Napanood nyo ba ang TV appearance ni Tito Jorge kaninang umaga? Mga 7:45 na siya lumbas at kasama nga niya ang rep from IFEX at isa ring business woman (na chocolate at coffee/tea ang produkto).
1) I thought Tito Jorge did really well. English-Tagalog pala ang interview. At OK ang pag-e-explain nya in both languages.
2) Mga 4 na beses siya nagsalita. Nung una inexplain nya ang produkto at kung ano ang participation nya sa exhibit.
3) OK din na sinabi ni Tito Jorge na ang produkto nila ay Made in the Philippines. At sinabi niyang ito ang dahilan kung kaya puwede ng umorder ng mas konti (e.g. 3,000 pieces ng custom), di tulad ng dati.
4) Dun sa bandang huli, di ko sure kung napilitan siyang sabihin kung magkano ang presyo. Tinanong kasi ng host. Sinabi naman niya na 1.25P each ang small generic coffee cup. Sabi nga ng host na, Wow very affordable pala.
Di nga pala nag-joke si Tito Jorge this time =). Paano ba naman iyong isang guest medyo ang pagkuwento ng negosyo niya, so alangan namang magpatawa siya, di masyado appropriate.
May nakuha akong pictures!! Hintay lang mamaya pag-uwi ko sa bahay i-upload ko.
We are very proud of you Tito Jorge - galing!
No comments:
Post a Comment