Ang salitang tip ay isang acronym na ang ibig sabihin ay To Improve Performance. Nasimula ito dati sa Europa. Pag gusto mo ng mas maayos na service, magbigay ka ng tip. Depende sa restaurant, sa bansa, at sa klase ng service, iba-iba ang tip.
Sa Pilipinas, syempre pag fast-food walang tips. So Jollibee, McDo walang tip diyan. Sa mga coffee shops tulad ng Starbucks at Coffee Bean, naglalagay sila ng Tip Boxes malapit sa cashier. Marami ring restaurants ang meron ng kasamang 10% service charge sa inyong bill - so parang tip na rin ito. Ang mga iba nga, di na nag-tip dahil nga may service charge.
Ang Max's restaurant walang service charge. Pinagtratrabahuhahan daw nila ang kanilang tip. Ano pa bang restaurants ang walang tip?
Isa pang question, magkano ang tip nyo usually? Ilang percent?
1 comment:
dipende sa service yung tip namin...kapag OK yung service eh mga 10-12% ng total bill yung tip namin pero kung walang kwenta yung service eh ok na yung $2-$3...hehe
Minsan nga nakalagay na sa resibo kung magkano yung suggested tip pero hindi namin sinusunod un...hehe
ano ang pagkakaiba ng Tip at Gratuities? =)
Post a Comment