Sunday, November 30, 2008

2008 PB Bowling Average and Handicap

Para sa mga nagtatanong at hindi nag-access ng link. Eto ang mga handicap natin para sa Nov. 30 Bowling Tournament

Name - New Average - 2008 Handicap
1. Egay - 161.17 - 3
2. Par - 160.12 - 4
3. Ayo - 158.44 - 5
4. Ido - 154.01 - 8
5. One - 146.81 - 14
6. Edith - 144.74 - 16
7. Evot - 141.86 - 17
8. Jorge - 140.16 - 19
9. Yet - 137.03 - 22
10. Auntie - 132.28 - 26
11. Helen - 128.01 - 30
12. Kevin - 122.83 - 32
13. Bhogs - 115.44 - 40
14. Jim - 113.82 - 38
15. Tiyong - 113.53 - 37
16. Ate - 110.99 - 43
17. Che - 109.83 - 44
18. Dang - 106.85 - 47
19. Ia - 86.16 - 60
20. Popoy - 79.40 - 60

PB Bowling - Wall of Fame

Best Male Bowler
2007 - Ayo
2006 - Ido
2005 - Ayo
2003 - Egay
2002 - Egay

Komentaryo: 3 pa lang ang nagkakamit ng karangalan na ito. Nakakagulat na di pa pala nananalo si Par (hihihi, humirit pa). So tingin ko, matindi ang laban dito bukas.

Best Female Bowler
2007 - Bhogs
2006 - Ate Rose
2005 - Yet
2003 - Lola Maam
2002 - Helen

Komentaryo: 5 taon, 5 iba-ibang champion. Mahirap sabihin, pero ang hula ko e may bago na namang champion ngayong 2008.

Best Child Bowler
2007 - Joshua
2006 - Popoy
2005 - Camae
2003 - Kevin
2002 - Rap

Team Champions
2007 - Par/Evot/Bhogs/Che
2006 - Egay/One/Lola Maam/Ate
2005 - Ayo/Helen/Ate
2003 - Edith/Tiyong/Evot
2002 - Egay/Tiyong/Helen

Saturday, November 29, 2008

2008 Pamilya Banal Bowling Tournament

Message from President Tito Egay:

Magandang araw sa lahat!
Patungkol sa Pagdiriwang ng Pamilya Banal Christmas Party.
-Final announcements will be out by Nov 30 re. venue and schedule. Final na, so wala na wedeng kumontra!

Samantala, dumako muna tayo sa Pamilya Banal Bowling Championships.
The following awards are at stake:
PAMILYA BANAL BOWLING TOURNAMENT 2008
AWARD TITLE
1. CHAMPION
2. 1ST RUNNER-UP
3. 2ND RUNNER-UP
4. LANE BUSTER-MALE
High game award for male
5. LANE BUSTER-FEMALE
High game award for female
6. KING BOWLER
High series award for male
7. QUEEN BOWLER
High series award for female
8. KING of the ALLEY
High average in a series for male
9. QUEEN ot of the ALLEY
High average in a series for female
10. STRIKE MASTER
Most number of strikes registered in the tournament
11. ALLEY MASTER
Most number of strikes registered in a game
Minor awards also at stake:
1.Turkey Award
2.4-baggeys and up
3.strike/spare in a game
4.spare on a split
5.perfect game???
See you there!!!
Egay

Following Ido - Coloseum, Rome

Day 4: Coloseum sa Rome

Suwerte. Dahil alas 8 ng umaga, wala pa masyado tao sa Coloseum. Ganda pala pag walang tao. Iyong sa kaliwa ay pang-postcard, iyong sa kanan e pang-astig



Eto ang Fonti de Trevi. Famous galing sa pelikula ni Fellini at ng American Three Coins in the Fountain.

Daming turista sa kaliwa. At sa kanan ang pisong hinulog ko sa fountain, para makabalik ulit ako.  Sabi kasi nila meron daw Trevi Fountain Ritual.  Ganito yon: Gamit ang kanang kamay ihagis ang coin ng nakatalikod sa fountain. dapat padaanin ang coin sa kaliwang balikat. Pamahiin? Well,. ginawa ko dati ito nakabalik ako. hehe.

Sunday, November 23, 2008

Tsismis Tungkol sa Pasko

Maisip nyo bang aksidenteng magkita-kita kami sa Congo Grille sa West Gate, Alabang. Since andun na rin kami e pinag-usapan na ang mangyayari sa Pasko.

Eto ang mga nasagap kong tsismis:
1) Dahil ang nanalo sa botohan ay overnight Christmas, mag-o-overnight na nga. Pero kanya-kanya na, para mas madali. Iyong gustong magsimba e di magsimba. Iyong gustong mag-noche-buena e di mag noche-buena. Everybody happy.

2) Medyo mababa kasi ang collection, kaya ang pagkain ay inihaw na marshmallow at Mekeni hotdogs, iyan na ang donation ni Tito Jorge and Tita Edith.

3) Meron din namang games. Example: Sasampalin daw kayo ng pera ni Tita Edith for 15 minutes. Pag tumagal kayo, sa inyo na ang pera. Kaya dapat mas maraming pera mas ma marami ang premyo. Ang problema coins ang gagamitin.

4) Since malamang traffic papuntang SLEX, sa Tagaytay(contact ni Tito One) na gagawin ang pilahan. Naka-blindfold ang mga bata at isa-isang hahanapin ang magpapapila. Ang mga hindi mahulog sa Taal, ang makakatanggap ng papila.

5) Yumaman pala si Kuya Jorge this year, kesa last year

6) Meron na rin palang mga sub-committee sa Relax Christmas, ito ang mga na-assign:
- Committee on Definition of Relax: Evot
- Committee on Peace and Silence: Ditse
- Committee on Cowboy Films Charade: Kevin

Ang labo ano? Kaya daw pumunta kayo sa Bowling sa Sunday, para maliwanagan. At meron din daw 11 trophies up for grabs.




Saturday, November 22, 2008

Favorite PB Christmas - November CONTEST

Ano ang favorite mong ala-ala ng PB Christmas Party? at Bakit?

Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pag-post sa Comment. Last October, nanalo si Tito Jim ng 1,025 pesos at gift prize. So, huwag hayaan ang pagkakataon. Ang may pinakamagandang answer ay tatanghalin winner ng jury.

1988: Maskarahan
1989: Wala
1990: Family Presentation
1991: Wala
1992: Sportsfest
1993: Disney Christmas
1994: Pautakan
1995: Kanta at Sayaw
1996: SitcomPresident
1997: Ballroom Dancing
1998: Bahala Na Christmas
1999: Enchanted Christmas
2000: Millenium Christmas
2001: MTB
2002: Retro
2003: Joke Joke Joke
2004: Paskong
2005: Cowboy Christmas
2006: PB Filmfest
2007: MTV Christmas

***********************************************************
Ilan sa mga puwede niyong piliin at isagot...(pwede rin iyong wala dito, siyempre)

1992 - Yellow Team ng PB Sportsfest hindi sila no.1



1998 - Bahala na Christmas with President Par



2003 - Joke Joke Joke Christmas - mga Thunders na Praning


1992 - PB Disney Christmas - The winning Little Mermaid

Trip to Europe

Babalik akong Europe this weekend - France and Italy. Excited din akong bumalik kasi sana maraming sale. hehe

Sa baba ang picture from 1999, nakailaw ang Eiffel in anticipation of the Millenium change.

Sana makabalik ako bago mag Sunday.



Babalik akong Europe this weekend.

Monday, November 17, 2008

Tita Che-Che sa Mel and Joey

3 Seconds of Fame...

Napanood nyo ba ang Mel and Joey last Sunday? Kakagulat at kakatawa dahil si Tita Che-Che ay na-pakita sa camera for a few seconds, dahil Singapore ang feature ng Mel and Joey. Unfortunately, e kumakain siya sa isang carenderia sa isang jologs na lugar. So, tumpak, ang claim to fame nga lang nya e medyo ka-cheapan.

Eto ang statement ni Tita Che-Che:
hmm last last saturday yata yun. sabi na nga ba eh. akala namin food lang ang kinuahan nila di din namin sure na mel and joey, bigla na lang nag shooting dun sa kinakainan namin!! hahaha gosh! tapos nung paalis na kami sa lucky plaxa, nakita na nga namin si mel nag sh shooting sa harap. kaloka. jologs pa naman yung filipino cafe na yun no. saka yung mga tagaluto nila mga pokpok. but in fairness masarap kasi ang ginatan saka biko dun at suman

Saturday, November 15, 2008

1988

Dalawampung-taon na pala ang PB Maskarahan. Si Tito Egay ang President nuon, ang kauna-unahang presidente ng Modern Day PB Christmas. So masasabing pioneering effort ang ginawa ni Tito Egay dahil 1) walang pag-gagayahan, una nga e 2) challenging ang theme - Maskarahan, ang hirap nun ano at 3) graduating siya nun. Actually 24 pa lang ng December ay naka-Costume na sya ng Santa Claus to welcome everyone from Misa de Aguinaldo.

Naaalala ko iyon kasi ako ang Vice-President. Asa 4th Year High School ako noon. Kasama namin si Tita Tetes at Tita Eyan sa Committee, nasa College naman sila. In summary, lahat ng members ng committee ay nag-aaral. Nagtatapos ng practicum si Tito Egay at ako ay nag-aaral para sa Finals sa Notre. Sigurado ganun din si Tita Tetes at Tita Eyan.

Kaya ewan nga ba kung bakit nag beg-off ang mga students na maging officer this year. Di ko ma-gets at di ko talaga ito tatantanan ha ha ha. OK, pahinga muna sa issue ko.

Sobrang ganda at saya nung Maskarahan, di ko nga nakakalimutan e. Lahat talaga nag-prepare ng mabuti. At tandaan, 1988 yun so wala pang mga gadgets at high-tech nun. Sa 2 pictures sa ibaba, makikita nyo:

- Si JE bilang Tarzan, may kasama pang sibat.
- Si Ate Bhogs bilang Chef at si Isang bilang Muslim
- Si Tiyang bilang Princess, na ang ala-ala ko ay sumama ang luob dahil hindi nanalo
- Siyempre si Lolipot bilang Darna na makatotohanan ang costume. Bakit nga di siya nanalo?
- Si Ate Yet bilang magician, na talagang walang pag-asang manalo (e di tignan nyo)

At ang Top 10 (Ang picture ayun sa kanan)
- Tita Eyan bilang Robot, pangtaklob ng ulam ang ginawang ulo ng robot. astig.
- Sr. Vicky bilang clown, ang clown na madre. astig
- Tito Ayo bilang Dracula, o demonyo ba yon? ewan
- Tito Jorge bilang Japanese na bungisngis
- Lola Maam bilang General
5th - Lolo Dad bilang Angel. Mag-ingat sa costume , baka magkatotoo. Ano costume Tyong?
4th - Tita Ate bilang Schoolboy na mukhang kartero
3rd- Tita Che-Che bilang Navy na nalunod at nakainom ng tubig
2nd- Tita Edith bilang Lola ni Nora Aunor
Winner - Tito One bilang Maria Clara na malandi

So excited na ulit tayo sa presidency ni Tito Egay, 20 years tayong naghintay.





PB Blog October Winner

And the winner of the PB Blogspot contest for October is ...Tito Jimmy!

Tito Jimmy wins a hip bedside clock and 1,025 pesos (for 10/25 - deadline of the caption contest). He will receive his prize in the 2008 PB Bowling Championships.

Tuesday, November 11, 2008

Wala na naman ako

Hmm. Pinamove ko pa ang bowling e malamang wala rin pala ako sa Nov 30. Susubukan kong umalis ng Friday para umabot. Pero kung hindi... e sariwain na lang natin...

Eto ang link ng mga averages at Handicap by 2008 ito ha. No.1 pa rin si President Tito Egay, pero sobrang close fight kay Tito Par. Si Ate Edith naman ang top sa female.

http://pamilyabanal.blogspot.com/2007/11/2008-average-and-new-handicap.html


Good Luck Sa lahat

Monday, November 10, 2008

Dilemma

Kung ang mga pumipila ay tumanggi maging officer, at kung ako ay dating officer na nagpapapila, ibig sabihin ba puwede akong tumangging magpapila?

Ano sa palagay ninyo?

Wednesday, November 5, 2008

Mangubeta sa Nagoya

Para saan pa nga ba ang door-knob o kaya ang susian. Sa Nagoya airport, e handprint ang bukas at pag-lock ng pinto ng CR. High-tech. So itatapat mo ang handprint para bumukas ang pinto at automatic na ma-lock. So hanggang hindi mo tinatapat ang handprint mo di bubukas ulit ang pinto.

Astig.


Monday, November 3, 2008

2009 PB President

Congratulations Tito Egay! The 2009 Pamilya Banal President.

- Matatandaan ninyong si Tito Egay ang unang Pangulo ng (modern day) PB noong 1988
- Isa sa mga pinakamagandang Pasko nun, kung naalala ninyo - Ang Maskarahan Christmas
- Sa sobrang ganda nga e naalala ko pa ang costume ng mga tao dun - e 20 years ago na yun.

Ako, excited sa mangyayari ngayong taon - dahil after 20 years nagbabalik si Tito Egay sa pagka-pangulo. Sayang lang at hindi na niya maipagpapatuloy ang kanyang grandslam. Next year na lang siguro.

Congrats din sa mga na-elect na officers (na di ko sure - sino nga ba). Parang si Ate ata at si Par?

Asan na naman ang 3rd generation??? haaaaay.