Eto ang quick review ng mga restaurants sa RW, in case magawi kayo.
#1. Tao Yuan
Still our favorite restaurant sa RW. Naka-tatlong balik na ako dun dahil gusto kong suyurin ang buong menu nila. Food is excellent, and service is good. Yun lang dapat talaga pumunta ng maaga dahil sobrang haba ng pila. Meron pang Tao Yuan branch sa Mabini, Manila.
Our Favorite - Cereal Prawns
Rating:
Food - 4 1/2 Stars
Service - 3 1/2 Stars
Price - 4 Stars (mga 400 per person)
#2. Crisostomo - Pinoy Food
Puwede rin kayong kumain sa Crisostomo para sa mga bininyagan nilang pangalan sa mga pagkain - astig kasi. Huwag na nating sabihin, kasama yan sa element of surprise =)
Adobo Rice - kanin na ulam
At ang paborito ni Che-Che at ni Tita Ate na Crispy Pasta. Kakabilib, very crispy on the outside, samantalang sobrang juicy naman ang laman. Amazing paano nila ginawa yon
you also have to try their unique salads. Sinubukan namin ang grilled squid - nakakabilib, sobrang kakaiba.
Rating
Food: 4 Stars
Service: 4 Stars
Price: 4 Stars (mga 350 per person)
#3. UCC
Well, nagkalat na naman ang UCC ngayon. pero sige na nga i-review na natin. Dahil pag mahaba ang pila sa ibang restaurants, sa UCC kami tumatakbo.
30% of the time eto ino-order ko Sausage Gratin.
Pag nanalo, eto naman ang kape ko - Blue Mountain coffee. Iniinom lang ito pag naka-jackpot, presyong jackpot kasi ito (500 pesos per cup). =).
Rating:
Food - 4 Stars
Service - 4 Stars
Price - 2 Stars (sobrang mahal - isang pasta = 400 pesos)
#4. Parmigiano
OK na restaurant. OK ang food, OK ang service, di masama ang presyo. Ang problema hindi memorable. Walang masyadong register ang dining experience - na gusto mong balikan
Rating:
Food - 2 1/2 Stars
Service - 3 Stars
Price - 2 1/2 Stars (Mga 400 per person)
#5. Johnny Chow
Matatawag ang pansin mo dahil sa buhok ng mga waiters and waitresses. Tingnan nyo na lang ng malaman ang sinasabi...
At lalong ayaw nyong maging waiter or restaurant manager. So for the first time in 2011, nag-walkout kami sa restaurant. At hindi man lang nagpaliwanag at nanghingi ng sorry ang mga waiters ang managers. Ang matindi siningil pa ko ng kanin - na tignan nyo naman di ko naman nagalaw.
Hinding hindi na kami babalik sa restaurant na ito (tulad ng Kenny Rogers at Tony Roma's), imbitahan man ako ni Marvin Agustin (sya may-ari nito).
Rating:
Food: (appetizer lang) 3 1/2 Stars
Service: 0 Stars. Kung puwede negative, negative 5,000
Price: 3 Stars (mga 150 per person ang appetizer)
#6. Beurre Blanc
Eto ang tanging French Restaurant sa RW. Very sorry sa may-ari ng restaurant - di ko talaga type ang pagkain dito. Pero maiintindihan ko kung yung ibang tao gusto nila. OK lang, puwede nyong subukan
Pepper Steak - OK lang.
Rating:
Food - 1 1/2 Stars
Service - 3 Stars
Price - 2 Stars (mga 450 per peson)
#7. Mr. Kurosawa
Bagong pauso ni Marvin Agustin ang Euro-Japanese Fusion sa pagkain. Iyong kasing restaurant niya sa Greenbelt na John and Yoko dinadayo talaga, laging maraming tao at di mahal ang presyo.
Pero ewan ba at di pa ko nakakakain dito ulit. Baka kasi Japanese purist ako. Ang sarap naman ng Japanese food, bakit mo sasamahan ng European? Di ko lang ma-gets siguro. Have to give it another try.
Ang kanilang sushi roll
Rating:
Food: 2 Stars
Service: 3 Stars
Price: 3 1/2 Stars
1 comment:
ako 6 na ata nakainan ko: Red Crab (ate's bday), Tao Yuan,
Crisostomo, kopi rotti, mongolian at ang pinaka-pamatay sa lahat.... McDo
Post a Comment