Tito Jorge, kasi first word pa lang tawa siya ng tawa. Isang beses nga buong team na gusto na syang mag-pass. Actually siya ata gusto na ring mag-pass, e sa sobrang tawa, di nya masabi ang PASS hahaha. So ayun tawa siya ng tawa. Which is amazing, kasi sila pa ang nanalo! Talagang laughter is the key to success =)
GAME 5: PANAHON KO TO
WINNER: AMERICANO
Qualifying Round: Hinataw ni Miguel ang mga questions well,pati na ang buzzer. Unang 4 na questions, 3 points na kaagad ang Americano - so pasok na sila sa Finals. Pagkatapos, hinataw naman ni Gab ang next 3 questions - kaya pasok na sa Finals ang Kastila. matindi, di naka-porma ang dalawang teams.
Finals: AMERICANO won over KASTILA 5-1.
chika corner: Para sa Americano, humataw si Tito Jorge at Karen para sa Americano. Korek pati si Karen! Lahat ng mga questions na pang-matanda, huli ni Tito Jorge at ang mga pambagets kay Karen. Marami nag-a-akala na ang Kastila ang mananalo dito. Pero mali nga sila.
Suma total, AMERICANO wins 3 in a row. Ang mga Kastila naman ay runner-up 3 times.\
GOLD BAR/COINS FINAL RESULTS:
Americano - 29 Gold
Spanish - 9 Gold
Japanese - 8 Gold
Katutubo - 3 Gold
No comments:
Post a Comment