Typhoon Onday ravaged the whole Metro Manila today, Saturday Sept 26. You would think that since you are in Metro Manila, you are not affected. And the floods you see on TV usually happen in far-flung provinces or only in remote areas. So totally unbelievable day.
Sa Binan, naging parang Ilog ang Hamburg St. Nakakakaba na umabot ang tubig sa tambutso ng kotse, kasi umabot na nga ng gulong. Pero bale wala lang pala ito compared sa nangyayari sa ibang lugar, lalo na sa Santan. Mga 1pm, nag-text si Ayo na umabot ng dibdib ang tubig sa may PRO (dun sa tabi nila Papang dati). Mga 3pm, umabot na raw ang tubig hanggang sakong sa LOOB ng BAHAY sa compound. Triny ni Mommy tumawag sa Santan, pero ang hirap makipag-usap dahil ang labo ng linya.
Around 7pm, umabot hanggang binti ang tubig sa LOOB NG BAHAY. Si Ditse, nag-stay daw sa hagdan. Ang mga kasangkapan, inangat na sa 2nd floor. Nakausap ni Mommy si Kriza ng mga 8pm, pati rin bahay nila inabutan na ng tubig. Pinatay na rin nila ang kuryente dahil delikado.
Mga 10pm, tumawag si Ate Yet. Kinailangan ng umalis nila Ayo sa bahay at lumipat kila Par, para sama-sama na ang lahat. Kinakabahan naman ang mga tao dun, na gumuho ang ding-ding dun sa may Chinese factory. Walang kuryente, ang tubig hanggang binti, safest na nga na magkasama-sama. May sumama rin kila Ditse siyempre.
Non-stop torrential rains for almost 24 hours. Sabi sa balita, nagpakawala na rin ng tubig sa Angat Dam at sa La Mesa Dam. Di na rin daw kasi kaya ng tubig sa dam, otherwise baka naman sumabog, so delikado rin.
Never in the history of Santan na nangyari ito, maski na officially Malabon. So we hope everyone is safe. Huminto na rin naman ang ulan. Tomorrow is another day.
10 comments:
sna po ay ok ang lhat jn and ingat po kau ng marmi....please update us tnx.....
Sana everyone's safe! Tina try ko rin tumawag kahapon but mahirap magconnect, siguro sa network.
Sana ok lang mga taga Santan at humupa na ang baha.
hello mga PB, sana ok na dyan sa manila ngayong umaga, nasa Bangkok pa kami ni tita helen, na cancel yung flight namin kagabi papuntang manila, chance passenger kami ngayong umaga, kung hindi bukas pa kami dadating dyan sa manila.
ingat lahat.
hello mga PB, sana ok na dyan sa manila ngayong umaga, nasa Bangkok pa kami ni tita helen, na cancel yung flight namin kagabi papuntang manila, chance passenger kami ngayong umaga, kung hindi bukas pa kami dadating dyan sa manila.
ingat lahat.
hello mga PB, sana ok na dyan sa manila ngayong umaga, nasa Bangkok pa kami ni tita helen, na cancel yung flight namin kagabi papuntang manila, chance passenger kami ngayong umaga, kung hindi bukas pa kami dadating dyan sa manila.
ingat lahat.
Hi everyone!
From 11 a.m. to 10 p.m ako sa SLEX dahil sa baha near Southwoods exit.
This SLEX is supposed to be "newly"constructed/improved"!
But looking at last nights situation, parang gawa ng elem grads yung expressway!!! Ano ba yan???
last measured height of the baha sa loob ng bahay namin... (waist-deep). kelangan na namin lumipat sa bahay nila Par at Ate Bhogs kasi mukhang mas madali mag evacuate dun kung saka-sakaling umabot sa ceiling ang tubig baha. so thank you Par, Ate Bhogs and family sa pag accomodate saming mga evacuees hehe.
ang thank you din sa Santan boys for helping sa pagbubuhat ng ref and other important appliances papuntang 2nd floor. halos lahat ng bahay sa compound tinulungan nila even after ng baha. tumulong pa rin sila sa paglilinis kahit puyat sila sa magdamag na paglilipat ng mga kasangkapan. thank you kila Dino, Edwin, Ramir, Joel, Melchor, Enteng at sa mga iba pang nakalimutan ko...
Yan ang mga bayani na tumutulong sa oras ng pangangailangan!
Thank you Santan boys mabuhay kayo!
buhay na buhay ang bayanihan sa santan. yan ang maganda sa santan, handang tumulong sa isat isa lalo na yung mga santan boys...
Post a Comment