Thursday, January 19, 2012

2 Must Read Pinoy Books

1 Grande Frapuccino + 1 Cookie  = 180 Pesos



2 groundbreaking books written in Filipino are available in the market today. 

It's a Mens World by Bebang Siy = 180 Pesos

The book appeared in a couple of Top 10 Best Books of 2011.  So I said, would not hurt to give it a try.  Ang libro ay koleksyon ng mga short stories sa unconventional na pamamaraan.  Simple lang ang istorya, kakaiba lang ang presentasyon.  Nakakatawa, nakakatuwa, para kang nagbabasa ng text o kaya facebook post ng isang kaibigan na pinagsama-sama sa isang libro.  Ang kaibahan, mapapaisip ka sa librong ito pagkatapos.  Ganun din kaya mag-isip mga pamangkin ko?  Ang anak ko?  Ang nanay ko? 

Kuwento ito ng iniisip at hindi iyong nangyayari.  Malabo ba?  Para ba iyong sa komiks.  Di ba meron dun iyong sinasabi ng character na asa "callout" box.  Hindi iyon.  Etong libro e para dun sa iniisip ng mga characters, iyong mga asa loob ng hugis ulap.  Kaya nga mas exciting.  Mas personal din, minsan para kang nagbabasa ng diary.  So maski iyong mga innermost thoughts e nakasulat.

Wag Lang Di Makaraos ni Eros S. Atalia = 200 Pesos
100 Dagli (Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)

Natapos kong basahin ang libro sa loob ng 3 oras.  Pero hanggang ngayon, di ko sigurado kung ano ito. 

Para kasi itong joke book.  Nakakatawa kasi at bawat kuwento ay merong punchline.  Pero hindi nga kasi ito joke book, so parang horror fiction book.  So kung di nakakatawa, nakakagulat ang punchline.  Pero hindi nga kasi ito fiction book.  Para itong tabloid.  So kung di nakakatawa o nakakagulat, shocking ang punchline. 

Minsan para naman itong puzzle book.  Kelangang dalawang beses basahin para ma-gets ang punchline. 

So anong libro nga ba ito?  jokebook, horror fiction, tabloid, puzzlebook?  Baka ikaw dapat magsabi.


Wednesday, January 18, 2012

Milyonaryo

Di pa rin nagbabago ang konsepto na kapag Milyonaryo ka e mayaman ka.  Dati kasi pag sinabi mong milyonaryo, yung parang sobra sobrang yaman. yun bang parang hindi na maghihirap forever and ever.  Di lang nung 70s ha, pati ata 80's ganun pa rin.

Ngayong 2010s, kung may 1 Milion ka di na ata ganun. 

- Kasi ang studio na condominium sa Makati ay aabot ng 3Million Pesos
- Ang high-end na SUV lagpas ng 1 Million

So ano ba yun, di ka pa pala makakabili ng condo o kaya magarang SUV man lang.

Kung naisip mo namang ipasok sa bangko ang 1 Million, your best bet would be the Central Bank Fund.  eto kasi ang merong pinakamataas na interest.  Depende kung kelan siyempre, pero aabot ito ng 4% per annum.  Compared for example sa mga time deposit na between 2% at 3%.  Kaso ang minimum nga dito ay 1 Million Pesos.

Kung inisip mo na pag meron kang 1 Million ay di ka na maghihirap, dahil mabubuhay ka sa interest.  Hmmm.  think again.

Let's say ipasok mo ang 1 Million mo sa Central Bank Fund, tutubo ito ng 4% per annum.  Kaso syempre lahat ng bagay sa mundo ay merong tax at transaction fee.  In summary, ang 1 Million mo ay tutubo ng roughly 2,400 pesos a month.  So ewan kung paano magkakasya ang halagang ito sa gastusin sa isang buwan.

Kung 10 Million, mas mataas ang interest.  Posibleng lagpas 5% per annum.  So ang kikitahin mo sa isang buwan ay posibleng umabot ng 30,000. Parang ang konti pa rin ano?  Saka kung may 10 Million ka, ewan kung dito mo ilalagay, baka dapat i-invest. 

Syempre, pag may 1 Milyon ka ay OK na OK.  Pero iba na ibig sabihin nyan sa panahon ngayon.  Di ka pa rin puwedeng mag-prente. Sorry to bring the bad news.

Sinulog Fund Robbery - Magkano ba talaga?


Nung Monday morning, halos wala pang 6 na oras pagkatapos ng Sinulog, naibalitang nanakawan ang Sinulog Fund. 

Magkano?  Yan ang interesting.  Kasi nung Martes, Jan 17 eto ang mga headline ng 3 major Cebu dailies - Sun Star, Freeman at Cebu Daily News.

Ano ba talaga?  Magkano ba talaga?


Tuesday, January 17, 2012

Sinulog at Cebu Sports Center

Nung papagabi na, di na namin tinapos ang parada, pumunta na kami sa Cebu Sports Center.  Dito kasi mag-pe-perform ang mga contestants.  Mga lagpas 100 daw ang sumali this year.  Libre ang tiket namin, kasi sponsor ang kumpanya namin.



After the performances, merong fireworks.  Actually di ko na nga napansin ang fireworks.  Dahil, gusto na naming lumabas para di kasabay ang mga tao.  Napansin ko na napakarami talagang tao dun.  Di na nga yung fireworks ang pinic-turean ko e.  May fireworks naman sa ibang lugar.  pero ang ganito karaming tao, ang dito lang ata makikita sa lugar na ito.  Kaya naman pala, mga 4 Million pala ang naki-Sinulog 2012.



Dami talagang tao.  Dito rin ni-launch ang bagong tag-line ng Cebu:  ASEAN City of Culture.  I agree!


Pag dating ko sa bahay ng Lunes, inaabangan ko ang balita.  Baka may coverage kasi ang kumpanya namin.

Hmmm.  binalita ang bus na umiwas sa motor at nabangga ang isang bus.  Tapos binalita din na umulan ng isda sa Agusan.  Pero wow, wala man lang isang balita tungkol sa Sinulog.  Sabi nila binalita raw ang Sinulog nung Sunday, pero sino naman ang nanunuod ng balita pag Sunday di ba?

So ganito pala ang feeling ng mga hindi taga-Manila.  Iyong Nazareno maghapon magdamag at ilang araw ang coverage.  Pero ang Sinulog 0 coverage sa primetime news nung Lunes.

Showbiz Celebrities at Sinulog 2012

Kung meron mang disappointing ng konti sa Sinulog 2012, eto yung realization na sa buong Pilipinas mas malakas ang hatak ng mga artista kesa sa mga cultural artists.

Eto kai ang sample ng mga props na ginamit ng mga performers.  So pinarada nila yan ng ilang kilometro.  Para pag dating sa Sports Center, sobrang engrande ng palabas nila.


pero halos di rin napansin ng mga tao.


Pero pagdating ng float ng mga artista, ayun na po tiliian na na umaatikabo ang mga tao.  At halos di na makalakad ang parada dahil sa dami ng mga taong gustong lumapit sa float.


Pinicturean na rin namin sila.  Pero tinanong ko mga kasama ko kung sino sila at bakit sila tinitilian.  Di rin nila kilala.  Hmmmm.  interesting.



Winner Sinulog 2012


Merong something intriguing tungkol saa dating ng grupong ito.  Di naman pinakamagaganda ang costumes nila.  Pero parang ang dami nilang props



Tapos para silang may dalang kakaibang energy maski sa street dance pa lang.


Iyon naman pala.  Ang Lingganay Festival mula sa Alang-Alang Leyte ang mananalo ng 1 Million pesos para sa Best Freestyle Interpretation Category ng Sinulog 2012.

You have to see their performance and be convinced.  Dynamic, breathtaking and truly magical performance.


First Sinulog 2012

First time mag-Sinulog this 2012.  I had been to festivals around the world, but there is nothing like Sinulog.  Dalawang beses na rin akong nakapunta sa Carnival sa Brazil.  Sabi ng marami that it is the greatest party in the world.  And I agree.  Carnival is a party and a lot of skin.

Pero ang Sinulog is a fiesta of culture.

So we started our day at 5:00 am.  Nakarating sa Fuente Circle ng mga 6:15am.  Kasi sinabihan kami na grabe ang traffic, at mahirap makahanap ng puwesto.  So maganda nga ang puwesto namin.


Here are some pictures from the Street Dance taken alog Fuente Circle.





Fabulous and colorful costumes.  Tapos ang tindi ng performances maski habang naglalakad.


Different colors, different themes ang mga costumes.







What an unbelievable and unforgettable experience.  Pero simula palang.

Monday, January 16, 2012

I Heart National Bookstore

Powerbooks is nice.  Fully Booked is nice.  But there is nothing like National Bookstore.  Especially in terms of books on sale.  Panata kong bumisit ng National Bookstore.  Paano pag nag-sale sila ng libro talagang sale! 

Last week pinalad akong mauna sa kanilang January book sale.  5 good books = 620 pesos.

Jonathan Franzen's Freedom a Novel (hardbound) = 150 pesos
Perfumes A-Z = 150 pesos
Managing with Carrots = 150 pesos
100 Greatest Inventions (hardbound) = 150 pesos
What Color is Your Parachute = 20 pesos!



Lalo akong natuwa dahil nakita ko sa kabilang bookstore ang presyo ng same na book.  The 2009 edition of What Color is Your parachute = 948 Pesos, gaya ng nakikita ninyo sa picture below.

Wow, so I saved 928 pesos!  Tindi nun a parang, naka-save ako ng 4,500% .  I heart National Bookstore.