Ang buong bansa ng Singapore ay 699 sq km. So hindi talaga, so hindi talaga malaki. Ang Metro Manila ay 640 sq km, so maliit lang ng konti sa buong bansa ng Singapore. Sabi nga nga mga taga-Singapore kayang tawirin ang Singapore mula North to South in 40 minutes. From West to East naman mga 1 hour 15 minutes. So para ka lang nagtravel mula Malabon hanggang Alabang.
GInawan ko ng picture at nilagyan ng Stars and Triangles ang mapa.
- Ang Green Star ay Jurong Area. Andito ang Botanical Gardens, Zoo at ang NIght Safari (di exactong lugar, pero malapit sa area)
- Ang Blue Star ay malapit sa Bukit Batok. Diyan nakatira si Tita CheChe. Medyo malayo sa kabihasnan, pero malapit sa school niya. Well yan ang importante sa kanya =)
- Ang Red Star ang Sentosa. Andito sa area na ito ang Universal Studios, and Sentosa Beach, at ang Resorts World Singapore =)
- Ang Yellow Star ay Marina. Andito ang Marina Bay Sands na may pinakamagandang swimming pool sa buong Singapore. At mas maganda rin casino dito =)
Ang Blue Triangle ang Little India area.
Che, pag pipili kami ng hotel, saan ba ang pinaka-OK. At saan ang huwag ng puntahan. Nakatira na ba kayo ni Ma sa may Little India area? OK ba dun?
No comments:
Post a Comment