Kung binabasa mo ito ngayong Feb 14 ng gabi, malamang isa ka sa mga Pilipinong malamig ang balentayms. Di ka kasama ng mga milyong-milyong Pinoy na nalululong sa selebrasyon ng araw ng mga puso. Marami ang nagsasabi na corny at jologs ang Valentine's Day. Well, subject to opinion yan. Kung ano man ang pinaniniwalaan mo, ang totoo e nakaktulong sa ekonomiya ang kabaliwang ito. Nakakatulong sa mga flower farmers sa Benguet, sa mga retailer sa Dangwa, sa mga restaurants, sa mga nagtitinda ng chocolates, sa mga bell boys, mga nagtratrabaho at may-ari ng motels at hotels.
Kung sakaling hahabol ka pa, eto ang I Love You sa ilang wika ng Pilipinas:
Tagalog - "Mahal Kita"
lIocano - "Ay-ayaten ka";
Pampango - "Kaluguran daka";
Bicolano - "Namumuot ako sa imo";
Cebuano - "Hinigugma kita";
Hiligaynon - "Palangga ko ikaw";
Maranaw - "Pekabebayaan ko sika";
Waray - "Hinigugma ko ikaw";
and Pangasinense - "Inararo taca".
No comments:
Post a Comment