Sunday, February 7, 2010

Happy Birthday Andrei

Maliit pa lang e meron ng signature poses itong si Andrei.

1) Kindat pose
- Sideview ng konti para pakita ang left profile sa camera
- Tapos kindat ang kanang mata
- With matching smile
- Winner

2) Andrei Peace Sign
- Unique ang peace sign na ito
- Kasi parang tatlong daliri
- Tapos ilalapit pa sa mata na parang Korean
- Mabangis

On your 6th birthday. Stay Cute.  Stay Astig. 

Happy Birthday Andrei...

PB 2G (walang) Kaaway Poll

Hindi porke't wala kang kaaway ibig sabihin mabait ka na.  Puwedeng kasing natatakot sa iyo kaya hindi ka maaway.  Puwede rin namang makapangyarihan ka kaya walang umaaway sa iyo.  Tapos, ang Switzerland ang isang bansang walang kaaway, pero hindi sila mabait.

Having said that, tingin ko mabait talaga si Kuya Jim.  At hindi ko talaga maisip kung paano siya magkakaroon ng kaaway sa isa man sa 2G.  Actually pati sa 1G.  Sa 3G siguro, mga anak lang niya hahaha. Pero tampuhan lang iyon at hindi away.

Congratulations Tito Jim, dahil paulit-ulit mo ng pinapatunayan na sa tingin ng PB ikaw talaga ang isa sa o ang pinakamabait na 2G.

Tito One and Tita Che-Che are tied for 2nd place.  Di ako nagulat kay Tito One, kasi wala rin akong maisip na puwede nyang makaaaway.  Binoto ko si Tita Che-Che, pero nagulat ako na marami ang bumoto sa kanya, kasi matabil din ang dila nyan e.  hahaha

Tito Jorge, Tito Egay and Tita Edith are also in the Top 6.  Well-done and congrats.

(thanks to the 7 who voted for me.  Sa mga hindi bumoto sa akin...humanda kayo.  mwa hahaha.  joke lang baka bumaliktad pa ang 7 votes ko)


Sari-saring Sunday

1) Saturday is now Bowling day for me and Evot.  Magkalaban pa rin kami.

2) Wow, Lacson becomes an international Fugitive.

3)  Villar attend elementary school at Holy Child Catholic School and High School at Mapua.  So hindi naman pala siya ganun kahirap.  Mas mahirap pa ako.

4)  1 week to-go before Camae's debut.  May damit na ba kayo?  May mask na ba kayo?

5) Nag-text si Sr. Vicky, puwede at gusto raw nyang sumama sa 2G outing sa Palawan.  Yehey!  So sino po sa inyo ang gustong mag-sponsor sa kanya? hehe (alam nyo naman ang madre wala namang source of income).  Kung wala pong mag-sponsor, puwede siguro natin hati-hatiin so everyone becomes a sponsor.  Any suggestions?  Any volunteer?

Thursday, February 4, 2010

Room for Rent - PB Boarders

Kamukha nung kapit-bahay sa Binan si Auntie-Boy, iyong Tiyahin ni Manang Edna.  Naaalala nyo pa.  So sabi nga namin ni Ayo, di na nakakabisita sila Manang Edna, layo kasi ng Ilocos.  Pero siguro may edad na talaga siya ngayon ano?   Kasi nung maliit pa kami, e Manang Edna na siya.

Ang mga PB boarders ng Santan ay kasama na sa kasaysayan ng PB.  Ang mga 2G lumaki na nga na kasama sila.  At since mababait ang PB (most of us), e talagang sobrang close ang pakikitungo natin sa kanila na halos kasama na sa pamilya ang turing.  Tignan natin...

PB Boarders of History
1) MANG TOTOY, ALENG MAMENG and FAMILY
- Around 20 years na natin silang kasama - grabe ano!  Nung ang PB Christmas ay nasa compound kasama nga natin sila sa Party. 
- Ang tsismis na nasagap ko nung Sunday, malapit na raw silang lumipat sa sariling bahay nila.  Very good. Maski di na natin sila makakasama soon, e really good for them naman.

2) ATE MILA, EDWIN, FE and Friends
- Mahirap makalimutan ang mga ito, dahil sila ata ang nagpa-uso ng Bingo sa PB.  Dun nga kami unang na-exposed sa sugal hahaha

3) LI Family
- Naalala nyo sila?  Ang baby nun ay si Chi-Leng. Ka-edad ni Che-Che, naku ang tanda na siguro nun ngayon

4) MANG ROMY and FAMILY
- Siya yung chef sa Manila Hotel ata yun, basta sosyal na restaurant.  Naaalala ko siya dahil nag-uuwi siya ng pagkain galing sa hotel minsan

5) FLORIDABLANCA FAMILY
- DI yan ang apelyido nila, pero taga-diyan sila sa Pampanga.  Nalimutan ko na ang pangalan nila.  Naaalala ninyo?

6) DANTE TUYAY
- Musta na kaya si Kuya Dante?  FOr sure wala na talaga siyang buhok ngayon ano.  Parang ang tagal niyang tumira sa compound - dahil Engineering ang course niya.  Huli kong dinig asa airport sya nag-work.  Alam nyo?

7) MANANG EDNA, AUNTIE BOY & VILMA
- Isa sa pinakamabait na boarders ng PB. 

8)  AMADING BOTICTIC AND WIFE
- ano nga asawa ng asawa ni Kuya Amading?

Sino pa nga ba ang mga boarders ng PB na naaalala ninyo?

Wednesday, February 3, 2010

Villar vs. Noynoy

Here is the complete article from Inquirer: Villar ties Aquino in presidential race

Ayon sa Pulse Asia survey na ginawa nung January 22-26, si Aquino ay nagtala ng 37% habang si Villar ay 35%.  So nagmumukha talagang 2 kandidato ang llamado sa May 10 elections.  Sa pagka-Bise Presidente, si Mar Roxas ay may 47% kontra sa 2nd placer na si Loren Legarda na may 28%.

Kumpara nung Dec 2009 survey, tumaas si Manny ng 12%, habang bumaba naman si Noynoy ng 8% at si Erap ng 7%.

Ito ang Resulta ng Survey
Noynoy - 37%
Villar - 35%
Erap - 12%
Gibo - 5%
Eddie Villanueva - 2%
Gordon - 1%
Jamby - 0.5%
JC - .3%, Dodong - 0.2% at Nick - 0.05%

By socio-economic classes:

Mukhang nahihirapan si Manny i-penetrate ang ABC classes, dahil hindi natinag ang mga numbers.  Sa kabilang banda, nahihirapan naman si Noynoy na hawakan ang 'E' class, dahil unti-unting bumababa ang rating nya.  Di pa siguro sya nakaligo sa dagat ng basura at nagpasko sa gitna ng kalsada =).

'ABC' Economic Classes
Noynoy - 37%
Villar - 22%

D Economic Class
Noynoy - 40%
Villar - 34%

'E' Economic Class
Villar - 39%
Noynoy - 31%

By Geography
Kailangan ni Noynoy mangampanya ng todo sa Mindanao kung gusto nya manalo.  Mukhang nagiging epektib ang mga commercials ni Manny dahil papataas ang increase ng % nya sa buong Pilipinas.  Pero dapat mag-concentrate si Manny sa Metro Manila.

Metro Manila:  Noynoy - 38%, Villar - 24%

Luzon: Aquino - 37%, Villar - 36%
Visayas :  Aquino - 41%, Villar - 38%
Mindanao: Villar, 36%, Aquino - 33%

By Age
Nagulat ako na ang mga 55 yrs old up ay pro-Noynoy.  Sa PB kasi, parang opposite e hehe.  No surprise that Noynoy is top for 18-24 yrs old.  No surprise din that Manny is top for 25-44 years old.

18-24 yrs old: Aquino - 46%, Villar - 37%
25-34 yrs old: Villar - 42%, Aquino - 32%
35-44 yrs old: Villar - 36%, Aquino - 32%

45-54 yrs old: Aquino - 40%, Villar - 31%
55-64 yrs old: Aquino - 38%, Villar - 28%
65 yrs old up: Aquino - 42%, Villar - 23%

A very exciting race indeed.  Mukhang di naapektuhan ang mga Villar supporters sa Senate C-5 Investigation at effective na nga ang kanyang massive TV and radio campaign.  Noynoy on the other hand, kelangan nyang lakasan pa ang kampanya at maabot ang buong PIlipinas.  Kelangan niyang pangalagaan ang maliit nyang lamang.  Di ko sure kung meron pa talagang pag-asa si Erap, si Gibo at si Gordon.

Tuesday, February 2, 2010

Kaaway

Sa isang pamilya, di naman talaga maiiwasan ang magkatampuhan, magkainisan at magkatampuhan.  Natural lang yon.  So very proud sa 2G, dahil as of today, Feb 2, 2010 12:30pm, walang magkaaway sa 2G.  At least iyong alam natin ha hehe.  Kung meron mang magka-away, e sobrang galing namang magplastican. hahaha.

Ang 1G kasi e...mwa haha.  parang ayoko ng ituloy.  So Stop na lang ako dito. =).  Ang 3G, inferness, e wala ring magkagalit, yun bang di nagpapansinan.  Very good 3G.

Sa tingin ninyo, sino sa 2G ang halos imposibleng magkaroon ng kaaway? 

Monday, February 1, 2010

Taga-Pisay

Kahapon, cinongratulate ng mga taga-PB si Gab for passing the entrance exams sa Phil Science HS.  Sabi ko nga sa kanya, mag-aral siya maghugas ng pinggan (at the minimum), magsaing, at magluto ng itlog(ayaw daw niya ng prito so hardboiled egg, which is healthier).  As always, naka-smila lang si Gab =).

Pinapanood namin si Gab sa kanyang practice kahapon - di ba nga magsasayaw siya sa 18 Roses for Camae's debut.  Actually, nagulat ako.  Dahil may rhythm siya, at nakakasabay talaga.  Very scientific ang approach sa pagsasayaw (promise!), so minemorize nya ang sequence at very attentive siya sa counts.  Kaya lagi siya kasabay.  Very focused and concentrated din siya.  Actually may grace siya talaga sumayaw.  Huwag nyong sabihin sa kanya ha, baka ma-conscious.  Sabi nga ni Tito Ayo - di kaya magaling kumanta si Gab?  Grabe na ito kung namana pa nya ang singing skills kay Tito Dang.

Naisip ko tuloy, sino ba ang mga graduate ng Pisay?  Sila kaya ang mga tinitingala sa mundo ng Science at Math sa Pilipinas at sa buong mundo? 

Medyo nagulat ako, dahil marami pala sa kanila ay hindi talaga "sikat" sa mainstream.  Tignan natin ha:

- Luis Tupas, Ph.D. (Batch 1979): National Program Leader for Global Change and Climate for the Cooperative State Research, Education, and Extension Service of the US Department of Agriculture.
- Rosalia Mercado-Simmen, Ph.D. (Batch 1969): one of the world’s leading researchers in the biology of reproduction, having been published and recognized widely for her work on reproduction, endocrinology, physiology, and biophysics
- Maria Corazon Abogado de Ungria, Ph.D. (Batch 1985): Gawad Lagablab Awardee (2008) for promoting the development of forensic DNA technology in the country. Awards include The Outstanding Women in the Nation’s Service in Science (TOWNS) in 2007, and The Outstanding Young Men award (TOYM) in 2005.
- Delfin Jay M. Sabido IX: named one of the 50 Great Men and Women of Science by DOST in 2008 and one of the 18 Luminaries of Philippine ICT by the Metropolitan Computer Times in 2002

Korek, di talaga sila masyado kilala ano.  Pero eto ka.  Baka magulat kayo kung sino ang iba pang grumaduate sa PhilSci:
- Hermogenes Esperon (Batch 1970): General; Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines
- Anna Bayle: entrepreneur and Asia's first international supermodel
- Atom Araullo (Batch 2000): television host and newscaster
- Auraeus Solito (Batch 1986): filmmaker, director of the internationally-acclaimed "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros", "Tuli", and "Pisay"
- Jeffrey Hidalgo (Batch 1994): singer-composer and former vocalist of Smokey Mountain
- Jessica Zafra (Batch 1982): fiction writer, columnist, editor, publisher, former television and radio show host, Palanca awardee
- Nestor Jardin (Batch 1970): President of the Cultural Center of the Philippines

So very well-rounded pala.  Kaya pala, OK din sumayaw si Gab.  Si Ia din kaya?  =)

PBA

Nanunuod ba kayo ng PBA?  Dati kasi naaalala ko, nanunood kami ni Ayo live either sa Ultra or sa Araneta.  Pero ang tagal na nun.  Sa TV naman, kung hindi lang din championship e mahirap na rin sundan, dahil parang iba't-ibang channel na rin ang nagpapalabas.

Pag inisip mo ring mabuti, unti-unti na talagang nababawasan ang kasikatan ng PBA.  Sobrang nakakalungkot.  Buti na lang marami pa ring nag-ba-basketball sa bawat kanto at barangay ng buong Pilipinas.  Dati ang lahat ng tao ay nag-uusap pag may championship, ang mga active basketball players ay lumalabas sa TV shows at sa pelikula ("boyfriend ko si Alvin, si Gerry at si Paul"  by Mahal), laging may billboards sa mga highways at merong ibang produktong ine-endorse (Samboy for socks, Cezar for VulcaSeal).

Ngayon, ang 2 pinakasikat na basketball players sa ibang media ay sina:
1) James Yap.  Korek taga-PBA nga.  Pero naman, talaga bang dahil sa PBA kaya siya nasa media spotlight?
2) Chris Tiu.  Wala sa PBA.  Sikat siya dahil sa UAAP.

Dati rin, ang Top Shows sa TV ay basketball.  Nung panahon ng Crispa, Toyata, Utex, Great Taste, bawal manuod ng ibang palabas sa buong PB at sa buong bansa ata.  Noong 1980's naman, laging no1 sa TV ang basketball dahil sa Purefoods, San Miguel, Alaska, NCC, at syempre Ginebra/Anejo.

Ngayon, bihirang-bihira mag-rate ang PBA.  Kakalungkot.  Sabi nga ni Ayo, ang mga imports ngayon di na rin sikat.  Dati kasi, may TV commercials pa si Michael Hackett at si Billy Ray Bates.  Ngayon, kilala nyo pa ba kung sino ang imports ng bawat team? 

Marami nga ang opinyon tungkol dito e, puwede kasing:
1) Rise of Fil-ams.  Nagsimula ito noong 90's at sobrang dumami nung 2000.  Nakakatulong ba ang mga mga Fil-ams sa PBA?  Ayos ba ang proseso sa pag-alam kung sino ba ang totoong Fil-am? at ang totoong foreigner?
2) Suweldo.  Ang balita, mas mataas ang bayad sa mga imported Fil-ams kesa sa mga Pinoys-discovered in the Philippines. 
3) Cable TV.  Hindi naman kasi lahat may access sa Solar Sports.  Kung yung ibang network nga mahina ang signal sa probinsya, iyo pa kayang mga cable channels
4) Poor Asian Games Showing.  Di na tayo nakakapasok sa Semi-finals ng mga Regional Event.  Nung 1990 Silver Medalist tayo sa Asian Games behind China.  So di na pala nakakapalag ang PBA team sa international scene.

Sana may gawin naman ang management para sumikat ulit ang PBA.  Sayang kasi.