Nung November 2010, tuluyan ng nagpaalam ang NU107 sa ere. Sobrang lungkot nga ang mga rakista. Hanggang ngayon, ako nga di na nakikinig ng radyo - walang nagpapatugtog ng gusto kong kanta.
Early January 2011 naman, nagpaalam na ang sikat na sikat na Bandang Bamboo.
At ngayong February, mag-di-disband naman ang Sugarfree. Isa sa paborito naming banda ang Sugarfree, well kasi classmate ni Tita Che-Che ang gitaristang si Jal nung HighSchool.
Para sa di nakakakila, maraming kanta ng Sugarfree ang kilala, pero mas naging sikat sila sa maraming tao dahil sa mga theme song:
Panata sa Bahay (yung...Katotohanan, magpapalaya sa Bayan) ng GMA 7
Makita Kang Muli galing sa ABS-CBN show na Panday
Theme Song ng Talentadong Pinoy
Para sa mga fans, ma-mi-miss nila ang mga kanta nilang Burnout, Hello, Prom, Los Banos, Hari ng Sablay, Kung Ayaw mo na sa Akin, at ang makasaysayang Mariposa.
May Farewell concert nga ang Sugarfree bukas, March 1 sa Eastwood Plaza. Nuod kayo last na nila ito.
Eto ang sample ng tugtugang Sugarfree - ang una nilang sumikat na single - Burnout. Enjoy, dahil hanggang bukas na lang ang banda =(.
2 comments:
Sa college ko kaklase si Jal, sa UP Pol-sci, in fairness nagtuturo pa rin si Jal sa UP kahit rakista
Ang dali kasing pakinggan ng music ng sugarfree, di nakakastress :)
Sa college ko kaklase si Jal, sa UP Pol-sci, in fairness nagtuturo pa rin si Jal sa UP kahit rakista
Ang dali kasing pakinggan ng music ng sugarfree, di nakakastress :)
Post a Comment