Unless kayo si Tita Edith, alam nating lahat na para kumita ng malaking-malaki, maging negosyante. Ang mga pinakamayayamang tao sa buong mundo lahat ay negosyante - computer, facebook, tindahan, langis et kung anu-ano pa. Sa RW nga, ini-interview ko yung mga tumataya ng 240 sa Life of Luxury. Lahat sila may negosyo - may-ari ng gasolinahan, nag-ship ng containers, distributor ng Ginebra products sa probinsya etc.
Kaso alam ko na, wala ako masyadong aptitude o pag-iisip tungkol sa pag-negosyo. Ewan, siguro dahil sa karanasan namin nung may tindahan pa kami hahaha.
Ano nga ba ang kelangan sa pag-nenegosyo? Tanungin kaya natin ang mga negosyante ng PB. Baka kasi meron sa PB na interesado, kelangan lang ng inspirasyon.
Questions:
1) Marami sa inyo ay mga dating empleyado, bakit ninyo naisip na mag-negosyo?
2) Ano ang katangian ng mga negosyante? (Halimbawa, pasensyoso, matiyaga etc.)
3) Paano ba magsimula ng negosyo?
4) Gaano karaming oras (sa isang araw, sa isang linggo) ang dapat planuhin para sa negosyo?
5) Ano ang maipapayo ninyo sa mga naiisip mag-negosyo?
2 comments:
Kami ni cha eh interesado mag karoon ng negosyo this year para yung kikitain ng negosyo namin eh para sa college fund ni baby charles...
Ako din mag uumpisa narin ako mag business ngyon taon na ito buti na lang at nabasa ko blogs mo mas lalo p ako na incourage. :)
sugar
Post a Comment