Sunday, May 1, 2011

Manny Matters

Alam na natin na mayaman si Manny Pacquiao, at limpak-limpak na salapi ang napanalunan nya last year.  Sa katunayan, si Manny Paquiao ang HIGHEST PAID ATHLETE ng 2010, sabi ng ESPN.  Wow! 


(courtesy of ESPN GO.com)

Ayon ito sa ESPN, ang kinita ni Manny ay $32,000,000, mula sa kanyang laban.  Hindi kasama dito ang mga endorsements at commercial contracts ha.  Talagang galing sa sports lang.  Matindi ito kasi 2 lang naman ang laban niya last year.  Well, and one can argue na di pa masyado sikat at magagaling kalaban niya last year (Clottey at Margarito).

Ang 32Million $ ay katumbas ng 1.4 Billion Pesos.  Hmmm - puwede na tong pambayad sa

Sabi ng ESPN, ang mga pinakamayayamang magbayad ng sports ay:  Boxing, Baseball at F1 Racing. 

Ang #2 sa listahan ay si Alex Rodriguez, na baseball player at naglalaro para sa New York Yankees.  Susunod naman ang Formula 1 drivers na sina  Kimi Raikkonen at Fernando Alonso, na merong $26 million at $22 million, respectively.  Si Kimi ay taga Finland at si Alonso naman ay taga Spain.

Si Mayweather pala ay kumita ng 22 Million last year. 

No comments: