Monday, December 1, 2008

PB 2008 Bowling - Larawan ng Tagumpay

Tinitignan ni Ayo ang isa sa 5 tropeong napanalunan. Bakit kaya niya tinatago ang kaliwang kamay? May dayaan kayang naganap?



Minuwestra ni Lola Maam ang total na tropeong napanalunan. Salamat sa Flanax at mabuhay ang mga Senior Citizen.


Ang tatamis ng ngiti ng mga champion - Tito Egay, Tita Bhogs, Tita Dang at Tito Jorge. Ito ang unang beses nag-champion ni Tita Dang at Tito Jorge (kaya 50% na ngiti lang). Si Ate Bhogs naman ay back-to-back champion (kaya 90% na ngiti). At ang 3rd championship ni Tito Egay (kaya 150% ang ngiti).


Ang pilit na ngiti ng 1st Runner-Up Team - Lola Maam, Tita Edith, Tito Ido, Tita Ate. Sabi nga ni Ate Edith, sa ibang "paramihan" na lang sana sila lumaban.


Maasim na ngiti. Hindi man lang makuhang mag-plastic na ngiti ang 2nd Runner-Up Team - Tita Yet, Tito Jim, Tito Ayo, Kuya Evot. Feeling ata nila sila pa dapat ang nanalo.


Bakit sila nakangiti??? Sabagay, kung magiging 4th place ka, e sa taong ito na - Walang Babayaran!

2 comments:

one said...

maasin na ngiti yan, after nyan nkasimangot na yan. hehe

Anonymous said...

Ah nice bakit walang babayaran ang fourth place this time? May sponsor?