KAREN
Scored her first Best Actress award in 2007 para sa High School Musical. Long overdue na ito. Di ba ang arte-arte kasi nya sa totoong buhay hahaha. So finally, na-i-translate niya ang kanyang natural na kaartehan sa isang video. Inferness, tinalo niya ang mama niya sa award na ito.
IA
2006 Best Actress si Ia para sa kanyang kagila-gilalas na performance sa Shake Rattle and Roll. Matindi sa impact at sa recall value. 1-day lang siya before the Christmas Presentation, so we'll see kung ma-du-duplicate itong natatanging award na ito.
TITA DANG
as Mystika during 2001 MTB. Pinagtatalo ni Tita Dang ang buong PB, emerging as ultimate winner. Tandaan na siya ang Last Live Performance best performer, so kabahan na ang kalaban sa kanya this year.
TITA EYAN
Best Actress si Tita Eyan bilang Ariel sa Little Mermaid nung 1993 Disney Christmas. Grabe 17 years ago na pala yun. Live performance ito, pero talaga namang cinareer niya ng todo (picture pa lang, serious na!). Actually over the years, lagi namang finalist si Tita Eyan (Top Ten sa Maskarahan, honorable mention sa MTB at Retro, at 2-time Best Supporting Actress nominee).
TITA EDITH
Siya ang most-awarded PB Performer in the past 22 years, winning 4 Best Actress/Female Performer Awards. Una nung 1998 Maskarahan bilang Lola. Next nung 1995 bilang Igorota. Ang kanyang Best Actress trophy ay napanalunan niya nung 1996 Sitcom, gumanap siya bilang Carmina sa Oki Doki Doc. Nung 2002 Retro, nanalo na naman siya as Madonna. Siya na ang TIRADOR ng LIVE PERFORMANCE. Di pa siya natatalo as performer sa PB ever! (nung nanalo si Karen, video kasi yun).
Since President si Tita Edith this year, di siya mananalo this year. So sino kaya?
No comments:
Post a Comment