Wednesday, September 30, 2009

4 days after

4 days after Typhoon Ondoy's fury, I'd say 70% back to normal. 
- Walang pasok sa buong Metro Manila in all levels this week
- 90% ng mga empleyado ang nakapasok
- Ang mga tao sa paligid, hindi pa rin masyadong nagtatawanan. 
- Ang traffic medyo lumalala na ulit.
- Unfortunately, hindi pa rin bumababa ang tubig sa ilang areas sa Pasig, Rizal at Marikina.  Ito ang nakakalungkot na parte.  4 days na lubog pa rin sa baha, maski wala ng ulan.

1)  Isa pang posibleng problema ay ang pagdating ng bagong Bagyo - si Pepeng.  Dipala ako marunong magbasa ng graph.  Di ko masabi kung anong oras at araw siya babagsak ng Pilipinas. 





2)  Eto naman ang status ng Ipo Dam at Angat Dam as of 6am.  Both are at "Critical :Levels".  This means level of water is over the "spilling level".  Mahirap mag-speculate, pero common sense dictates na magpapakawala na naman ng tubig in both dams soon.  Hmmm.  teka, baka kaya di bumababa ang tubig sa ibang lugar.

At saka....Pag tinignan ninyo ang graphs, mapapansin na tumaas talaga ang level ng tubig nung Sabado. 









Laging mag-ingat.

No comments: