Monday, May 9, 2011

Mother's Day

Food Festival ang theme ng Mother's Day celebration namin:

Lunch sa Krazy Garlic
Dinner sa Tia Maria's
Lunch sa Penang
Dinner sa KR

Sarap kumain ng kumain. 

Kayo?

3rd Language

Utang na loob.  PLease lang tantanan ninyo na si Manny dahil sa pag-i-ingles nya.  Iniinterview siya ng English e di sasagot siya ng Ingles.

Tandaan po natin, ang English ay 3rd Language ni Manny.  Una ang Bisaya, tapos Filipino and then English.  So ilalaban ko ang English ni Manny sa 3rd language ng maraming Pilipino, lalo na yung mga pinanganak at lumaki sa Manila.

May 3rd language ba kayo?  At mas magaling ba yon sa English ni Manny.  Please lang. 

(baka mabasa nya ito at mabalatuan pa ako hehehe)

Manny Pacquiao wins 14th straight

Puwedeng tawaging boring o lackluster ang laban.  Pero hindi ang performance ni Manny.  Hinahabol naman niya si Mosley buong laban.  Pero mukhang gusto talagang i-maintain ni Mosley ang record niyang di pa siya na-knock-out.

Ang panalo ni Manny - ibig sabihin ay siya ang kauna-unahang boxer na merong 10 World Titles in 8 divisions.  Alam nyo bang nagchampion sa Flyweight division (108 - 112 pounds) hanggang Super Welterweight (148-154).  Grabe ang galing naman - 46 pounds ang difference nun a.

picture galing sa Yahoo sports

Ayan,  meron pa palang 5 pang puwedeng weight divisions e hehehe

(galing sa wiki)


Sunday, May 8, 2011

Happy Mother's Day

Happy Mother's Day to all the Beautiful mothers of PB.  Enjoy the day.

Thursday, May 5, 2011

FIFTY OFF FRAPUCCINO

Forgot to tell you, ang Starbucks pala ay merong 50% discounts sa Frapuccino drinks from May 2 until this Sunday, May 8.   Di ko sure kung lahat ng Starbucks sa buong Pilipinas, alam ko sa buong Metro Manila.

Ngapala, between 12:00 - 2pm lang ha.  So na-imagine nyo na gano kahaba pila sa mga Starbucks near offices.  Exag mga tao!

Go!  Hanggang Sunday na lang yan.

Miss nyo na ba ang Santan?

What's common with Kevin, Ayka, Kriza, Julienne and Chanel?  Aside from being PB 3Gs,  lahat sila lived all their lives sa Santan.  =).

Naisip ko lang kasi mag-5 years na rin pala since lumipat kami.  Technically, di kasama ang mga nag-abroad, si Tito Egay ang kauna-unahang tumira sa "labas", kasi matagal din siya sa Los Banos habang nag-aaral.  Sila Lolipot siguro mag-20 years ng wala sa Santan (tama ba?).  Sumunod na rin sila Tito Jim, Tito Jorge.  Nung lumipat sila Tito Boyet, Tito Egay, Tito One at Tita Eyan - di na ata sila galing sa Santan nun.  At syempre sila Tita Tetes nga a few years ago bago mag-Canada galing Santan syempre.

Lagpas 30 years din pala ako naka-tira sa Santan.  At syempre maraming bagay akong naalala tungkol dun.
1) Laging may nagbibigay ng pagkain - birthday, kamatayan, magdadasal para kay Mama Mary, at minsan maski walang dahilan

2) Parang madalas ang party - meron tayong halloween party, valentines party, bday party, at kung anu-ano pa para lang magkakasamang "kumain sa labas"

3) Exciting umalis - kasi naman para kang nagpapaliwanag sa abogado kung saan ka pupunta, sino kasama mo, ano gagawin mo (maski dala ko na raketa ko ng tennis), anong oras ka uuwi.  And repeat 3x - depende kung ilan ang madaanan mo sa may gate

4) Scary umuwi ng gabi - kelangan kasi mag-match yung pinaalam mo kanina sa dahilan mo kung bakit ka ginabi.  And of course repeat 3x.

5) Madaling mangutang - aminin!

6) Ang daming tsismis - kapag nababato ka na sa bahay, lumabas ka lang dun sa may gate.  Guaranteed may chika kang masasagap.   Kung wala naman e ang daling gumawa - at lalong mas madaling ikalat.

7) Walang secret - sige nga, anong secret ang naitago sa compound?  Wala!  e dahil ata sa dikit-dikit na bahay, rinig sa kapit-bahay ang mga pinagkukuwentuhan.  Not to mention yung mga sigawan.  Oops.  change the topic

8) Masaya pag masaya.  Syempre, masaya nga e so masaya.  Hindi yun!  Ibig sabihin parang ang daling maging masaya sa compound.  At pag masaya sobrang saya.  May sense ba ito?  na-gets nyo ba sinasabi?

9) Pasalubong.  Dati parang ang daming natatanggap na pasalubong.  Mga galing abroad, maski nga galing Antipolo.  Pag nabalitaan mong ang isa ay umalis, tiyak yan may suman ka o buko pie o chocolate o kung sinusuwerte sapatos, t-shirt, lotion, o toblerone.

10) Madaling humanap ng kausap.  Iyon bang lagi kang puwedeng may mapapagkuwentuhan - I mean kung gusto mo ha.  Walang napapanisan ng laway sa compound. 

Puwede siguro tayong umisip ng 100 o 1,000 na ala-ala sa compound, ano.  Mga ala-alang never malilimutan.  At mga ala-alang dadalhin natin hanggang sa pagtanda.  Mga ala-alang masarap pagkuwentuhan. 

Sa ngayon, naisip ko. Nakaka-miss rin talaga ang Santan.  Naisip ko rin, masaya na rin kung asan kami =)

...sa ngayon.

Pinoys Everywhere

Nung na-assign kami sa Argentina, nagtravel kami sa Patagonia.  Eto kasi ang Southern Most Place sa buong mundo.  Habang nag-iinuman kami sa may plaza - pambihira.  Merong nagtatagalog sa likod namin.  Sila Kapitan at mga 6 nyang kasama sa trabaho.  Nakipagkilala sa amin - at natuwa sa amin.  So libre pagkain, inumin at "others" courtesy of kapitan.  Pambihira may mga Pinoys sa dulo ng mundo.

Umakyat kami ng Chamonix mountains sa France bordering Switzerland.  Kelangan namin umakyat ng glacier para makapunta sa resting area.  Mga 4 storey high ang glaciers.  Sa taas ng bundok merong bench na pahingahan bago mag-ski.  Sa gilid ng bench makikita ninyong nakaukit -  JHON AND BHETH WAS HERE.  Ayos di ba, ewan ko lang kung di sila Pinoy!  With the H and the was.

After nun, naisip ko ng huwag magulat na may makitang Pinoy maski asan kang lupalop ng mundo.

- Jollibee sa Daly City sa US; sa Bayanihan sa LA; at sa "Manila" fast food sa San Diego
- KFC sa may Zeil sa Frankfurt Germany
- Sa airport ng Dubai
- Maski anong restaurant sa Macao
- Of course, sa Lucky Plaza sa Singapore
- Sa labas ng St. Joseph's Church sa Paris
- Sa Assumption malapit sa Eglinton sa Toronto (hanggang ngayon ba?)
- Sa gilid ng plaza malapit sa Parthenon sa Roma
- Sa anumang bars sa Scheveningen sa Netherlands
- Saan sa Japan?
- Saan nga ba yun sa HongKong?

Wednesday, May 4, 2011

Osama

Sa panahon ng Internet, Facebook at Twitter, di  kataka-taka ang reaksyon ng mga tao sa balitang patay na si Osama Bin Laden.  Maparadyo, TV at sa Facebook nga ka-gila-gilalalas ang mga comento ng mga tao.  Mga kuru-kuro, haka-haka at mga creative na conspiracy theories.  Kung anu man ang pinaniniwalaan mo o gustong paniwalaan, eto ang mga amazing na CONSPIRACY THEORIES on OSAMA BIN LADEN's (alleged) Death.   Nasagap sa iba't ibang forums, blogspots, at sa Facebook...


1) Matagal ng Patay si Bin Laden
Kasi di ba nag-di-dialysis siya.  So gaano kahirap kaya para sa isang taong regular na nag-di-dialysis na magtago.  At saka ilang hospital o medical facilities ba ang meron sa Afghanistan.  So kung papatayin siya, dati pa puwede na.

Bakit kelangan last week lang ilabas?  Kasi raw, bumabagsak ang US$ at bumabagsak din ang popularity rating ni Obama. 

2) Hindi siya yon
Bakit kasi tinapon siya sa dagat at hindi nilibing?  Bakit wala raw kasing picture?  Iyong picture na nilabas ay photoshopped, at cinconfirm iyon ng isang British publication.  Pinagsama ang dalawang pictures.

3) Dati na nilang alam
Nakita nyo naman kung asan daw ang pinagtataguan ni Bin Laden - sa neighborhood ng mga militar.  So anu yon.  E di ibig sabihin alam ng Pakistan government.  Ibig sabihin di rin nila sinabihan ang gobyerno ng Pakistan tungkol sa pagsalakay nung araw na yon.   Natatakot ba silang baka malaman ni Bin Laden at makatakas?

4) Buhay pa si Bin Laden
Eto naman narinig ko sa mga nag-text sa radyo.  Amazing.

Bakit daw kasi nung namatay si Saddam Hussein dati, e ipinarada ang kanyang bangkay sa Iraq, para patunayan na patay siya.  Ngayon, si Bin Laden tinapon sa dagat at walang pictures?  walang DNA evidence? 

Kung interesado sa mga statistic tungkol sa mga theories...
http://news.yahoo.com/s/csm/20110503/wl_csm/381319