Monday, May 16, 2011

Bday Party of Chanel at Jollibee

Hintay lang natin ang pics - wala pa nag-upload sa FB e.

Pero kanina ang Bday ni Party sa Jollibee Shangri-la Edsa.  Dami ring pumuntang mga PB.  OK pala ang lugar kasi private ang room may pinto so parang exclusive ang dating.  We had spaghetti, Chickenjoy, fries at Sundae. 

Eto mga highlights:
1)  Nag-champion si Andrei sa pahabaan ng greeting contest.  Well, kasi ang kalaban naman niya ay si Gian at Ivan - so parehas pang wala masyadong talkies e.  So unanimous winner siya.

2)  Since medyo konti ang kids, ang mga games ay pang-adult.  OK naman ang snake game - bago yon a!  Naisip din namin ipalaro sa PB ito - mas exciting kung maraming contestants.  Congratulations sa Boys Team for winning the very nakakapagod na game.

3)  Patok na patok ang sayaw ni Hetty at ni Jollibee.  Medyo mahaba nga ang appearance nilang dalawa ano?  Usually kasi isang sayaw lang tapos aalis na sila.  Pero this time ang tagal talaga nila - nagsayaw 2x, tapos kasama sa pag-blow ng cake, pagbukas ng gift.  At nagpamigay nga sila ng chocolate. 

4) Sa sobrang cute ni Hetty at Jollibee - mega pa-picture ang buong PB.  Lalo na ang mga 2G.  Dinaig pa ang mga batang 3G at 4G.  So this you got to see - the pictures.  Talagang sulit.

No comments: