Di ko nakuwento sa inyo (sobra dami trabaho). Kaya nawala ang phone ni Lola Maam dahil na-snatch ang bag niya. Last Sunday bandang tanghali. Galing kami sa Legazpi Market sa Makati(kanto ng Legazpi at Herrera).
Paalis na kami papunta sa kotse, merong mamang naka-motor na biglang inisntach ang bag ni Lola Maam. Sobrang nagulat kami siyempre. Paano, merong 2 pulis sa kabilang kanto (not 50 meters away) at meron pang mga 4 na security guard. Una kong sumigaw ng "Pulis", pero wala e, mga 10 seconds na lumipas, nakalayo na motor. Tinignan ko ang plate number - walang plate number ang motor.
Nag-radyo ang mga police, pero yun na nga nakaalis na ang snatcher na asa motor. Pumunta rin kami sa presinto para mag-report pagkatapos.
Ang bilis ng pangyayari. Sabi nga namin, di kami sanay kung ano gagawin. Unang beses nangyari kay Lola Maam ito sa buong buhay niya. At sa Makati pa! May pulis sa bawat kanto, at kilalang peaceful ang lugar na yon.
Sabi ko nga sa kanya, ano sa tingin mo ang dapat nating ginawa? Maliban sa sumigaw ng maaga, eh wala na. Eto ang bagay na mahirap maiwasan.
4 na araw matapos ang pangyayari. Nagbago na kami ng padlock sa gate, at sa bahay. At ako - sobrang praning! Lalo na kong bumilis maglakad. Lagi na rin akong merong pambato sa bulsa. Inisip ko kasi, binato ko sana iyong mamang nakamotor nang sumemplang sya.
So mag-ingat tayo ng husto, lalo na ngayong buwan ng December.
1 comment:
correction: 4 na oras matapos ang pangyayari napalitan na ang padlock at double lock sa main door kc bk taga laguna snatcher he he...
ang ikinapraning ko lalo eh nanghihingi pa ng load s mga names n ns cellphone ko
eh pano kung humingi ng pera at sbhin ns hospital ako!!
BWISIT TLGA!!!!
Post a Comment