Sunday, February 27, 2011

R.I.P Voice Tape

Wala akong statistics, pero di ko ma-imagine kung meron pang nagpapadala ng voice tape ngayon para sa mga kamag-anak abroad.  Ang mura na kasi ng tawag sa telepono - lalo na kung meron kang phone card.  Nagkalat na rin ang internet cafe sa buong mundo, at ang dami na ring netbooks at phone na puwede ng mag-chat.

Naaalala ko lang mga 25+ years ago, lahat ng PB nag-vo-voice tape.  Si Lolo Tiyong, Lolo Dad, Lolo Tito lahat asa Middle East.  So natural, magpapadala ka ng sulat at pag may extra money mag-voi-voice tape.  Matagal gawin ang voice tape ha - mga 30 minutes kasi ang runtime nun, at pag yung TDK na extended mga 1 hour and 15 minutes.  So kung madalas kang mag-voice tape baka maubusan ka ng sasabihin.

Mauubusan ka ng sasabihin kasi di ba wala ka namang kausap, salita ka lang ng salita.  Dati nga kami nila Che and Ayo, wala na talaga kaming magsabi - so nag-spelling contest kami habang nag-re-record. 

One time naaalala ko rin na nagpa-contest ang PB para sa voice tape para kay Lolo Tiyong.  Singing contest!  Alangan namang dance contest di ba.  So ganito, bubunot ng number ang bawat PB, tapos kakanta.  Di malalaman ni Tiyong kung sino ang kumakanta.  Pipili siya ng winner.  Naaalala ko na ako ay contestant #7 at ang aking kinanta ay ang makabagbag-damdaming Santa Claus is coming to Town.  December kasi nun at naniniwala pa ko kay Santa nun.  Anyway, lahat naman kami kumanta.

Naaalala nyo pa kung sino ang nanalo ng 1st prize? 

Actually ngayon maski gusto mong mag-voice tape para say kila TIta Tetes, paano?  Ang mga stereo at boom box ngayon wala ng casette player or recorder.  Meron na ngayong CD/DVD player, USB at outlet pang-connect sa PC at iPhone. 

Kung sakaling di nyo po napansin...patay na ang Voice Tapes.  Nakakalungkot din, ang daming masasayang memories.

No comments: