Saturday, February 14, 2009

Parang

The most popular: Love is Like a Rosary That is Full of Mystery. (euuuuwww!). Pero sikat din naman ang: 'Ang pag-ibig ay bulag' at siyempre ang klasik na "Ang pag-ibig pag nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang."

Eto naman ang 2000 version:

Ang pag-ibig ay parang boxing. Hindi maiiwasan na may masasaktan.

Ang pag-ibig ay parang tsinelas, kailangan may kapares

Ang pag-ibig ay parang UNLI. Nag-exxpire.

Ang pag-ibig ay parang sinampay.
Nananakaw.

Ang pag-ibig ay parang kape
Nakaka-adik

Ang pag-ibig ay parang lotto.
Kailangang sumugal para maka-jackpot.

Ang pag-ibig ay parang....
Math. Maraming problema.
Science. Maraming dapat patunayan.
PE. Minsan nakakapagod. Minsan boring. Minsan papawisan ka, minsan naglalaro ka lang talaga.
Ang pag-ibig ay parang joke.
Minsan pilit.
Minsan mahirap makaget-over lalo na sa kaligayahang naidulot nito.
Kahit nasasaktan ka na nang sobra, kakatawa.

Ang pag-ibig ay parang Virus sa PC.
pag tinamaan ka minsan matindi minsan hindi
minsan madaling mawala pero minsan hindi,
minsan kala mo na delete mo na pero nanjan pa pala

Ang pag-ibig ay parang ihi.
Kapag pingil masakit.

Ang pag-ibig ay parang washing machine.
Paikot-ikot lang.

Ang pag-ibig ay parang tansan.
May premyo sa likod.
Pero hindi naman lahat ng tansan may premyo sa loob.
Hindi naman palaging nanalo sa pag-ibig.

Ang pag-ibig ay parang global warming, hindi mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.

Ang pag-ibig ay parang coconut, bigla nalang mahuhulog

Ang pag-ibig ay parang
bagyo, bigla kung dumating, mapapatangay ka lalo na at out of control , dahil minsan hindi mo kayang kontrolin

Ang pag-ibig ay parang buhok binata
one-sided

Ang pag-ibig ay parang spaghetti sauce
sweet, me konting spice pero minsan maasim

Ang pag-ibig ay parang
parang kalsada, two-way

Ang pag-ibig ay parang tawag sa telepono
long-distance.

Ang pag-ibig ay parang pagpila sa MRT
dinadaan sa tiyaga at pagtitiis kahit matagal at mahaba ang pila, nag-iintay, nag-aabang; kahit araw-araw na nakikipagbakbakan para lang makasakay

Ang pag-ibig ay parang libro
maraming chapters, at hindi mo alam kung happy or sad ang ending

Ang pag-ibig ay parang trip to jerusalem
me isang player ang mawawalan ng silya. maliban sa kanya, ang ibang player me nakalaang silya o upuan; makikipag-agawan ang players para sa silya nya; handa kang mang-jombag,majombag, makakuha lang ng silya; pag tatlo na lang mas matalino at madiskarte ang kakumpetensya, sa kanya mapupunta ang silyang gusto nya.

Ang pag-ibig ay parang hulugan.
"Bakit mangungupahan pa, kung kaya namang magkabahay na?" - Vice President Noli de Castro para sa PAGIBIG Funds.

Ang pag-ibig ay parang bato...
it's hard.

Ang pag-ibig ay parang LBM
di ka mapakali.. lalo na pag sumusumpong
di siya maalis sa isip mo
Di mo kayang pigilan
Di mo masasabi kung kelan siya dadating
Pag nailabas mo na ung tunay mong nararamdaman, gumagaan ang iyong pakiramdam.

Ang pag-ibig ay parang sipon, makapigil-hininga.
Ang pag-ibig ay parang mata ko, malabo.

Ang pag-ibig ay parang ako
mapang-asar
magulo
pero cute

Ang pag-ibig ay parang pag-ibig quotes.
Nakakasawa.

Friday, February 13, 2009

Lesson for Today: SCIENCE

Alam kong marami na ang nag-iisip na puro tsismis at panlalait ng lumang picture lang naman ang laman ng PB Blog. OK FINE!

So maiba naman (at wala na rin akong maisip na pambalentayms).... Our subject for today is SCIENCE. Our topic is INVENTORS.

Simulan na natin...

THE ELECTRIC FAN

Ang unang gumaganang mechanical fan ay naimbento ni Alexander Sablukov noong 1832. Tinawag niya itong 'centrifugal fan' o 'air pump'. Pero nung nadiskubre ni Thomas Edison at Nikola Tesla ang electrical power, dun na naimbento ang ELECTRIC FAN nung 1882.





THE WALKMAN


Para sa kabataan, ang Walkman ay yung cassette player na portable player na ginagamit sa pakikinig. Rebolusyanaryo ang imbensyon na ito ng Sony, dahil pumuwede na ang pakikinig ng tugtog habang naglalakad. Imposible kasi dati iyon e. Una itong ipinakilala sa Japan, at inimbento ni Nobutoshi Kihara para sa chairman ng Sony na si Morita. Ang totoo, gusto lang ni Chairman Morita na makinig sa mga OPERA habang nakasakay siya sa eroplano. Sosyal.




THE TELEVISION


Nung 1884 naimbento ni Paul Gottlieb Nipkow, ang unang 'electromechanical television system' na gumamit ng scanning disk. Ito iyong umiikot na disk na maraming butas na umiikot papunta sa gitna. Ang tawag sa proseso ay 'rasterization'.

Pero ang sinasabing totoong imbentor ng television ay si Vladimir Zworykin. Importante kasi ang imbensyon nya: ang telebisyon na may kakayanan 'to transmit and receive system employing cathode ray tubes'. Dahil sa kanyang imbensyon naging practical ang paggawa ng TV nung 1923.





THE MOTORCYCLE


Sinasabing dinisenyo ang unang motorsiklo ni Gottlieb Daimler sa Germany. Maaalalang siya rin ang nagtayo ng tanyag na Daimler-Chrysler na gumagawa ng mga kotse. Nung 1885, inimbento niya ang unang 'motorized bicycle' na pinapatakbo ng langis, maski ang tawag nila nun ay 'riding car'.





THE DISHWASHER

Aba. Malay sinong nag-imbento nun. Tignan niyo nga sila naghuhugas.





Sana ay marami tayong natutunan sa PB Blog today at sana'y naibigan ninyo ang topic natin today. Class dismiss.

Sariling Pili

nagtatawanan kami dahil sa comment ni Ate Edith (please see comment in another post for the details)

Lola maam, tama ka, pinagbigyan tayo ngayon magpadala ng cutest pic. Mas
lalong lumaki problema ko eh. Wala ako mapili. Baka yun maipadala ko sabihin na
- ha? un na ba ang pinaka maganda mong pic?Mas lalo lang sumama loob ko dahil
ako na mismo pumili. hahahaha

Tama rin si Ate Edith pala ano. Biruin mo ikaw na pumili tapos lalaitin ka naman ng mga tao haha. kakainis yun.

Ang tanong, tingin nyo lalaitin ba kayo ng iba?
Ang sagot? SIYEMPRE! hahaha


Pero, meron nga bang pictures na tingin mo OK na OK talaga, pero lalaitin ka pa rin?

Thursday, February 12, 2009

RowRow Your Boat

Maaalala ninyo na ang nanalo sa PB Summer Outing Poll ay Boracay.

Ito naman ang resulta ng poll last week:


79% voted for OO rin. Dapat magsimula na tayong maghanap ng jeep sa Araneta na maghahatid sa 'tin sa Boracay.

LOVE SONG, VALENTINES, AMPOGI, FANMAIL

AMPOGI
- Sabi ni Ate Edith, bakit puro ampapangit ng mga pics na nilalagay dto?
- Ang sagot: Para mas marami ang mag-blog, hehe. Mas gusto ata ng taong makita na mas AMPOGI at MABYUTI sila kesa sa mga pics.
- Seriously, padala kayo ng pinakamaganda nyong pic.
- Ako, nagpalit ng ko ng profile pic ko. Iyan na ang pang-valentines na handog ko sa inyong lahat hehe

LOVE SONG
- New Discovery: multiplex na ang PBBlog Video natin. Nagpapalit every minute. Una, ang request ni Tito Jim: The One You Love by Glenn Frey (of Eagles). Dito yung "are you going back to the one who loves you. are you coming back to the one you loooooove". HEAVY.
- Next ang request ni Tita Che-Che na "love of my "life" ng Queen. Pinili ko yung hindi MADAMOSHA.
- Merng JarsOfClay at All You Need is Love from Across the Universe.
- Yo, di puwede ang request mo, dapat merong "LOVE". Baka merong mag-request ng LUMANG SIMBAHAN. Game, request ka ulit.

FANMAIL
- Nung weekend merong natanggap na sulat na parang SPAM mail. Pero di pala.
- Galing ito kay "Mommie Tina" ng Miami, Florida.

"Hello Royal Blog,

I chanced upon your blog searching for Baguio and Tagaytay. Then
I started to read on. You have an amazing, fun and loving family.
Nainggit ako sa mga activities ng family ninyo. I then began to realize
that even if our own family is far apart, we are only a blog away. Your
family is an inspiration to our family and to many Filipino families who are
away in different parts of the world. I am a mother of 2... and I have
told my nieces and nephews in the P.I. to start a blog for our family.

Thanks a lot and more power to your blog.

Sincerely,
Tina of Miami, Florida."

Wednesday, February 11, 2009

Darwin's Theory of Evolution2 - Happy Birthday CAMAE

PART 1: Mahirap talaga maging CAMAE. 2nd child, 2nd daughter. At magkaroon ka ba ng ate na sapawera...


Puwede nyo ngang mapagkamalan na si Tita Che-Che ang may bday. Magpa-blowdry pa ba papuntang Children's party!!! At siyempre si Ate Karen naka-scarf pa nga - tinitiis ang init maging bongga lang. (side comment: ang pangit ni Tito Ido...baka naman Benjamin Button ang buhay niya, pabata..)

PART 2: Buti na lang at di nagpasapaw si CAMAE. Pag may talent ka, lulutang talaga. Sa edad na 3 taon, nanalo na si CAMAE ng Best Child Performer award during the 1995 PB Disney Christmas.


Si CAMAE bilang pusa ni Pocahantos ang scene-stealer ng kanilang group performance. HATAW maski di kasabay ang iba. Kinabog ng pusa ang ate niyang little POCAHONTAS. mwe hehe.


PART 3: Nabalitaan nyo ba? Habang papalaki e na-adik daw sa mga DOLLS si CAMAE. Si Lolipot ang nagkukuwento kung paano dinadamitan at inaalagaan ni CAMAE ang mga barbie nya. Parang wala namang masama di ba GIRL naman siya. hmmm.

Kaso, kinakausap at kinakantahan pa raw ni CAMAE ang mga dolls. Hmmm, parang OK lang naman yon di ba, iyong iba nga kinakausap ang mga halaman.

Pinapatulog daw ni Camae ang mga dolls, at ginigising sa umaga. Parang wala namang masama dun, para lang Tamagochi. di ba? Pero buti na rin at nahilig na si CAMAE sa Volleyball...



at last year 2008, nahinto na rin siya sa pagkanta at pagpapatulog sa mga barbie niya.

PART 4: After 1995, parang nag-lie-low muna si CAMAE sa kanyang mga performances (kasi nga busy siya sa pagkanta sa mga dolls nya e hihihihi).

Until 2001, ng mapansin at mapabilang siya sa mga finalist ng PB MTB Contest.




INFERNESS, Bebang na bebang and dating niya.



PART 5: Pero nung 2007, ay muling napansin ang talent ni CAMAE. Siya ang itinanghal na Best Supporting Actress sa Pamilya Banal Filmfest, at pinagtatalo niya ang mga beteranang performers ng PB. Marami ang nagsasabi na ang "natural na bruha" na performance niya ang nagpanalo sa kanya.



TO MORE AWARDS...




HAPPY 17th Bday CAMAE.

PAGKAIN Pam-Valentines

Weekend + PayDay + Valentines = Sobrang traffic. Malamang puno na rin ang mga restaurants sa Friday pa lang. Isa pa, ang taas ng presyo sa mga restaurants sa mga panahon ngayon. Kung apektado ng krisis at nagtitipid.

Bakit hindi na lang magluto? Tipid na, wala pang traffic. Eto ang tatlong pang-Valentines na putahe. Parang sobrang dali lang naman gawin. Good Luck. Penge ha.

GAMBAS

Sangkap:
1 kilong sariwang sugpo o hipon
5 piraso bawang
¼ tasa mantika
1 tasang tomato sauce
1 tasang tubig
3 tangkay na celery, hiwain
2 karot, hiwain
2 patatas, hiwain
1 sibuyas, tadtarin
asin
betsin


Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at celery.
  2. Ihalo ang tomato sauce at tubig.
  3. Isama ang iba pang mga sangkap maliban sa betsin. Takpan.
  4. Ipagpatuloy ang pagluluto ng 10-15 minuto.
  5. Ihalo ang betsin at asin.

HONEY HAMONADO

Sangkap:
1 kl baboy (salet o laman)
6 na butil bawang
1 tasa pineapple juice
2 kutsarang asukal na pula
½ tasa sprite
½ - 1 kutsarita paminta, durog
asin
betsin
mantika

Paraan ng Pagluluto:

  1. Paghalu-haluin ang mga sangkap maliban sa karne.
  2. Ibabad ang karne sa nagawang sangkap sa loob ng magdamag.
  3. Pakuluan ang karne at sangkap. Timplahin.
  4. Ihiwalay ang karne sa sangkap o katas nito.
  5. Bahagyang iprito sa kaunting mantika ang karne.
  6. Ihalo na ulit ang katas, hanguin at ihain.

VALENTINE PEANUT BUTTER CHOCOLATE TRUFFLES

Ingredients:
1 package (6 ounces) semi-sweet chocolate chips
4 tbsp. peanut butter
3 cups corn flakes
½ cup peanut

Procedure:
1. Pour 1 inch of water in Sauce pan and bring to boil over medium heat.

2. Place chocolate chips and peanut in pudding pan over boiling water.

3. Stir to blend and melt.

4. Remove from heat when melted.

5. Stir in corn flakes and nuts; mix thoroughly.

6. Drop by teaspoonful onto waxed paper.

7. Cool.

3 Faces of LOVE

1. LOVE FOR ANIMALS

Napuri ang Pilipinas sa pagliligtas sa mahigit sa 200 dolphins sa Bataan...MAHUSAY!

(CNN) -- Authorities in the Philippines managed Tuesday to drive back to sea a pod of about 200 dolphins that had swarmed to shallow waters in Manila Bay.

A pod of dolphins swims across the Bohol Sea in January 2005.

The government was patrolling the beach area to see whether the melon-head dolphins would return, said Malcolm Sarmiento, director of the Philippines' Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

The dolphins were spotted Tuesday morning about a mile offshore near the townships of Pilar and Orion in Bataan province, he said. Volunteers and rescue workers kept them from beaching and used about 20 boats Tuesday afternoon to push them back toward deeper waters.
"What impressed me most with this situation is that the local fishermen played a major role in preventing the mass group from getting on the beach compared to the past, when they have killed the dolphins for food," Sarmiento said. "Through education and cooperation efforts, they worked very hard to push them back into the wild."

Sarmiento said it was the first time he could remember that so many dolphins entered the bay. He said authorities were trying to figure out what caused the strange behavior.
The dolphins may have headed toward the bay for two reasons: moving away from an underwater quake, which could have injured their eardrums, or following a sick or wounded leader, Sarmiento said.

2. NAKAKALITONG PAG-IBIG

Akala pa naman ng marami ay good boy itong si Chris Brown. Sila pa rin kaya ni Rihanna?

Singer Chris Brown, sought by Los Angeles police after an alleged domestic violence incident, turned himself in Sunday, police said. Chris Brown attends a party saluting music producer Clive Davis in Beverly Hills, California, on Saturday.

Brown, nominated for two Grammy Awards, was a no-show Sunday night at the nationally televised awards show. He was scheduled to perform at the show.His girlfriend, singer Rihanna, abruptly canceled her planned Grammys performance, but neither her spokesman nor the show organizers gave a reason.

Police have not identified the alleged victim, who they said "suffered visible injuries and identified Brown as her attacker."

The police statement said Brown and a woman were in a vehicle near Hollywood's Hancock Park when "they became involved in an argument."

"After stopping his car, Brown and the woman got out and the argument escalated," police said.

After receiving a 911 call at about 12:30 a.m. Sunday, officers found the woman at the scene of the alleged fight, but Brown had left, the department said. Investigators were treating the incident as a possible felony battery case, police said. Executives with Brown's record label at the Grammy Awards told CNN they knew nothing about the incident and declined further comment.
Brown was nominated for two Grammys this year, including in the best male R&B vocal performance category for his song "Take You Down."

He also shares a best pop collaboration with vocals nomination with Jordin Sparks for "No Air."
The introduction to the CBS broadcast of the Grammys, apparently pre-taped, listed both Brown and Rihanna as performers.

3. LOVE NA BA TALAGA?

Hango sa interview nilang dalawa sa Showbiz Central

Si Pia ang diretsong nagtanong kay Marian tungkol sa sinabi ng direktor nila sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Joyce Bernal. Sabi kasi ni Direk Joyce kina Dingdong at Marian:

"Umamin na kasi kayo!" Ano ba ang ibig sabihin ni Direk Joyce dun?

"Hindi... Kasi si Direk talaga, palaging nagbibiro ‘yan, palaging nang-aasar sa amin. Kahit na noong dati pa sa Marimar, ‘Uy, bagay kayo! Uy, ganito!' So, hindi ako magtataka kung bakit sinasabi niyang ganyan. Talagang nang-aasar ka, Direk!" sabi ni Marian.

Pero nag-follow-up question si Rufa Mae kay Dingdong kung joke lang ba talaga yung sinabi ni Direk Joyce. At, sila na ba talaga?

Ani Dingdong, "Alam mo, hindi ko ipagkakaila kung anuman ang meron kami ngayon. At kung anuman yun, I'd like to keep it that way. Pero siyempre, lumalabas kami, oo naman.


Si Rufa Mae ang sumunod na nagtanong. Ang tanong niya ay tungkol sa regalo ni Marian kay Dingdong na mamahaling relo (Omega). Ani Marian, "OO, totoo ‘yan... Sige na, magsasalita na ako kasi nakakaaawa na si Dingdong, e. Sabi n'yo kasi palaging picture frame ang ibinibigay ni Dingdong sa akin. Naaawa na ako! Pero ang talagang ibinigay niya sa akin, itong suot ko!

"So, Sweet asked, yung singsing ba o yung bracelet?"Itong bracelet. E, kasi, puro picture frame na lang ang sinasabi niya. Pero, sasabihin ko na talaga ang totoo, ito talaga. Although, may picture frame talaga at saka ito.

"Tanong naman ni Pia, ano naman ang sinabi ni Dingdong noong ibinigay niya ang bracelet kay Marian?"Akin na lang yun," sagot ni Marian. "Pero noong ibinigay niya ‘to, may sinabi siya noong ibinigay niya sa akin at naiyak ako.

"Pati ang mga host ay na-excite sa sinabi ni Marian kaya ipinakuwento nila kay Dingdong kung ano ang sinabi niya na ikinaiyak ni Marian?Pero bago pa man makasagot si Dingdong, tinakpan na ni Marian ang bibig ni Dingdong at sabay sabi ng "Wala, wala!

"Obviously, hindi rin naipagtapat ni Dingdong kung ano ang totoong sinabi niya. Instead, nakangiti nitong sinabi na "Merry Christmas" daw ang sabi niya kay Marian.