Friday, September 18, 2009

< 100

Less than 100 days na lang at Dec 25 na!

- Sabi sa balita kagabi, sana daw magsimula na ng shopping ang mga tao. Kasi nga nagtataas talaga ang presyo kapag malapit na ang Pasko. Sabi nga bumili na raw ng Fruit Coktail - kasi matagal masira. At tumataas talaga ang presyo nito pag Nov-Dec na. Huwag lang bibili ng hamon ngayon para sa Noche Buena.

- Last year ang total ng mga pumila ay 28. Pero grumaduate this year sina Kevin, Kriza at Ayka. Kaso wala pang work si Kriza. So puwedeng maging 25 or 26 ang pipila. Teka, Karen may announcement ka ba for October? hehe.

- Palagay na nating 26 ang pipila. Kung 50 pesos each e lalabas na 1,300 pesos total. Kung 100 pesos each e di 2,600 pesos.

- 4 sa mga favorite na papilahin ay sina Kevin, Ayka, Kriza at Karen. Ang babait kasi (sa pilahan ha), at laging ready to showcase their talents para masaya ang pilahan. Iyong iba medyo boring (haha - sobrang honest). Sabagay matatanda na kasi silang 4, hindi na sila Teens!

- Meron kayong balitang matatanggap in the next few months. Something interesting and juicy. So abangan =).

11 comments:

kevin said...

tito ido pano po yun wala pa din po ako work by that time at nagrereview pa po ako by december. How will you consider that? pwede pa ba pumila ang ganun? hehe thanks

ido said...

oo nga ano. di ko alam. siguro ang next president ang mag-de-decide =).

yet said...

para sa akin, palagay ko pwede pang pumila kasi wala pa namang work at makakatulong sa pag-apply nya yon.

thoughts ko lang 'yon.

Che said...

Oo nga naman, bakit naman hindi papipilahin si Kevin... eh P50 pesos lang naman ang madadagdag, diba? :D

Ayan Kevin ha, dinedefend ka namin!

edith said...

Parang naiinip si Tito Ido sa announcement ni Karen ah. Kung naiinip ka, ako eh araw-araw pag nag text si Karen, kahit nasa meeting ako, binabasa ko text at baka good news na matagal ko ng hinihintay.

ido said...

I agree Ate Edith. Ako rin Karen, ok lang na i-text mo ng mga good news na yan, maski asa work.

kevin said...

thank you po...

ninang and tito ido dont worry sabi ni ate karen sakin magmamartsa daw siya sa october. hehe

ido said...

wow Karen congrats! Nag-C-CAT ka pala.

Taga N. E. said...

Haaaayyyy!...Harinawa!

jorge said...

Basta ako pupunta sa graduation party ng aking inaanak na si Karen kahit anong araw, buwan o taon pa ito! Congrats in advance Karen... pasasaan ba yan!

lola maam said...

C Lolipot ung taga N.E. inip na inip na rin kay Karen ha ha ha!!!