Thursday, December 9, 2010

Conversations with Taxi Driver Part 1

Na-prapraning akong sumakay ng Taxi. Ewan nga ba. Kakatakot kasi mga balitang hold-upan sa Taxi. So lagi ko ginagawa, kinakausap ko ang driver. Feeling ko, pag lagi kami nag-uusap di na nya maiisip na mang-hold-up pa hehe.

Kanina sa taxi. Napag-usapan namin ang nanalo sa Lotto ng 700+ Million pesos, di pa raw kasi kinukuha ng nanalo ang premyo. Sabi ko, mahirap ding manalo sa Lotto kasi dadami ang problema sa buhay. Baka ma-praning ka sa mga kidnappers at holduppers. Sabi nya, di naman daw kasi magagawan daw ng paraan yon - kunyari uuwi ka ng probinsya, tapos mag-taxi-taxi ka -di iisipin ng mga tao na nanalo ka. Sabi ko, mahirap ata yun, kasi baka mag-iba na ang buhay mo - bibili ka ng mahal na sasakyan lilipat sa malaking bahay. Malalaman ng mga kapit-bahay mo.



Sabi ni Manong taxi, puwede raw hindi. Kasi nakahawak na raw siya ng 14 Million pesos. Di naman daw siya nagbago. Binigay daw niya sa charity ang 1M at binigay niya sa pamilya niya sa probinsya ang 10Milyon. Bumili raw siya ng mga taxi dito sa Manila parang negosyo.


Sabi ko "Huwag mong masamain ang tanong ko, Nag-benta ka ba ng Drugs? Abu-Sayaff ka ba? ".


Sabi niya: "Nanalo ako sa Lotto. 14 Million".

No comments: