Kung nababasa ninyo ito, Congratulations! Na-survive ninyo ang end of the world nung May 21.
Ang May 21 kasi was a Saturday. So very interesting nung May 20. Mukhang most of Manila were partying. At marami ang nagkukuwentuhan tungkol sa End of the World na ito.
Ang kakaiba sa kuwentuhan, ang mga tao ay nagkakaroon ng Hedonistic tendencies kapag end of the world. So parang, uminom na tayo ng uminom tutal end of the world na. O kaya naman, itigil na ang diet na yan. Kaya siguro 3am na nung May 21 e traffic pa rin at nagpa-party pa rin.
Kabaligtaran ito kapag ang isang tao ay tinaningan dahil may sakit siya. Ang tendency magpakabait siya. Gumawa ng mabuti sa kapwa, magsisi sa kasalanan.
So ganun pala, pag mag-isa kang matsu-tsugi, magpapakabait ka. Pero pag sabay-sabay, magiging care-free =)
No comments:
Post a Comment