Sunday, September 27, 2009

Disaster Saturday - the Realization

So, disaster was apparently an understatement.  Metro Manila and neighboring provinces were ravaged last Saturday.  Ang dami palang mga tao na asa bubong ng mga bahay sa Cainta at Marikina ng over 24 hours.  Kung nagagawi kayo sa Makati, ang mga underpasses along Ayala, punung-puno ng tubig.  This is the Central Business District, at hindi iyong usual na binabaha sa Makati (Malugay, Buendia etc.).  Will post the videos as soon as the internet connection becomes faster. 

Last Saturday, pumasok pala si Camae sa school.  At nung papa-uwi na sya grabe na ang baha.  Kasama ni Boyet, naglakad sila sa chest-deep na baha.  Iniwan ni Boyet ang kotse, tapos sinundo sila ni Ate Edith dun sa  mataas na part ng subdivision nila.  After that, bumalik si Boyet para kunin ang sasakyan.   Sila One naman at Carl 2pm pa lang pauwi na sana.  Kaso ang Hawaii street at ang washington street ay sobrang baha.  So mga 6pm pa sila nakauwi.  4 hours grabe, e ang lapit-lapit lang nun.

Sa Santan naman, mabilis namang humupa ang baha.  In the morning, wala ng baha.  Pero obviously, sobrang daming kalat sa lahat ng mga bahay.  So kelangan maglinis Kaya, Santan boys to the rescue.  Tumulong sila para maglinis at ayusin ang mga bahay sa Compound.  Thanks Santan boys!

2 comments:

PB CANADA said...

Iba talaga ang samahan ng santan lalo na ang santan boyz.....kya saludo ko sa kanila ng marami....and thank you

ASTIG KAYO SANTAN BOYS!!!!!

Yet at lahat ng taga-22 Santan St. said...

Isa si Edwin sa mga Santan boys na sumagip sa amin (kasama si Kevin). Si Kevs, humanga ako kasi, nagbantay talaga sya sa compound ng the whole night. concern sila kay Tsong (kasi ayaw pa-off ang switch), kay Ayo na ayaw pa mag-evacuate at first. Pumasok kami sa bahay nila Ayo at sa bahay namin na hanggang waist ang baha. (Dun kasi sa loob mas malalim). Hindi sila natakot na makuryente, etc. Tinaas nila ang mga ref, lahat ng pwedeng ma-isalba. Pero mostly, pinabayaan na lang naming lumutang , ang importante makaligtas kami sa danger. Mag-worry ako sa mga walls kasi baka magslide (wallslide ba tawag don?). (hanggang madaling araw yon). Pag gising. nakita ko na naman sila edwin, kevs at iba pa. Ang tanong ko nga "Natulog pa ba kayo?) Pag tumawag ka ng isa para magpababa na ng gamit, mga 6 ang ready na magpunta para tumulong. Makikita mo talaga ang mga pinoy na likas na matulungin at ang 'bayanihan' spirit buhay na buhay lalo na sa calamities.

SANTAN BOYS!!! SALUDO KAMI SA INYO!!!