Huwag magulat kung ang PB 1G ay mga takot sa Kidlat. Alam ko kasi, si Ditse, Lolipot at Lola Maam - mga naduduwag yan pag kumikidlat. Not sure sila Lola Nanay at Lola Tiyang.
Madali lang ipaliwanag ito - lumaki kasi sila sa Nueva Ecija - pinakapatag na probinsya sa buong Luzon, at pati na rin buong Pilipinas. At sa kapatagan - mas matalim ang dating ng kidlat. Walang masyadong bundok o burol na humaharang kasi - so kitang kita ang bagsik ng kidlat. Subukan niyong tanungin sila - lahat ng PB 1G merong kakilala na tinamaan na ng kidlat. Try nyo...=)
At bakit nga hindi, ang kidlat ay tumatama sa bilis na 240,000 kmh. At ang matindi pwedeng umabot ito ng 30,000 degrees Celsius. Sa buong mundo, tinatayang mga 24,000 ang namamatay sa tama ng kidlat taon-taon.
May kasabihan nga pala na "Lightning never strikes twice". Pero merong lightning na suwerte - at hinihiling ng mga tao na tumama thrice...sa isang spin. Sa Zeus po ito dahil free spin na =)
No comments:
Post a Comment