Napaka-sosyal ng venue ng binyag ng Ian. First time ko lang makapunta sa Ibarra's garden in 7 years, ang laki na ng pinagbago - tumubo na ang mga paru-paro.
Katulad ng anumang okasyon ng Pamilya Banal, parang Regal films ang binyag na ito. Merong sumayaw, merong kumanta, merong nag-joke, merong tumawa, maraming umiyak.
Pero para sa akin eto ang Top 5 Highlights ng Binyag ni Ian:
#5 - Konting drama sa pagmano kay Revo sa taga-Pamilya Banal
- bakit ba kasi Revo ang pangalan nun? Saan ba galing iyon? Revolusyon? Camaron Revosado?
#4 - Macarena ni Revo at Dianne
- buti na lang at di nila ako pinahiya. At siyempre cool din naman nung nag-Macarena si Dianne. Sa pagitan ng pag-iyak e nakasayaw pa rin siya. Mahusay.
#3 - Ang pagsisimula ni Par ng program
- laging maasahan si Par sa pagsisimula, maski medyo awkward ang sitwasyon. Syempre kasama lagi ang I Left My heart in San Francisco na nakabisado na pala niya. Kakatuwa rin ang mga chuwari-wariwap na lalong bumuhay ng song number at hosting ni Par.
#2 - Final Song ni Boyet
- bukod sa nakakatawa at hindi nakakadiri sa kadramahang speech ni Boyet e nakakatuwang naghandog pa siya ng huling kanta. Nakakatakot na matapos ang isang okasyon na hindi masaya, so buti na lang at kumanta siya, maski na medyo hindi bagay ang kanta sa okasyon - hello? Bakit Ngayon Ka Lang? haha
At ang no.1?
#1 - The Pamilya Banal Spirit
- kahit na mahirap ang sitwasyon, biglaan ang okasyon, walang program...asahan na makikisawsaw ang pamilya banal. May initiative mag-host, mag-volunteer kumanta, sumayaw, at mag-joke, maki-isa sa mga hindi taga-Pamilya Banal at aliwin ang isa't-isa. Isama na rin ang pagbalot ng pagkain at mag-uwi hehe. Pero sa ganitong okasyon talaga malalaman ang kakaibang karakter ng Pamilya Banal.
3 comments:
kaya rebo name nya kc assasination ni ninoy ung b-day nya
Ah! malapit na pala. Advanced Happy Birthday kay Rebo.
agree ako sa #1 highlight mo ido. i was once a part of this huge family, iba talaga ang pamilya banal spirit. welcome to rebo at sa lahat ng naging part na ng family na ito na di ko na inabutan. di ko pinagsisisihan na naging part ako ng family nyo, im proud to be part of it. good luck sa mga darating pang events sa family nyo.
Post a Comment