Wednesday, May 4, 2011

Osama

Sa panahon ng Internet, Facebook at Twitter, di  kataka-taka ang reaksyon ng mga tao sa balitang patay na si Osama Bin Laden.  Maparadyo, TV at sa Facebook nga ka-gila-gilalalas ang mga comento ng mga tao.  Mga kuru-kuro, haka-haka at mga creative na conspiracy theories.  Kung anu man ang pinaniniwalaan mo o gustong paniwalaan, eto ang mga amazing na CONSPIRACY THEORIES on OSAMA BIN LADEN's (alleged) Death.   Nasagap sa iba't ibang forums, blogspots, at sa Facebook...


1) Matagal ng Patay si Bin Laden
Kasi di ba nag-di-dialysis siya.  So gaano kahirap kaya para sa isang taong regular na nag-di-dialysis na magtago.  At saka ilang hospital o medical facilities ba ang meron sa Afghanistan.  So kung papatayin siya, dati pa puwede na.

Bakit kelangan last week lang ilabas?  Kasi raw, bumabagsak ang US$ at bumabagsak din ang popularity rating ni Obama. 

2) Hindi siya yon
Bakit kasi tinapon siya sa dagat at hindi nilibing?  Bakit wala raw kasing picture?  Iyong picture na nilabas ay photoshopped, at cinconfirm iyon ng isang British publication.  Pinagsama ang dalawang pictures.

3) Dati na nilang alam
Nakita nyo naman kung asan daw ang pinagtataguan ni Bin Laden - sa neighborhood ng mga militar.  So anu yon.  E di ibig sabihin alam ng Pakistan government.  Ibig sabihin di rin nila sinabihan ang gobyerno ng Pakistan tungkol sa pagsalakay nung araw na yon.   Natatakot ba silang baka malaman ni Bin Laden at makatakas?

4) Buhay pa si Bin Laden
Eto naman narinig ko sa mga nag-text sa radyo.  Amazing.

Bakit daw kasi nung namatay si Saddam Hussein dati, e ipinarada ang kanyang bangkay sa Iraq, para patunayan na patay siya.  Ngayon, si Bin Laden tinapon sa dagat at walang pictures?  walang DNA evidence? 

Kung interesado sa mga statistic tungkol sa mga theories...
http://news.yahoo.com/s/csm/20110503/wl_csm/381319

No comments: