Friday, December 24, 2010

Sister Vicky Golden Bday Part 2

After the PB Presentation, hiningan naman namin ng presentation ang mga sisters.  Parang girl scouts, aba ang bilis nilang mag-perform - 4 Christmas Songs + 1 Happy Birthday.  Favorite ko ang unang song nila, eto yung Tagalog na bihirang marinig - actually di ko maalala ang pamagat.  Pero kasama ang kanta dun sa non-stop Chirstmas Album nung unang panahon (iyong sila Celeste Legaspi, Marco Sison, Florante,  ano nga title ng kanta?)




After ng presentation ng mga sisters.  Speech time na.  Eto mga highlights:

1) Sabi ni Sister Cora - frank and straightforward daw si Sister Vicky.  Ako'y na-shock, dahil di pala talaga nagbago si Ate Vicky.  Ganun siya dati sa PB bago siya pumasok sa kumbento. Maganda ang mga sinabi ni Sister Cora - tungkol sa pag-alala sa kapwa at pagkaroon ng mabuting kalooban.

2) Sobrang OK ang speech ni Ditse ha.  Actually, maikli din kasi =).  At di ko inagaw ang mike ha.  Nagpasalamat siya sa mga Carmelite sisters for taking care of Sister Vicky.

3) Sabi ni Kevin, maski madre na hinihingan pa rin nya ng advice si sister.  Pero sabi rin niya, maski madre na, e pinapagalitan pa rin siya hehehe.  Ang masasabi ko lang:  pogi naman si Kevin at mabait pa, pero ang bagal mo talagang salita.  puwedeng pakibilisan naman maski onti lang hehe.

Sino magsasalita on behalf of 2G?  Lapit ako kay Ate Edith, huwag daw siy si Tito Egay daw.  Sabi ni Tito Egay, si Tito Par daw kasi kapatid.  OK, sabi naman ni Tito Par si Ate raw, dahil panganay.  hahaha no bazh!

4)  Ayos din ang gimik ni Tito Par, ang ginawa niya hiningan niya ng 1-word description ang bawat 3G para kay Sr. Vicky, galing di ba.   Merong nagsabi ng compassionate, malalim, walang kinikilingan (alam naming di 1-word iyon, pero sa iyon ang gustong sabihin ng tao e), honest at sabi ni Tita Edith:  madre.  Ayos, tama nga naman.

5)  At syempre magaling din ang host kagabi.  hahaha.   Ako yon.  2 years na kong di nag-host ng PB event, so marunong pa pala ako mag-host.  Sabi ng mga pinsan ko plastic daw ako.  Weh!  di kaya, binagay lang sa okasyon at sa audience ano.  Kung gusto nya ng okrayan e humanda kayo pag pinaghost ako bukas. 

Suma total, OK ang lahat ng PB speeches this time. 

OK ang presentation, OK ang speeches, ang daming food.  Ano ba ito, wala akong ma-okray.  Humanda talaga kayo bukas =).

Once again, Happy Birthday Sister Vicky.

1 comment:

Evot said...

Wow...ok na ok ang pagkwento...feeling ko nandun ako sa bday ni sister vicky sa super ok na pagkwento ng mga nangyari...happy birthday ulit ninang sister vicky!
Merry Christmas sa PB...sana ok yung webcam sa PB xmas party para makita namin kayo. Papadala ko kay papa yung magic jack para free yung call nyo samin at pwede nyo pa matawagan sila ninang tetes sa canada for free.sana mabilis yung internet sa binan...