Nung na-assign kami sa Argentina, nagtravel kami sa Patagonia. Eto kasi ang Southern Most Place sa buong mundo. Habang nag-iinuman kami sa may plaza - pambihira. Merong nagtatagalog sa likod namin. Sila Kapitan at mga 6 nyang kasama sa trabaho. Nakipagkilala sa amin - at natuwa sa amin. So libre pagkain, inumin at "others" courtesy of kapitan. Pambihira may mga Pinoys sa dulo ng mundo.
Umakyat kami ng Chamonix mountains sa France bordering Switzerland. Kelangan namin umakyat ng glacier para makapunta sa resting area. Mga 4 storey high ang glaciers. Sa taas ng bundok merong bench na pahingahan bago mag-ski. Sa gilid ng bench makikita ninyong nakaukit - JHON AND BHETH WAS HERE. Ayos di ba, ewan ko lang kung di sila Pinoy! With the H and the was.
After nun, naisip ko ng huwag magulat na may makitang Pinoy maski asan kang lupalop ng mundo.
- Jollibee sa Daly City sa US; sa Bayanihan sa LA; at sa "Manila" fast food sa San Diego
- KFC sa may Zeil sa Frankfurt Germany
- Sa airport ng Dubai
- Maski anong restaurant sa Macao
- Of course, sa Lucky Plaza sa Singapore
- Sa labas ng St. Joseph's Church sa Paris
- Sa Assumption malapit sa Eglinton sa Toronto (hanggang ngayon ba?)
- Sa gilid ng plaza malapit sa Parthenon sa Roma
- Sa anumang bars sa Scheveningen sa Netherlands
- Saan sa Japan?
- Saan nga ba yun sa HongKong?
1 comment:
nakakita din ako ng pinoy sa train station sa Germany nung papunta ako sa Cologne...at cyempre kinausap ko sila at nagtanong ng details papunta sa cologne...mababait nga ang mga pinoy sa abroad at very accomodating at super natutuwa sila kapag meron sila nakakausap na mga pinoy tourist...
dito samin eh super dami pinoy, kahit saan ka pumunta eh 100% meron ka makikitang pinoy at halos lahat ng grocery, shops, resto dito eh meron pinoy na empleyado...
Post a Comment