Tuesday, February 22, 2011

Pinoy Blood

Sa loob at labas ng bansa, napakaraming half-Pinoy, or partly-Pinoy ang nakikilala sa iba't-ibang larangan.  Sa sports, nandyan ang mga Azkals, ang mga PBA players, ang boxers na sina Viloria at Donaire (Pinoy parents but American citizens).  Sa entertainment industry, lalong dumarami na rin ang listahan.  Tignan nga natin kung sino-sinong mga sumisikat ang merong Pinoy blood.

Alam na nating mga Pinoy sina Bruno Mars, Apldap ng Black Eyed Peas, DJ Virman (ng Far East Movement), Coach Eric (ng Miami Heat), Benny Agbayani (ng New York Mets) from previous posts.  Eto naman ang iba.  (Actually si Mimi Miyagi nga pala ay 100% Pinay, born in Davao City, pero huwag na nating ilagay ang picture nya rito.  Kilala mo siya Tito Jim?)


#1.  Monique Lhuillier
- Now an internationally-renowned fashion designer.  Gumagawa ng mga damit para kina Britney Spears, Mandy Moore, Hillary Duff at Catherine-Zeta Jones (see below)
- Pinanganak siya sa Cebu City.  Ang kanyang ama ay French-Pinoy, and kanyang ina ay 100% Pinay





#2.  Kirk Hammett ng Metallica
- Ang #11 sa listahan ng Rolling Stones Magazine na Best Guitarist of All Time ay half-Pinoy
- Ang kanyang ama ay Irish at ang kanyang ina ay Pinay (Chefela).
- Pag tinignang mabuti - mukhang Pinoy talaga siya




#3.  Nicole Scherzinger (ng Pussycat Dolls - kumanta ng JaiHo)
- Ang pangalan ng tatay niya ay Alfonso Valiente na taga-Hawaii. Ang kanyang ina ay Hawaiian-Russian.





#4.  Vanessa Hudgens (ng High School Musical)
- Ang pangalan ng nanay niya ay Gina Guangco, na pinanganak sa Manila



#5.  Mike Inez (Bassist ng bandang Alice in Chains)
- dati rin siyang bahista ng banda ni Ozzy Osbourne
- Ang kanyang ina ay Pinay



#6.  ROB SCHNEIDER
- Ang kanyang lola sa mother side ay 100% Pinay
- Siya ang bida ng mga pelikulang Deuce Bigalow, Grown Ups at yun nga Hot Chicks.  Lumabas na rin siya sa marami pang pelikula lalo na kasama si Adam Sandler.  ex. ay The Waterboy, Big Daddy, 50 First Dates, Click at You don't mess with Zohan
- Actually, medyo halatang Pinoy siya dahil lagi siyang nagsisingit ng Pinoy na bagay sa mga pelikula nya ex. ay "Raspberry Bibingka", tapos sa ibang pelikula niya, lumalabas pa ang nanay niya. 


No comments: