Sunday, February 27, 2011

Best Restaurants sa RW Part 1

Last week - nakainan ko na lahat ng restaurants sa RW =).  Ang RW at Republiq ang nagiging dinner place to go sa Metro Manila.  Pag weekends - asa ka pang makakuha ng table pag 7-9pm.  Nung andito si Che last week - nakakain kami ng dinner ng 10:15pm.

Eto ang quick review ng mga restaurants sa RW, in case magawi kayo.

#1.  Tao Yuan

Still our favorite restaurant sa RW.  Naka-tatlong balik na ako dun dahil gusto kong suyurin ang buong menu nila.  Food is excellent, and service is good.  Yun lang dapat talaga pumunta ng maaga dahil sobrang haba ng pila.  Meron pang Tao Yuan branch sa Mabini, Manila.


Our Favorite - Cereal Prawns


Rating:
Food - 4 1/2  Stars
Service - 3 1/2 Stars
Price - 4 Stars (mga 400 per person)


#2.  Crisostomo - Pinoy Food

Puwede rin kayong kumain sa Crisostomo para sa mga bininyagan nilang pangalan sa mga pagkain - astig kasi. Huwag na nating sabihin, kasama yan sa element of surprise =)




Adobo Rice - kanin na ulam


At ang paborito ni Che-Che at ni Tita Ate na Crispy Pasta.  Kakabilib, very crispy on the outside, samantalang sobrang juicy naman ang laman.  Amazing paano nila ginawa yon


you also have to try their unique salads.  Sinubukan namin ang grilled squid - nakakabilib, sobrang kakaiba.

Rating
Food:  4 Stars
Service:  4 Stars
Price:  4 Stars (mga 350 per person)


#3. UCC

Well, nagkalat na naman ang UCC ngayon.  pero sige na nga i-review na natin.  Dahil pag mahaba ang pila sa ibang restaurants, sa UCC kami tumatakbo. 

 30% of the time eto ino-order ko Sausage Gratin.
Pag nanalo, eto naman ang kape ko - Blue Mountain coffee.  Iniinom lang ito pag naka-jackpot, presyong jackpot kasi ito (500 pesos per cup).  =).





Rating:
Food - 4 Stars
Service - 4 Stars
Price - 2 Stars (sobrang mahal - isang pasta = 400 pesos)

#4.  Parmigiano

OK na restaurant.  OK ang food, OK ang service, di masama ang presyo.  Ang problema hindi memorable.  Walang masyadong register ang dining experience - na gusto mong balikan







Rating:
Food - 2 1/2 Stars
Service - 3 Stars
Price - 2 1/2 Stars (Mga 400 per person)


#5.  Johnny Chow

Matatawag ang pansin mo dahil sa buhok ng mga waiters and waitresses.  Tingnan nyo na lang ng malaman ang sinasabi...


 Eto ang naging problema namin.  Pagkatapos ng appetizer (na OK naman), mga 30 minutes kaming naghintay sa main dish.  Di naman puno ang restaurant, so di namin ma-gets kung bakit.  Di nyo ako gustong kasama pag matagal dumating ang order kong pagkain, nag-tra-transform ako =). 

At lalong ayaw nyong maging waiter or restaurant manager.  So for the first time in 2011, nag-walkout kami sa restaurant.  At hindi man lang nagpaliwanag at nanghingi ng sorry ang mga waiters ang managers.  Ang matindi siningil pa ko ng kanin - na tignan nyo naman di ko naman nagalaw.

Hinding hindi na kami babalik sa restaurant na ito (tulad ng Kenny Rogers at Tony Roma's), imbitahan man ako ni Marvin Agustin (sya may-ari nito).



Rating:
Food:  (appetizer lang) 3 1/2 Stars
Service:  0 Stars.  Kung puwede negative, negative 5,000
Price: 3 Stars (mga  150 per person ang appetizer)

#6.  Beurre Blanc

Eto ang tanging French Restaurant sa RW.  Very sorry sa may-ari ng restaurant - di ko talaga type ang pagkain dito.  Pero maiintindihan ko kung yung ibang tao gusto nila.  OK lang, puwede nyong subukan



Pepper Steak - OK lang.


Rating:
Food - 1 1/2 Stars
Service - 3 Stars
Price - 2 Stars (mga 450 per peson)

#7.  Mr. Kurosawa

Bagong pauso ni Marvin Agustin ang Euro-Japanese Fusion sa pagkain.  Iyong kasing restaurant niya sa Greenbelt na John and Yoko dinadayo talaga, laging maraming tao at di mahal ang presyo.

Pero ewan ba at di pa ko nakakakain dito ulit.  Baka kasi Japanese purist ako.  Ang sarap naman ng Japanese food, bakit mo sasamahan ng European?  Di ko lang ma-gets siguro.  Have to give it another try.



Ang kanilang sushi roll


Rating:
Food:  2 Stars
Service: 3 Stars
Price: 3 1/2 Stars

Next time ang Part2, punta naman tayo sa:  Passion, Ginzadon, Mercado, Cafe Republic, Stackers, Penang, Cafe Med atbp..

Na-miss ang party

Medyo marami ang naka-miss ng bday party ni Tiyong last Friday, may pasok po kasi.

Kumusta po ang party?  Meron ba kayong pictures, pa send naman.  Thanks

Thursday, February 24, 2011

Happy Birthday Lolo Tiyong

February 25 is People's Power Anniversary and also Lolo Tiyong's Birthday.  Si Lolo Tiyong ay 76 na.




Happy Birthday po Lolo Tiyong!

T.I.P.

Ang salitang tip ay isang acronym na ang ibig sabihin ay To Improve Performance.  Nasimula ito dati sa Europa.  Pag gusto mo ng mas maayos na service, magbigay ka ng tip.  Depende sa restaurant, sa bansa, at sa klase ng service, iba-iba ang tip.

Sa Pilipinas, syempre pag fast-food walang tips.   So Jollibee, McDo walang tip diyan.  Sa mga coffee shops tulad ng Starbucks at Coffee Bean, naglalagay sila ng Tip Boxes malapit sa cashier.  Marami ring restaurants ang meron ng kasamang 10% service charge sa inyong bill - so parang tip na rin ito.  Ang mga iba nga, di na nag-tip dahil nga may service charge.

Ang Max's restaurant walang service charge.  Pinagtratrabahuhahan daw nila ang kanilang tip.  Ano pa bang restaurants ang walang tip?

Isa pang question, magkano ang tip nyo usually?  Ilang percent?

Wednesday, February 23, 2011

Eenie Meenie by Andrei

Justin Bieber pala ang dance number ni Andrei last Sunday.  Eto ang video, kasama ni Justin si Sean Kingston (Damn, all you beautiful girls...)



Tuesday, February 22, 2011

Pinoy Blood

Sa loob at labas ng bansa, napakaraming half-Pinoy, or partly-Pinoy ang nakikilala sa iba't-ibang larangan.  Sa sports, nandyan ang mga Azkals, ang mga PBA players, ang boxers na sina Viloria at Donaire (Pinoy parents but American citizens).  Sa entertainment industry, lalong dumarami na rin ang listahan.  Tignan nga natin kung sino-sinong mga sumisikat ang merong Pinoy blood.

Alam na nating mga Pinoy sina Bruno Mars, Apldap ng Black Eyed Peas, DJ Virman (ng Far East Movement), Coach Eric (ng Miami Heat), Benny Agbayani (ng New York Mets) from previous posts.  Eto naman ang iba.  (Actually si Mimi Miyagi nga pala ay 100% Pinay, born in Davao City, pero huwag na nating ilagay ang picture nya rito.  Kilala mo siya Tito Jim?)


#1.  Monique Lhuillier
- Now an internationally-renowned fashion designer.  Gumagawa ng mga damit para kina Britney Spears, Mandy Moore, Hillary Duff at Catherine-Zeta Jones (see below)
- Pinanganak siya sa Cebu City.  Ang kanyang ama ay French-Pinoy, and kanyang ina ay 100% Pinay





#2.  Kirk Hammett ng Metallica
- Ang #11 sa listahan ng Rolling Stones Magazine na Best Guitarist of All Time ay half-Pinoy
- Ang kanyang ama ay Irish at ang kanyang ina ay Pinay (Chefela).
- Pag tinignang mabuti - mukhang Pinoy talaga siya




#3.  Nicole Scherzinger (ng Pussycat Dolls - kumanta ng JaiHo)
- Ang pangalan ng tatay niya ay Alfonso Valiente na taga-Hawaii. Ang kanyang ina ay Hawaiian-Russian.





#4.  Vanessa Hudgens (ng High School Musical)
- Ang pangalan ng nanay niya ay Gina Guangco, na pinanganak sa Manila



#5.  Mike Inez (Bassist ng bandang Alice in Chains)
- dati rin siyang bahista ng banda ni Ozzy Osbourne
- Ang kanyang ina ay Pinay



#6.  ROB SCHNEIDER
- Ang kanyang lola sa mother side ay 100% Pinay
- Siya ang bida ng mga pelikulang Deuce Bigalow, Grown Ups at yun nga Hot Chicks.  Lumabas na rin siya sa marami pang pelikula lalo na kasama si Adam Sandler.  ex. ay The Waterboy, Big Daddy, 50 First Dates, Click at You don't mess with Zohan
- Actually, medyo halatang Pinoy siya dahil lagi siyang nagsisingit ng Pinoy na bagay sa mga pelikula nya ex. ay "Raspberry Bibingka", tapos sa ibang pelikula niya, lumalabas pa ang nanay niya. 


Top 10 Summer Destination in the Philippines

Naglabas na ang TURISTA magazine ng listahan ng Top 10 Summer Destination in the Philippines (outside the island of Luzon)

Let's list them down...

10.  Negros Occidental

 Kung mahilig sa water falls, Negros Occidental is the place to go...



9. Cagayan de Oro

Adventure Capital of the Philippines - site of the best White Water Rafting


8.  SIARGAO

- NOt only the SURFING CAPITAL OF THE PHILIPPINES.  Also Great Beaches


7.  APO ISLAND

- Breathtaking views, only found in Dumaguete


6.  BATANES

Majestic view.  Very honest people.



Can you guess Top 5 - Top 1?

Monday, February 21, 2011

Pictures from Andrei's 7th Bday

Andrei's Car Racing Cake. 


Lola Vangie mukhang bata as usual

Contestants ng Ocho-Ocho Couples Game - para lang may rayuma

o kaya na-ci-CR


ocho-ocho ba game sinalihan nila?


Disi-sais ata ang nilalaro ni Tito Jorge!


Paputokan ng lobo ...of TItanic proportions


paano, di pa umuupo pumuputok na ang lobo!


Musical Balloons


Tita Edith gamely "claims her prize"

Bday Boy Andrei - laging mukhang maaliwalas, walang problema


I don't think lalaking siga itong si Adrei.  Showbiz, malamang.


I could not rememeber the title of the song.  Alam nyo?  Ine-expect ko kasi Bieber song ulit e =)


Magic show - David Blaine courtesy of Tito Egay (kaya nyang basahin ang isip ni Andrei)


Kevin the magician - may magnet sa kanyang (malaking) katawan


Tito Par's magnetic magic - nakulangan lang ng sustansya


Lolo Jim and JayE.