Thursday, May 5, 2011

Miss nyo na ba ang Santan?

What's common with Kevin, Ayka, Kriza, Julienne and Chanel?  Aside from being PB 3Gs,  lahat sila lived all their lives sa Santan.  =).

Naisip ko lang kasi mag-5 years na rin pala since lumipat kami.  Technically, di kasama ang mga nag-abroad, si Tito Egay ang kauna-unahang tumira sa "labas", kasi matagal din siya sa Los Banos habang nag-aaral.  Sila Lolipot siguro mag-20 years ng wala sa Santan (tama ba?).  Sumunod na rin sila Tito Jim, Tito Jorge.  Nung lumipat sila Tito Boyet, Tito Egay, Tito One at Tita Eyan - di na ata sila galing sa Santan nun.  At syempre sila Tita Tetes nga a few years ago bago mag-Canada galing Santan syempre.

Lagpas 30 years din pala ako naka-tira sa Santan.  At syempre maraming bagay akong naalala tungkol dun.
1) Laging may nagbibigay ng pagkain - birthday, kamatayan, magdadasal para kay Mama Mary, at minsan maski walang dahilan

2) Parang madalas ang party - meron tayong halloween party, valentines party, bday party, at kung anu-ano pa para lang magkakasamang "kumain sa labas"

3) Exciting umalis - kasi naman para kang nagpapaliwanag sa abogado kung saan ka pupunta, sino kasama mo, ano gagawin mo (maski dala ko na raketa ko ng tennis), anong oras ka uuwi.  And repeat 3x - depende kung ilan ang madaanan mo sa may gate

4) Scary umuwi ng gabi - kelangan kasi mag-match yung pinaalam mo kanina sa dahilan mo kung bakit ka ginabi.  And of course repeat 3x.

5) Madaling mangutang - aminin!

6) Ang daming tsismis - kapag nababato ka na sa bahay, lumabas ka lang dun sa may gate.  Guaranteed may chika kang masasagap.   Kung wala naman e ang daling gumawa - at lalong mas madaling ikalat.

7) Walang secret - sige nga, anong secret ang naitago sa compound?  Wala!  e dahil ata sa dikit-dikit na bahay, rinig sa kapit-bahay ang mga pinagkukuwentuhan.  Not to mention yung mga sigawan.  Oops.  change the topic

8) Masaya pag masaya.  Syempre, masaya nga e so masaya.  Hindi yun!  Ibig sabihin parang ang daling maging masaya sa compound.  At pag masaya sobrang saya.  May sense ba ito?  na-gets nyo ba sinasabi?

9) Pasalubong.  Dati parang ang daming natatanggap na pasalubong.  Mga galing abroad, maski nga galing Antipolo.  Pag nabalitaan mong ang isa ay umalis, tiyak yan may suman ka o buko pie o chocolate o kung sinusuwerte sapatos, t-shirt, lotion, o toblerone.

10) Madaling humanap ng kausap.  Iyon bang lagi kang puwedeng may mapapagkuwentuhan - I mean kung gusto mo ha.  Walang napapanisan ng laway sa compound. 

Puwede siguro tayong umisip ng 100 o 1,000 na ala-ala sa compound, ano.  Mga ala-alang never malilimutan.  At mga ala-alang dadalhin natin hanggang sa pagtanda.  Mga ala-alang masarap pagkuwentuhan. 

Sa ngayon, naisip ko. Nakaka-miss rin talaga ang Santan.  Naisip ko rin, masaya na rin kung asan kami =)

...sa ngayon.

3 comments:

Evot said...

nakakamiss kapag bisperas ng bagong taon na sabay sabay nagpapaputok at super dami ng paputok at pagkain... at bisperas ng pasko na naglalagay ng medjas sa labas ng pintuaan eh kasi ngayon eh hindi na naglalagay ng medjas sa pintuan kasi wala ng naglalagay ng pera/candies sa medjas...hehehe

Tita Tetes said...

Sobrang miss ang Santan...ung pag may okasyon pagandahan ng presentation ng pagkain, pasko at bagong taon...d b? Kaya ako, dyan ako tatatanda! Uuwi ako ng Pinas kasama ang PB...hay naku miss ko na ang Santan!

che said...

ay oo nga nakakamiss din ang santan! lalo yung may okasyon (pag yung pang araw araw..hmmm haha)

nakakamiss din ang 'maboboteng usapan' dun... nasan na ba ang salamin na yun?