Wednesday, October 5, 2011

4 na Tulog

In 4 days, 50th Golden Bday na ni Tita Edith.  Eto po ang mga reminders.

- PB, please be at the venue by 5:30pm at the latest.  The Alabang-Zapote Road is always busy, even on a Sunday especially since we are headed to BF Resort na lagpas sa SM Southmall.  So please budget time for traffic.
- Syempre, naka-costume na po tayo pagdating sa venue.
- Program is scheduled to start at 6:30 and then Dinner at 7pm.   Scheduled to start kasi, alangan namang mag-start tayo pag walang guest di ba.  So let's say 30 minutes buffer in case ma-late ang mga guests.
- Tita Edith, ready ka na by 6:30pm ha, please. 

Tuesday, October 4, 2011

Villa Susana

VILLA SUSANA
Address: Blk34 Lot51,Vatican City Drive,BF Resort Las Pinas City

kelangan nyo pa po ba ng directions? sanay na tayo sa Las Pinas at BF Resort di ba?

PAL Strike

Makabuluhan yong editorial ni Conrado de Quiros sa Inquirer tungkol sa PAL Strike.  Eto yung article nya.
http://opinion.inquirer.net/13347/right-cause-wrong-tack

Parang ganito ang summary.  Kung halimbawa, ikaw ay nagtratrabaho sa PAL ng 20 years at ang suweldo mo ay 20,000 pesos a month.  Matatanggal ka sa trabaho, tapos i-hi-hire ka ulit, kaso ang magiging suweldo mo ay 11,000 na.  Ang trabaho ay exacto lang bago ka natanggal.  Di ba naman nakakagalit talaga?

Ang problema sa nangyari sa PAL strike e yung timing ng strike nila.  Nataon o Tinaon nila sa bagyo.  Kaya maraming tao ang naapektuhan.  Kapag kasi meron kang ipinaglalaban na tama, at dinaan mo sa tamang paraan makukuha mo ang simpatiya ng publikong Pinoy.  Kaso dahil sa ginawa ng PALEA sa pag-strike last week, maski mismo ang mga Pinoy ay nawalang simpatiya sa kanila.

Ako mismo sobrang apektado sa PAL strike last week.  Di ko alam kung matutuloy ba ang mga flights nila, o kelangan ko ng lumipat ng ibang airlines.  2 araw din akong na-delay, at up to the last minute di ko alam kung makakauwi ako.

Namamangha lang ako sa sinasabi nila na "Outsourcing is Illegal".   Hmmm, di ba nila alam kung gaano karaming Outsourcing companies sa Pilipinas at kung paano binubuhay ng Outsourcing ang ekonomiya ng bansa sa kasalukyan.  Nakakamangha din kung gaano nila kabilis iwan ang tungkulin nila, maski na libu-libong tao ang apektado. 

Parang tama naman ang pinaglalaban nila - kaso sobrang mali ng paraan, at lalong sobrang mali ng timing.

Breakfast

So, I had been staying at Marriott Hotel for 2 weeks na.  Breakfast is very good.  Di katulad ng Shangri-la, pero wala naman kasing katulad ang Shangri-la =).   For example, ang breakfast sa Marriott ay 800 pesos per person.  Sa Shangri-la ay 1,200++, so halos 50% more expensive.

Pero grabe, nakakasawa naman pala pag buffet breakfast araw-araw.  Nung una, syempre exciting.  Dahil sobrang dami talaga ng pagkain nakakalula.  Pero katulad ng lahat ng bagay pag araw-araw, nakakaumay na.

Masama kaya ang bacon?  kasi araw-araw eto ang kinakain ko.  Waffles and bacon.  French toast and bacon.  Pancake and bacon.  at nung isang araw, Bacon and Bacon.  Gusto ko kasi iyong sunog na bacon, malutong - feeling mo di marami ang taba =).

Marriott Cebu Buffet Selection:

Omelette Station
Cebu/Pinoy selection (suman, puto, pinoy ensymada)
Classic Breakfast (danggit, tocino, longganisa, flayd lays)
Chinese Food Section (spare ribs, tausi fish etc.  di ko masyado alam dahil di ko type ito)
Noodle Station (para sa mga Koreano siguro na nag-a-almusal ng mami)
Bread selection (mga 12 breads to choose from)
Cold Cut Section (ham, bologna, salami)
Cheese Section (konti lang mga 5 cheese variety to choose from)
Fruit Station
Drinks Station (Orange Juice, Mango Juice, Tomato Juice, Milk, Chocolate etc.)
and my favorite the Waffle/Pancake station, dito rin ang bacon, chicken sausage

Ang problema and as you may know.  Hindi ako mahilig mag-breakfast.  Dahil mas gusto ko pang matulog kesa mag-breakfast.  Sobrang sayang talaga sa akin itong bayad na ito. 

Kanina ang kinain ko:  isang pancake, isang bacon, isang egg fritata, isang pirasong pinya, isang pirasong papaya.  That is it - 800 pesos.  Kasama kasi sa room charges e.

Game punta nga kayo dito, at kayo ang kumain ng breakfast ko.  SObrang sayang e =).

Monday, October 3, 2011

May Lechon Ba Katyo?

Nag-text sa akin kagabi si Tita Edith, ang intro ay:  May Lechon Ba Katyo...hmmm.  ano yon!?!?!  at bakit ako ang tatanungin nya kung may Lechon di ba?  Ako ba ang magpapakain nun?  hahaha.

Upon clearer inspection, gosh!  Ang ibig sabihin pala ay meron tayong LECHON BAKA sa Sunday.  Di ko maalala na nagkaroon na tayo ng roasted calf sa anumang PB Party, so this must be the first.




Well lahat naman tayo ay pupunta at walang balak umabsent.  Pero eto pa ang isang dahilan sa pagpunta sa Golden Fiesta Party ni Tita Edith.

See you.

Saturday, October 1, 2011

Okrayan para sa 50th Bday ni Tita Edith

Warning:  alam nyo naman pong walang nakakaligtas sa PB Blog.  So puwede po ba mag-ayos-ayos na para sa birthday ni Tita Edith.  Isang linggo na lang kasi.  Ewan nga ba kung bakit may nag-papa-okray pa e paulit-ulit lang naman ang panlalait:  1) Damit o Costume 2) Speech at 3) Presentation

1) DAMIT
nakakatakot ang costume para sa Fiesta party na ito ha.  Kinakabahan ako na yung iba baka magmukhang mananampalataya sa paa ng Bundok Banahaw - alam nyo yong damit nila?  hahaha.  At yong mga lalaki naman baka magmukhang magsasaka o kaya yung umaakyat sa puno ng niyog para kumuha ng tuba.

Ang tip ng PB Blog:  Kung nadadalian kayo sa costume nyo, puwes malamang PANGIT yon! hahaha.  Puwede paghirapan naman ng konti.

2) SPEECH

Pang-limang 50th bday na natin ito, so utang na loob naman, mag-practice na.  Merong mga taong pinanganak na magaling magsalita.  Pero wala ata sa PB nun e, lahat tayo effort magsalita.  So ang tanging solusyon diyan e mag-practice. 

Isipin nyo na lang na anytime, puwede tayong tawagin para magsalita.  So puwede mag-isip na ng sasabihin.  At huwag yong "Happy Birthday na lang wala na akong masabi"  o kaya "Nasabi na nilang lahat".  hahaha

3) PRESENTATIONS

Alam naman ni Tita Edith na may presentations, e di ba nga sa bahay pa niya tayo nag-pra-practice hehe.  Pero feeling ko OK ang mga presentations, kasi dito naman malakas ang PB.   Mukha mang suman sa labas ng simbahan ng Antipolo ang damit, at "hello, hello mike test" ang speech, lagi namang OK ang presentation.  Pero practice pa rin at performance level please.

You had been warned. 

Fiestas sa Pilipinas, Festivals in the Philippines

FIESTA ang naisip na birthday theme ni Tita Edith para sa kanyang golden bday celebration.  Alam nyo bang lagpas 100 Fiesta sa Pilipinas sa buong taon?  Grabe ano, so halos linggo-linggo merong 2 fiesta sa isang bahagi ng Pilipinas. 

Dati ang fiesta kasi ay talagang nakalaan para sa mga santo at meron itong religious nature.  Pero ngayon, maski kalabaw may fiesta na, maski putik nga e meron na ring sariling piyesta.

Eto ang ilan sa mga sikat na piyesta sa buong taon sa ating bansa.  Ang mga pictures ay galing sa wikipilipinas o tourism-pilipinas.com.

******************************

ATI-ATIHAN
ikatlong araw ng Linggo sa buwan ng Enero

Ang Ati-Atihan festival ay ang fiesta para kay Santo Nino.  Isa ito sa mga pinakasikat na fiesta sa buong Pilipinas, katunayan maski sa Metro Manila at halos buong Pilipinas nag-a-ati-atihan kada-January.  Interesting dito e kung paano dinadamitan ang mga batang Santo Nino - minsan merong bumbero at basketball player.
 


SINULOG
ikatlong araw ng Linggo sa buwan ng Enero

Ang Sinulog ay piyesta rin ng Santo Nino, na ginagawa sa Cebu.  Actually, pagan celebration ito nung una, at nag-gu-gunita ng pagtanggap ng mga taga-Cebu ng Kristiyanismo.





DINAGYANG
ika-apat na Linggo ng Enero
Ang Dinagyang ay piyesta ulit ng Santo Nino, sa Ilo-Ilo City.  Eto ang paggunita ng pagdating at pagbebenta ng isla ng Panay sa mga Malay na dumayo sa bansa.  Naalala nyo ba si Prinsesa Maniwan-tiwan na binenta ang isla sa halaga ng isang salakot na puro ginto.





PANAGBENGA
Buwan ng Pebrero

Di lang isang araw ang Panagbenga Flower Festival, dahil pinagdiriwang ito sa buong buwan ng Pebrero sa Baguio.  Sa piyesta kasama ang Ibaloi tribe sa pagdiriwang, di ko lang sure kung talaga bang nag-volunteer silang sumama o isinali lang.   Sabagay di naman ito religious festival, so baka nga selebrasyon ito ng buong community ng Cordillera.




Date: 28th Feb – 1st March
KAAMULAN
Pebrero 28 - Marso 10
Ito ay selebrasyong ethnic-cultural sa probinsya ng Bukidnon.  Parang thanksgiving celebration naman ito.  Di ata religious festival ito, kasi sinabay ito sa pagiging probinsya ng BUkidnon nung March 10, 1917.  Exciting ito dahil kasama dito ang 7 tribal groups —Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon and Umayamnon. Kaya nga sinasabing ito ang natatanging ethnic festival sa buong Pilipinas.

 

Date: Holy Week

MORIONES
Tuwing Mahal na Araw

Sa Marinduque naman ito.  Makulay na paggunita ng Mahal na araw kaya merong mga costumes at role-playing. 




FLORES DE MAYO
Mayo 1-31
Hmmm.  Meron na bang naging Reyna Elena o kaya COnstantino sa PB?  Alam ko meron ng naging Hermana at Hermano Mayor, pero ewan kung meron naging Reyna at Hari sa PB sa Flores de Mayo.






PIYESTA NG MGA KALABAW
Mayo 14-15
Sikat ito sa Luzon at pinagdiriwang sa tatlong pangunahing lugar: Pulilan, Bulacan; San Isidro, Nueva Ecija; at Angono, Rizal. 
  


PAHIYAS FESTIVAL
Mayo 15
Bukod sa piyesta ng kalabaw, ang Pahiyas festival sa Lucban, Quezon ay pagdiriwang sa paggunita sa patron ng mga magsasaka - si San Isidro.  Ang piyesta ng Pahiyas ay naging piyesta ng pansit at kiping.  (alam nyo yon?)

 



PIYESTA SA OBANDO
Mayo 17-19

Di na kelangang i-explain dahil alam na natin ito, lapit kasi ng Obando sa Malabon.  Ito po ay piyesta para sa mga patrong San Pascual de Baylon, Santa Clara at Our Lady of Salambao.
Sino po sa PB ang nagsayaw sa Obando?




Date: Third week of August


KADAYAWAN
Ikatlong Linggo ng Agosto
Eto naman ang Thanksgiving piyesta ng Davao.






PENAFRANCIA FESTIVAL
Ikatlong Sabado at Linggo ng Setyembre

Eto ang fiesta sa Naga, Camarines at buong Bicol Region.  Fluvial celebration ito ibig sabihin sa tubig.  Kaya lang parang ang dalas naman na merong na-a-aksidente sa prosesyon ano?




Date: 3rd weekend nearest to 19th October

MassKara Festival
Linggo malapit sa ika-19 ng Oktubre

Parang pyesta ito ng pagsasayaw na giangawa sa Bacolod City sa Negros Occidental.  Kasi contest ito e, pagalingan sumayaw at pagalingan ng costume.


Date: 23rd November

Higantes Festival
Nobyembre 23

Ginagawa ito sa Angono Rizal bilang paggunita sa patron na si San Clemente.  Recently, nagiging tourist spot ang Angono pag  Higantes festival.  Di ko nga alam na religious pala ito, at para pala kay Saint Clement ito.  hehe.

 

Naku dami pang fiesta sa Pilipinas, merong Pistay Dayat sa Pangasinan, Lanzones Festival, Kalimudan sa Sultan Kudarat, Pagdiriwang ng mga Igorot, Pintados, Piyesta ng Putik, Turumba (sa Pakil), Maleldo (sa Pampanga).  At maraming-marami pa. 

First Day

October 1 ang official first day ko sa Cebu.  Sabagay mga limang beses na rin ako pumunta nitong buwan ng August-September, pero ngayon talaga ang aking First Day in Cebu.  Ibig sabihin dito na po ako ng 2 taon =).  Matagal-tagal din.

Sino po sa PB ang gustong maging co-blogger?  Paki-email lang po ang inyong yahoo ID at gagawin ko kayong author.  Madali lang pong mag-blog, para lang kayong nagkukuwento ng mga bagay, minsan mahalaga madalas walang kuwenta rin hehe.

Alangan naman kasing puro Cebu ang ikuwento ko sa inyo ano hehehe.