Monday, May 23, 2011

Working Student

Dapat ata magpasalamat ang 2G sa 1G at ang 3G sa 2G.  Nag-interview ako ng 3 aplikante this week, at lahat sila ay working student.  Naisip ko:  di pala ganun ka-uso sa PB ang maging Working Student.  Ibig sabihin, talagang sinikap ng mga PB parents to provide education para di na kelangan pang mag-work.

Alam ko si Tito Par was working as a student, kasi merong sakit si Kaka nun.  Si Tito Ido meron din tinu-tutoran nung College dahil may sakit si Lolo Dad.  Pero hindi ata regular.  Wala sa ating nagtrabaho sa Jollibee or McDonalds o anumang fastfood chain bilang crew, ano?

Hanga ako personally sa mga Working Students, 95% of the time tinatanggap ko na sila sa trabaho.  Mahirap kasi yon e, nag-a-aral na nagtratrabaho pa.  Saka merong discipline na makukuha sa pagtratrabaho na hindi makukuha sa anumang pag-aaral.

So kelangan nating magpasalamat sa mga 1G at 2G daddy's and mommy.  Ginapang (o nilipad abroad) nila ang pag-aaral ng PB.  At yes, dapat ata tayong mahiya kung bumabagsak dahil pabaya tayo sa school.  Nakakahiya sa maraming Working Students sa buong Pilipinas na kung di magtratrabaho e di makakapag-aral.  Samantalang tayo e full-time students.  At higit na nakakahiya sa mga 1G at 2G (at meron na rin palang 3G) na nagpapakahirap, nag-a-abroad, nagsasanla, nangungutang para maka-pag-aral lang tayo.

2 comments:

Tetes said...

Tama ang kuyang (tito par) ay naging working student. Hindi ang nanay may sakit kundi ang tatay...and kung tama ang memory ko, from high school to college ko sya ang nagpa-aral sa akin, from baon to tuition fee. Nung elementary kasi public school at medyo kaya pa ng nanay.
Kaya tama si tito ido, dapat magpasalamat, kuyang...maraming- maraming salamat sa lahat!!!

tito jim said...

ako si rin naging working student since high school up to college and up to now , still working and still studying with my works in life he he he , pero mahirap talaga ang maging working student , unfotunately kaya di ako nakatapos inuna ko kasi ang mag work at mag md ,mariage degree ! nice tito ido for your concern sa mga working students , yan ang mga may isip na studyante , they help with their families at the same time with them selves ! saludo ko sa inyo sa mga working students , keep it up !