Saturday, October 15, 2011

PB Babes - Tita Edith's Golden Fiesta Party

many thanks to Camae for uploading the pics from our professional photographer

Eto na ang mga pictures ng PB Babes from the professional photographers.  Syempre pag professional, mas malinaw, mas artistic ang shots...pero teka ganun pa rin naman ang mga itsura nila ha.  hehehe

INTRODUCTION of CANDIDATES

Dito unang na-shock ang ating non-PB audience.  Di ata nila ineexpect na mga boys ang contestants.  At isa pa nagulat din ata sila na mga pamangkin pala ni Tita Edith ang mga contestants.

Here is Candidate no.1 Ms. Angola.  Hmm.  Tisay si Ms. Angola, at nagahit siya ng bigote, inferness!


Candidate #2 is Ms. Brazil.  Lalaki man o babae, taaalaaaagaaang soooooobrazil sya!  soooobrang bagal pa rin po nyaaaaaaang maaaaaaaaaaaaaagsaaaaaaaaaaaaaaaaliiiitaaaaaaa.  hehehe


Ms. China is candidate #3.   Pero di po yan ang dahilan ng pagiging pike ng paa, dahil po iyan sa stilletos na suot niya, kanino mo naman hiniram yon?


Candidate #4 is Ms. Philippines.  Bago ang pageant, nakakain po siya ng 4 na chocolates, 3 tasang kape, at ginawang dessert ang 3 mangkok ng asukal - kaya po pula sobrang energy nya nung entrance.


Candidate #5 is Ms. Puerto Rico.   Di naman po siya nagmura sa speech, pero iyon pong mga bilbil nya ang nagmura.  At pagmasdan ang gf/manager niya - ano ba yun, stage manager!!!


Ms. Venezuelat.  Ang outfit po niya ay inspired by house decorations: walis tambo, bunot, mantel ng lamesa. 


Eto nga po pala ang distinguished board of judges natin.  5 from Standard at ang chairman ay si Lola Maam.


TALENT PORTION NA

May talent naman po pala sila, so sige tawagin na nating Talent portion ito.

 Here is Ms. Angola.  Love the Orange Hair and the denim shorts.  Pero teka, ikaw ba ang buntis?  Grabe naman sa tiyan yan Ms. Angola, galit na galit.



For sure hiyang-hiya siya, pero all smiles pa rin si Ms. Brazil habang nagpapakita ng talent.


Here is Ms. China perfoming Sex Bomb with a deep male voice.  ahaha.  pasaway talaga maski sa pageant.




Nag-likas papaya po si Ms. Philippines, pero sa face lang.  Look iba ang kulay ng kanyang arms. hahaha.  Pero really good athletic dance number


The biggest surprise of the night was Ms. Puerto Rico's dance number.  Di ko inexpect na carry pala niyang magsayaw ng latina-sexy-female-with-silver-sequins-kita-tiyan-dance number.


Malaki sana chances ni Ms. Venezuelat until pinakita nya ang kili-kili nya.  Hahaha.


Eto nga pala ang itsura ng mga candidates natin.  Kagalang-galang naman pala hehe.  Wow, iba-iba pa pala ang kulay ng gowns ng mga hitad.  Wagi ang mga lola!



AWARDING CEREMONIES

After the Q&A portion, pumunta muna kami sa ibang bahagi ng program.  Kasi magbibihis pa ang ating mga candidata at hahataw pa sila sa ibang dance numbers.  

Sa huling parte ng program, pinarangalan na ang ating mga candidates.


Sabi nga nila ang mga naaapi, nagwawagi sa huli. Buti na lang at nilait si Ms. Angola ng isa pang candidate kaya nanalo din siya ng award - Ms. Friendship. hehe.





We had a tie for Best in Gown - Ms. Venezuelat and Ms. Philippines



Best in Talent went to Ms. China.  Grabe naman kasi ang lagare ni Ms. China nung gabing yon - PB Babes na, Dance number pa at Speech.


1st Runner-Up.  Another tie - Ms. Philippines at Ms. Brazil.  Parang tuwang-tuwa naman sila sa sarili nila


1st Runner-up si Ms. Puerto Rico.  Hmmm.  ang layo naman pala ng itsura ni Ms. Puerto Rico kay Mr. Puerto Rico parang naging Mr. Korea.


and the winner of the PB Babes 2011 Tita Edith's Golden Birthday Edition (Anak ka ng Tatay Mo) Pageant ay si Ms. China.  Not suprisingly, it was a unanimous decision as 100% of the judges voted for her.

Sa picture, is Manager Dianne with Ms China and Bday girl Tita Edith.

Celebrant and the Venue -Tita Edith's Golden Fiesta Part 0

The Venue was at Villa Susana sa loob ng BF Resort.  Hindi naman mahirap hanapin ang lugar, lalo na since sanay na tayo sa venue.  Well unless kayo si Tito Jim o si JayE na mahilig kasing magbiglang liko e dere-derecho lang naman yun hahaha. 




Touch the color po talaga ang motif natin, fiesta kasi.  So lahat po ng colors ng rainbow at primary color wheel ay talagang represented.


Nice cake.  And Nice cake design.  Di exag, pero sosyal.  tama lang.  Kumain si Anton ng cake at nakitikim ako - aba ang sarap pala!  so nakakain ako ng 2 at nag-take home pa hehe.  well si kuya jim nga raw ay naka-apat.


Alas 3 pa lang ata e nagisimula ng magpa-beauty si Tita Edith


Ang lupet naman ng manggas.


Yan na po si First lady pababa sa White House hehe



Eto na ang start ng program


Sabi ng EA ni TIta Edith, "Sir, di raw po bababa si Maam pag wala pang fireworks".  hahaha, sure, e di ihanda na ang palusis.


Eto naman po ang performance ng ating combo.  Di po si Julienne yan, kahawig lang.

Friday, October 14, 2011

One thing missing

If there was one big thing we missed during Tita Edith's Golden Fiesta party...TINIKLING!  I don't know what happened.  At one point, there were 3 groups planning to dance the tinikling (3g, 2g and Standard).  And on the day itself as we all know, wala ng nag-tinikling.

Sayang ano.  Sobrang exciting pa naman sanang panuorin ang tinikling live.

Anyway, below is a clip of Tinikling.  Together with a familiar celebrity.  Ang galing nya ha, which was at first surprising.  Pero pag inisip nyong it's all about footwork e di na tayo dapat magtaka.  Watch and enjoy.



KOBE BRYANT DANCES the TINIKLING

Thursday, October 13, 2011

697

Bukas, lilipad na naman ako from Cebu to Manila.  Eto ang aking 697 plane take-off.  Uy 3 na lang pala at 700 na!  I guess matanda na talaga ako, dahil di na ko masyado excited sumakay ng plane.  Unlike syempre nung unang sakay ko ng plane nung 1993.  Yung gusto mong gawing lahat sa plane - kainin lahat ng binibigay na food, panuorin lahat ng sine na pinapalabas, basahin lahat ng magazine at dyaryo na inaabot, isuot ang tsinelas, makinig ng music....haaaay exciting times.

Well, lately kasi sobrang dalas e.  Parang 9 na beses atang nagpabalik-balik in the past 4 weeks.  Ang main problem lang kasi e ang number ng oras sa biyahe, iyong lahat-lahat ha hindi lang yung flight time.

Ex.  Flight from Manila to Cebu is at 9am.  So ganito
gigising ng 6am, ligo bihis, kape
aalis ng bahay ng 7am
darating ng airport between 7:45-8:15. hubad ng sapatos, sinturon etc
boarding ng 8:30a
Pag suwerte aalis ang eroplano ng mga 9:15am
Darating ng Cebu ng 10:30 am
hihintayin ang bag na lumabas sa carousel, pag suwerte mga 11:15 am
galing sa airport sa mactan papuntang office namin sa cebu city mga 12:00noon to 12:30 na rin
tapos trabaho na, mega-meetings

so there you go, door-to-door 6 hours e.  ang 1 hour and 15 mins na flight, sa totoong buhay ay 6 hours.  Minsan nga 3 beses akong bumalik ng Cebu at Manila at sa isang linggo, aba 18 hours na ring total na biyahe.

I guess di naman dapat umaangal, buti nga nakakafly pa.  I know I know I know.  At di naman ako totally umaangal, nagpapaliwanag lang.  hehehe.

Puwede ko sana kayo dalhan ng Cebu Lechon, pero paano nyo kukunin sa akin bukas?  hmmm.  Syempre kelangan yung malutong pa ang balat.  At saka malaking kasalanan daw na paksiwin ang lechong cebu e.  Pano?

Pics from the Golden FIesta Party

Nag-text si Tita Edith, nakuha na raw niya ang master copy ng mga pics in DVD format.  So intayin na lang natin.

Nabitin ba kayo nung party?  Nabalitaan ko kasi.  Parang walang time to review what happened in sama-sama mode.  Ilang weeks bang nag-practice?  4 ata from the first meeting, tapos natapos ng bigla-bigla.  I guess we remember things and events differently.  Ako I do it by counting down favorite moments: funniest, colorful, enjoyable, reactions.  Dun ko mas naaalala e. 

Pero also understand that for some, kelangang pagkuwentuhan.  Suriin hanggang sa kaliit-liitang detalye.  That's fine.

Hinihintay ko rin ang mga pics, para sa best dressed list.  although i know that would be very hard, given the lavish costumes.  Abangan...

Wednesday, October 12, 2011

Tita Edith's Golden Fiesta Bday - Favorite Part of the Program

Ayon sa PB Poll, namumuro ang Parada as the favorite part of Tita Edith's Golden Fiesta Party.  Which is understandable naman.  Not saying that the other parts of the program were less entertaining ha, it's just that in memory, the grandeur and the regal atmosphere that was the parade probably lingered the most.  Let's review the parts of the program...

ENTRANCE

"a la Debutante" Golden Girl descending a winding staircase, habang ang combo band ay tumutugtog ng pampyestang tugtog, at sasalubungin siya ng palusis at kuwitis. Entrance pa lang panalo na! This has to be the best entrance in PB History.







PARADA
I know many felt that the parada was a little short.  Dahil parang ang ikli raw ng nilalakaran.  Iniisip pala ng marami na talagang rarampa sila ng mahaba-haba.   Hmmm...puwede.  Pero alam nyo naman ako, naniniwala na ang buhay ay pasarapan at hindi pahabaan.  So kung maikli pero maganda naman yun ang OK na OK  hehe. 

Very impressive ang mga costumes at mga props.  Ako'y na-shock.  Di naman natin kasi pinagusapan ng mabuti yon e.  So kanya-kanyang gawa at kanya-kanyang gimik.   Tapos si Lolipot, grabe pa mag-pressure ng mga costumes hehe. 

I love the colors, I love the costumes, I love everything about the parade.  Flawless.  Parang prinactice.






...also loved the props, the marches at yung mga gimik at choreography ng bawat grupo. 
talagang amazing kung paano nila naikarga ang lahat ng mga props nila sa sasakyan.  Merong mga tarpaulin, mga posteng kehahaba, may espada, maskarang buhay (paper mache), headresses na pang Ms Universe, may mga arko, may prutas, may lechon, may mga gulay.  Parang Fiesta!  Ay fiesta naman nga pala talaga





Winner naman sa mga arko.  Look below.  Paano kaya naisakay ito sa sasakyan, o di kya e inassemble ng sobrang mabilisan.  grabe talaga sa effort.











Medyo maikli nga pala ang parada, when you think about it.  Pero meron namang pictures at videos na pamparami ng exposure.  At saka for sure di naman natin malilimutan ang once in a lifetime parada na yan.  Di ko masabi kung sino ang group na may best in costume - dahil puros OK talaga ang marami.  Pero parang alam ko kung sino ang pinaka- di OK ang costumes, hahaha.  secret na lang hehe.

DINNER
Ang problema, di po ako kumakain habang nag-ho-host.  Well, trabaho kasi iyon e.  Kumakain ka ba habang nagtratrabaho???  =).  So wala akong idea sa food.  Iyon lang nga medyo naawa ako sa itsura ng baka habang iniihaw, parang di talaga siya masaya, unlike yung lechon baboy. 



At narinig ko na di pala nasarapan ang PB masyado sa lechon baka.  Wow!  Talaga???  Sabagay, inexplain na rin naman ni Tito Egay kung bakit di nyo type ang Lechon Baka.  hahahaha

J BROTHERS
Honestly, medyo binabaan ko talaga ang expectation dito hahaha.  Sabi kasi ni Tito Jim, tatagalugin daw nila ang Bon Jovi.  Haaay salamat at buti na lang hindi.  Again, natawa ako sa bawat-banat nila.  Maski bago, luma, recycled ang jokes, patok ito para sa akin!  Nakita ko nga yung mga naka-babatang audience e litong-lito sa mga pangyayari.  Pero iyong mga may edad, e tawang-tawa naman tulad ko.  So I think etong part na eto e naging divisive not because of PB or non-PB, but rather sa mga bata at sa mga may edad na. 



Pero iyong video was a different story.  Ayos yung build-up ng suspense.  Dahil dito maski na iyong mga nakababatang audience ay naging interesado. OK din ang mga special effects like yung pag fast forward sa video.  At panalo ang kuwento - something na makaka-relate from 1G hanggang doon sa maliit na 4G.  Simpleng storyline with a grand ambition, so marami talaga makaka-relate. 




PB BABES
Let me start by expressing sincerest gratitude to the managers and especially the candidates of PB Babes.  Talagang pakahirap ito ng husto for everyone involved.  So alam nyo yon, talagang ginawa nilang lahat yon for the love of PB and for the love of Tita Edith. 

Nung introduction, I think na-shock natin ang audience e.  Akala ata nila mga babae ang sasali sa pageant.  hahaha.  Kasi nung tinignan ko reaksyon nila di sila makapaniwala.  So habang ang mga taga-PB ay tuwang-tuwa at hinihimatay na sa katatawa, medyo NR pa ang ibang guests.  Kung baga sa sinaing, e nagpapa-in-in pa.  I think nung Talent portion lang nila natanggap kung ano ba ang nangyayari.




Pero para sa akin, introductions pa lang bentang-benta na. Lalo na iyong mga kasabihan. Ewan ba kung saan nila napagkukuha iyon! Syempre bilib din nung talent portion. Kasi, e iyong iba nga sa kanila halimbawa si JayE, sumasayaw ba iyon sa mga PB parties?!?! pero ngayon aba nag-solo pa, with matching tube na kitang-kita ang tiyan. mwahahaha. Tuwa rin ako na talagang effort ang candidates sa talent portion. Sabi nga ni Tita Yet, hihimatayin daw siya sa dance ni Chucky.

Favorite ko ang Q and A portion. Dahil natuwa ako na sineryoso ng mga judges ito. hehehe. Tama ata ang mga napili nating judges, dahil nararamdaman ko na enjoy rin sila at excited. At sobrang impressed ako sa mga sagot ng PB Babes, maski random yung mga questions. Di po talaga nila alam kung alin questions nila, totoo po.  Linawin po natin yan para sa mga nagtatanong. Talagang magaling silang sumagot. Bakit ba ayaw ninyong maniwala hahaha.

Para sa akin, the most beautiful PB ay si Ms. Brazil. Pero grabe ang taba-taba naman siya sa picture hahaah.  Sa personal naman po ay hindi ganyan.  At maganda talaga ang fez niya.



Ang favorite talent ko naman ay si Ms. Puerto Rico. At ang favorite kong answer ay kay Ms. Angola.  Si Ms. Venezuelat kasi mukhang lalaki talaga hahaha. I think si Ms. Philippines ay underage pa para sa ganitong laban, pero abangan ninyo siya kung meron pang PB Babes 2014, kabog ang kalaban.



Si Ms. China naman kasi malakas ang impact, para talagang experienced na lumalaban sa mga pageant sa mga barangay pag fiesta, so di rin ako nagulat na siya ang nanalo.


Maraming salamat kay JayE at Shiela na kumuha ng pictures.  Di ko nga napansin na nakakuha pala sila ng pictures.  Paano, kasali na sila sa parada, tapos PB Babes.  Actually dapat kasali rin sila sa PB Presentations pero....teka, alam nyo na ba?

Anyway, thanks sa inyong dalawa ha, at least may paunang pictures tayo.  Thanks din kay Tito Jim for uploading sa FB.

Abangan ang part 2 pag may pics na - sabi ni Tita Edith nakuha na raw niya ang master copy, so malaman i-upload na rin iyon ni Camae maya-maya lang, di ba Mae?