Anyway, here are the Top 5:
#5. Bohol
Maganda sa picture, mas maganda sa personal. Memorable experience talaga pag nagpunta ka sa Bohol. Napaka-peaceful.
Medyo turn-off lang na bawal mag-ingay sa gabi. Ano yun?!
#4. Cebu
I love Cebu. At definitely a must visit place in the Philippines. Not sure lang kung Top 4 siya dapat. Cebu is a city kasi, so di lang puro beach at views. Kung gusto ng maraming magagawa - Cebu is the place.
#3. Coron
Parang set ng Lord of the Rings. Majestic evolution of nature. Dito sa Coron, iyong puwedeng pumikit mag-click ng camera - sobrang ganda ng view. Sayang at di sobrang popular destination para sa mga tourists ito compared to Puerto at El Nido. Pero baka nga mas OK na rin, para ma-preserve ang kanyang beauty.
#2. El Nido
Eto naman iyong Wow experience. Breathtaking ang mga views, at unbelievable na asa Pilipinas ito. Iyong ka-opisina ko ngang dapat mag-a-abroad, napa-dalawang isip ng magpunta kami ng El Nido at Coron. Sobrang ganda ng Pilipinas - marami lang ang di nakakaalam.
#1. Boracay
As the most popular Summer Destination. I definitely agree 1,000%. As the best destination?....hmmmm. Sabihin na lang natin na Boracay ito for now. Sobrang sikat ng Boracay sa buong mundo (di ba nga iyong taga-Glee nagpunta rito last month), so OK na rin makilala tayo dahil dito.
So ayan daw ang Top 10 ayon sa Turista Magazine. Agree kayo o disagree?
Wala akong problema personally sa Top 10 na yan. Nalungkot lang ako na wala ang Camiguin. Sobrang ganda kasi dun. Parang naging pasikatan ang listahan at di naman pagandahan. Pero OK na rin, kung ito ang magdadala ng mas maraming turista sa Pilipinas - happy na rin.
3 comments:
maganda nga ang sa bohol...yung panglao ba eh counted na sa bohol? kasi sikat yung panglao sa beach at yung bohol eh sa chocolate hills...
tito ido, pagumuwi kami dyan sa pilipinas sa december eh coron or el nido tayo kasi hindi pa namin napupuntahan ni charisse yun or pwede din sa amanpulo...
Maganda din sa pagudpud...bakit hindi kasali sa top 10??bka nga popularity ang criteria at sa dami ng tourist na pumupunta...mahirap kasi puntahan yung pagudpud...
Oo nga - walang Pagudpud, wala ring Sagada/Banawe rice terraces. Siguro dahil walang regular flights ang airlines dun. Ang daya
Post a Comment