Sobrang daming naimbento at nadidiskubreng technological innovations ngayon. Ang mga dating parang kalokohan lang, state of the art na ngayon. So eto ang mga sumisikat na technology trends na asahan ng darating sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
1) Biometrics
Eto yung gagamitin mo ang Fingerprints mo para magbukas ng PC mo. Di na kelangan mag-enter ng password. Ilalagay mo na lang ang daliri mo - ayos na log-on ka na. Pinapauso ito ng Apple siyempre, at ng HP. Sumusunod na rin ang marami pang computer manufacturers.
2) Kinetic Motion
Pinauso ito ng Nintendo Wii, iyong kapag gumalaw ka gagalaw din ang avatar mo. Ngayon, inaapply na rin ito sa paggawa ng mga presentations. So parang Minority Report at CSI. Di na kelangang hawakan ang images, maski asa ibang bansa ang files o ang kausap mo, puwede pa rin.
3) GRID
Mahabang i-explain. Sa madaling salita, eto ang application ng Pre-paid sa mga telepono papunta sa kuryente at tubig. For example, kung 1,000 lang ang budget mo puwede mong sabihin sa Meralco ng "Pagbilhan nga po ng 1,000 pesos na kuryente this month". So yun lang ang makukuha mo. Paraan na rin ng pagtitipid ito, at para sa environment.
4) Bio Efficiency
Ang tsismis, maglalabas ang Google ng Electronic Wallet. So eto ang sagot nila sa iPad at Galaxy. Ang matindi wala ng charger at electric outlet ito. Dahil ang pag-charge ay galing sa katawan ng tao. Astig di ba! So habang hinahawakan mo ang gadget - na-cha-charge siya ng heat energy ng katawan ng tao. Ewan lang kung makukuryente ka kung pasmado ka =).
5) RFID
More than 5 years na ito sa Europe, pero di pa kumakagat sa Pilipinas. Sa RFID technology - puwedeng kang mag-grocery, ilagay ang lahat ng pinamili sa cart. Ilabas ang cart at ilagay ang pinamili sa sasakyan. Automatic na-co-compute ang pinamili at automatic ka rin nag-cha-charge sa debit card. Astig di ba.
6) 3D
20+ years na ang 3D. Pero ngayon inaapply na sa kung anu-ano. Ngayong 2011, nilabas ng Nintendo ang kanilang DS Lite na 3D. Nakita nyo na, astig. Nakikipaglaban ka sa mga dragon na 3D ang image. Narinig nyo na rin siguro ang paglalabas ng mga 3D na TVs - available na rin sa Pilipinas, pero mahal pa. Abang lang ng mga 6 months - 1 year at bababa rin ang presyo niyan.
Again, lahat ata ng bagong teknolohiya ay aplikasyon at improvement ng mga dati pang nauso. So, recycling at reusing kung baga. Pero walang limit ito. Ang mga dating imposible at kakatawang ideas - totoo na.
No comments:
Post a Comment