dito sa link...
THanks to Kriza, Ayka and Karen for the pics.
http://www.blogger.com/page-edit.g?blogID=7475868918418752774
Monday, January 3, 2011
Batang Mag-aral
Na-realize nung January na ang dami palang PB 3G na bata nagsimula mag-aral. Si Gab kasi 13th bday niya this week, e 1st year high school na siya. So bata siya ng 6 months. Alam ko si Julienne bata rin nag-start. Si Miguel din pala, 1 year ahead. Pero mukhang OK naman sila sa school, mga honor students or section 1.
1 year ahead din kasi ako nag-aral sa school. At iniisip ko na siguro kung on-time ako nag-aral, naging Summa Cum Laude siguro ako hahaha. Kasi ang mga classmates, mas matured e, 1 taon ang pinag-uusapan. Mas OK kaya talaga kung on-time pumasok ang bata sa school? E di gawin kayang 1 year late? Palagay nyo?
ADVANTAGES ng Pagiging "Bata"
- Pag medyo magaling ka, iniisip ng teacher at ng mga kamag-anak mo na sobrang galing mo, dahil nga bata ka
- Tingin ng mga tao ang dami mong potential
- Nothing to lose. Ikaw pinakabata e, kung may talunin kang isang classmate, panalo ka na
- Pag grumaduate ka ng maaga, malamang matanggap ka sa trabaho. Mali o Tama, bilib ang mga nag-i-interview sa mga batang grumaduate
DISADVANTAGES ng Pagiging "Bata"
- Mas matured usually (di lagi, pero madalas) ang mga classmates mo sa iyo
- Pag Retirement lugi ka. Ex. 50 years old ang retirement sa amin. Ako nagsimula mag-work ng 19, iyong mga 22. Kelangan ko mag-work ng 31 years, sila 28 years lang. Ang daya!
- Di makakapasok sa bar. Nung unang suweldo namin, di ako naka-pasok sa bar =(. Lahat sila kasi 21 na
10 years from now, hingan natin ng opinyon sila Miguel, Julienne at Gab. Sa ngayon naman kasi, mukhang OK sila.

Trip to Genting and Singapore
Nung 27 Dec nag-fly kami ni Lola Maam to Singapore. Nag-stay kami ng 1 gabi lang, at nung madaling araw pumunta kami ng Genting Malaysia.
7 hours ang trip from Singapore to Genting. So kumuha si Tita Che-Che ng sosi na bus. May video on demand at at ang reclining seat meron pang massage.
Since 2nd time na namin, di na namin ginawa ang mga pang-turistang bagay. So bakasyon talaga: Kain, tulog, shopping, casino, pag nanalo shopping ulit. Kain ulit.
Ang Christmas decorations sa buong Genting, made of recyclabe plastic. OK naman ang effect sa picture
Bumalik kami ng Singapore after 2 nights sa Genting, Malaysia. Pag dating sa Singapore, sa Marina Bay Sands kami nag-stay
Sobrang sosyal ng hotel na ito. LObby pa lang, ayos na
Pag ka-check-in eto ang welcome sa kuwarto namin =)
Eto ang room namin. Tempur ang unan =).
At ito ang binabayaran ng mahal sa Marina Bay Sands. Ang Skypark view.
Eto ang infinity pool. Bale pupunta ka ng 57th floor, tapos ang view dun ay pool na para kang mahuhulog sa building. very nice idea at execution. Natalo yung Burj ng Dubai.
And then on the 31st umuwi na kami ng Manila. For the first time nag-change of year ako sa loob ng eroplano. Not that bad - kitang kita kasi ang mga fireworks sa buong metro manila habang papa-landing kami.
Nung dumatin kami ng Laguna (mga 1:40am), ininvite kami nila Tito One at Tita Petite na sa kanila na mag-New Year's Eve dinner. Sarap! Thank you.
More pics courtesy of Tita Cheche on this page. para sa mga interesado: http://www.blogger.com/page-edit.g?blogID=7475868918418752774&pageID=6683022210073358227
Sari-Saring PB New Year Pics
Best Artistic Design:
Makulay na Ginataan ni Tita Ate, may yellow, violet, green (na bilo-bilo), white, brown. san ka pa?
Best in Costume
Best Facial Expression Female
Best Facial Expression - Male
Paint Me: Boys - Plane Crash
Paint Me Girls Plane Crash
Best LOL - Boys
Best LOL - Girls
Best Performance by 1G
Fastest Performance in a Game
Best Patulan ba ang Mga Bata
Best Performance by Child
Sunday, January 2, 2011
PB 2010 Committee Financial Report
In summary, ang pera po natin ay 579 pesos na lang =(. At wala na pong ginastos ang committee ngayong New Year. Ibig sabihin ang mga ibang palaro, inabonahan na ni Tita Edith. Actually si Ayka din nga pala nag-abono sa game nya.
Pinakamalaking gastos po natin ay ang catering nung Christmas - umabot ng 28,175, combined na po ang lunch and dinner (+15% service charge at taxes). Gastos din ang mga prizes nung Games at mga awards. Actually mura nga pala ang mga t-shirts.
Nasa ibaba po ang computations.

PB New Year part 2
Pag New Year talaga sobrang daming games. Dami kasi nagbaon ng palaro.
PAINT ME
Isa sa mga naging masayang games ay ang palaro ni Ayka. Una muna ang mga 3G, ang nanalo ay ang mga Boys. Next naman ay ang mga 2G, na boys ulit ang nanalo.
Nalaro na natin ito dati pa, pero modern version ito with judges. Halata ngang kinabahan ang mga 3G judges nung 2G na ang naglalaban, paano tinatakot sila ng walang tuition fee at baon. haha! Inferness, OK ang judging nila. Sinasabi lang nilang di nila maintindihan, pero gusto nilang sabihin minsan ay ang pangit naman ng ginawa hehehe. So good job kila Ayka, Gab, Rap at Karen.
LOL
Nag-riot na naman dahil sa larong ito. Panalo na naman ang mga boys. Medyo dehado pala ang girls team dito, kasi di pa nagsisimula tumatawa na sila Dianne. Sa boys naman, kakagulat na mahirap palang patawanin si Tito Jorge. Well si Gab din. Eto kelangan nyo abangan ang mga pictures, para makita nyo pagmumukha ng mga PB habang nagpapatawa, dahil muka talaga silang ma-C-CR na o kaya e sinasaniban.
SPEED STACKERS
MOdern version naman ito ng Jollibee game. Nag-demo nga muna sila Rap, Carl at Meg. Nung naglaro ang mga 2G, na-realize ko na tumatanda na talaga kami. Dahil, di na namin naisip mandaya hehehe. Dati kasi, pinag-meemeetingan muna namin kung paano mandaya e.
On the contrary, puro dayaan naman ang mga 3G. Grabe. Ang bilis namang matuto nitong mga ito.
Oo nga pala, e di naglalaro sila Kacey at Tehya nito. E di syempre ang bagal. Sabi ni Pia, "maybe we should call this game Slow Stackers". Hahaha. Di po na-gets ng ibang 3G ang joke.
EVOT AND CHARISSE GAME
The winner was Kathleen. Nung una sumusunod lang si Kathleen kila Tito BOyet at Tita Edith. Pero nung may chance, e humiwalay na siya kaya siya ang nanalo.
Actually, mas controbersyal ang premyo kesa sa laro. Pero yoko na ikuwento dito hahaha.
OCTOPUS GAME
Siyempre si Tito Jorge ay magpapalaro para sa mga 4G. Lagi na lang natin sila nakakalimutan e.
Meron pang palaro si Tito Jorge, iyong mga magnetic Hexagons na i-sta-stack. Ano nga ba pangalan nun?
HUMAN SLOT MACHINE
Si Tita Edith ay nagpalaro ng Human Slot Machine na naging saklaan. Ang big winners ay sila Tito Par, Tito Jim at Tito Jorge. Magulo pa kasi ang betting rules nung Round1 kaya kumita sila.

Ang Happy New Year ng PB
Pag New Year sa PB, ibig sabihin maraming games, at home-made food. Nagsimula ang araw namin ng late, past 12 na kami kumain, pero ang dami ng pagkain.
Star of the table ay ang siopao and siomai from Tito Boyet and Tita Rhoda, e paano, meron pa silang dalang sariling steamer. HInulaan kong di tatagal ng merienda yon, dahil nga masarap at bago. Umabot ang siopao ng mga 6pm, pero ang siomai talaga namang inupakan ng PB.
For lunch gumawa sila Tito Par at Tita Bhogs ng Baby Back Ribs. Ang sarap ha, naka 4 nga ako e. Mabentang mabenta ang Molo Soup ni Tita Ate, unang naubos. Si Lola Tiyang ay nagdala ng kaldereta, na yummy din pati patatas masarap. Nalimutan ko kung sino may dala ng barbecue (sino nga po?) na patok din lalo na sa mga kids at 3g boys.
Si Lolipot at Tita Edith may dalang sandamakmak na balot at itlog na pula. Ang dami ko ring nakain. Meron ding mga nilagang at inihaw na gulay.
For dessert, meron kaming Leche Flan (na gawa ni Tita Eyan) na the best tasting sinabi ko nga sa kanya. Meron ding pakwan at ang sikat na sikat na Big Oranges (dala rin ni Tito Par). Inadvertise ni Tito Jim na konti lang ang Graham Crema ala Shiela, na umabot naman hanggang gabi. Si Tito Jorge may dalang peachy-peachy (ganun pala spelling nun!). At syempre ang unlimited supply of drinks care of Tito Egay and Tita Dang. At ang mas unlimited pang supply ng ice c/o Tito One hehe.
Mas masarap ata talaga ang pagkain kapag potluck. Iyon nga lang ang problema, e maghuhugas pa at kanya-kanyang kuha ng drinks. Na hindi na ata sanay ang PB hehe.

Subscribe to:
Posts (Atom)