Habang wala pang mga pictures, kuwento muna...
Dinaanan pa kasi ako sa office nila Ate Edith, so late na kami nakarating past 8pm na. So marami tapos na kumain. Di ko alam kung sino nauna dumating, at kung ano ang eksena pagdating ng PB - di ba nga dapat Surprise Party ito. Hindi ko nawitness kung na-surprise ba talaga si Sister. Pero hula ko ay hindi, parang ine-expect na ata niya e hehehe.
Nagka-technical problem din ng konti so mga 9pm na nagsimula ang programa.
Ako, proud sa presentation ng PB (e kayo?). Napagusapan nga namin ni Par, na base sa sitwasyon ang pagka-"suwabe" at "moderate" ng PB presentation ay tamang-tama sa okasyon at sa audience. Kasi naman di naman puwedeng mag-Maria Clara si Tito One o mag-Igorota si Tita Edith di ba. Kaya medyo tempered ang angas at bangis ng presentation. Suma tutal OK na OK para sa kin. Sana ok din kay Sr. Vicky at sa mga Carmelite Sisters na nanood.
Highlights of the Presentation:
Opinyon ko lang ito syempre, malaya tayong kumontra at magpahayag ng opinyon.
1) Bumilib ako sa Little Drummer Presentation ng 2G Boys ha. Practice na practice at may choreography. Di ko inakalang caca-reerinin nila ito. Malakas ang audience impact dahil nga sa mga steps. Pero meron pa ring di sabay ha. Di ko na sasabihin, you know who you are. hahaha.
2) Natuwa rin ako na sumama si Kacey at si Pia sa Tell The World. Aba, walang pumilit sa kanila ha. Pumunta sila dun. Aprub din si Carl ha, kasi siya lang ang only boy dun, pero go go go pa rin. Very good. Ang cute nga ng dating ng presentation ng PB 3G/4G Girls and Boy.
3) Naaliw din ba kayo sa mga clowns? Namangha nga ako sa kanila dahil puwede namang basta lang pumunta dun, pero siyempre hindi, all-out magic at props sila Tita Edith, Tita Bhogs, Tita Yet. OK ang effect ng balloons, cakes at syempre nung magic na ilaw-ilaw.
4) Tingin ko pagaling ng pagaling mag-perform si LeobenJ, Rap at Carl. Kasi, di naman ito talaga ang music nila, kasi di ba medyo hip-hop/r&b/rock ang mga dance numbers nila. Pero inferness, bigay-todo sila maski sa damuhan sila nagsayaw. Good Job boys!
5) Very proud din ako sa mga (older) 3G Boys and Girls para sa kanilang Hail Holy Queen Number. Parang ang saya-saya nilang mag-perform. So nakakahawa. Napapapalakpak nga ang mga sisters nung sumasayaw sila.
6) OK din ang mga actors and actresses. Starting from Tita Dang, special mention to Meg dahil mahirap ang role niya ha, pero carry niya. Si Tita Rhoda, na talagang mukhang schoolgirl at Tita Eyan na muntik ng mawalan ng exposure. Grabe naman itong si Father Par, convincing ni-re-recruit nga siya ng mga madre e. Si Tita Ate naman ay nag-portray ng maharot na madre hehe. Thanks din sa mga 1G na nakigulo - Lola Tiyang , Lolipot, Lola Maam. At sorry kay Ditse at Nanay. Mali ko po iyon, binigyan ko sila ng 15 seconds para umakyat sa stage - ano bah!! e 1 minute nga pala si Ditse papunta sa stage. Sorry po Ditse, sa 60th bday na lang.
In summary, very good job PB. Mukhang napasaya natin ang mga sisters, at lalo na si Sister Vicky. In the process, parang napasaya din naman natin ang isa't-isa. So iyan naman ang pangunahing layunin ng isang presentation. Alam kong maraming nahirapan - so sa Sabado niyo na ilabas ang iba hehehe.
1 comment:
Nice parang ang saya ng party! Yun pala ang meat nung nasa youtube presentation hehe
Post a Comment