Saturday, December 4, 2010

Wala Masyado Updates sa Blog?

Actually marami.  Kaya lang pag-naglagay ako ng mga posts - mawawala ang WISHLIST e.  So tinitipid natin ang posts natin.  Bibigyan natin ang mga PB na maglagay na ng WISHLIST hanggang next week, tapos mawawala na ito sa first page.

Actually marami. Ang trabaho this week.  Bakit ba ganito ang December, parang nagmamadali ang lahat. Parang merong hinahabol na kung ano.  Majority ng December talaga ay sakit ng ulo!

Actually marami.  Akong nakitang mga artista lately.  Kanina sa Starbucks nakita namin si Sylvia La Torre.  Mukha pala siyang mas bata sa personal.  Nung isang gabi nakita ko si Solenn ng Survivor.  Grabe sobrang ganda naman pala nun sa personal.  Tisay syempre, pero may features siyang panay.  Kasama niya si Raymond Gutierrez.  Last week kita ko si Nikki Gil, Billy Crawford, kasama nila si Jericho at isang girl - di ko kilala e - tisay na maikli buhok.

Actually marami.  Na ang nag-aasaran sa mga groupings nila ha.  Ayon sa teledyaryo. Hehe.

No comments: