Monday, December 8, 2008

PB Christmas History 2003 - Joke Joke Joke

Ano ang favorite PB Christmas Memory ninyo?

Baka eto...

Tama lang na isa sa mga pinakamasayang Pasko ay ang Joke Joke Joke. Si Tito Jim ang president ng taong ito, at marami siyang ginulat. Cinareer kasi niya ng husto ang celebration - from the props, to the program, to the prizes. Lahat ay lubos ang paghanga sa kanya. Nakakataka nga rin na di na siya na-elect ulit, maski sobrang OK naman ang Joke Joke Joke.

Hindi joke joke joke, pero maganda talaga ang celebration ng taong ito.
- Sobrang OK ng mga t-shirt. Buhay pa nga sa akin hanggang ngayon.
- Maski busy sa pag-prepare e di mabigat sa loob kasi nga nakakatawa naman
- Pati mga bata ay mahusay mag-perform
- Naalala ko rin na ito ata ang Pasko na hindi close flight ang laban. Kasi nuon, e landslide at overwhelming victory ang winning team(Lola Tiyang, Lola Maam, Tita Edith, Tita Yet, Tito Egay, Che-Che, Kriza, Dianne, RapRap Julienne, Kathleen). And...I agree.
- Kita nyo naman picture ng winning team - in full costume (at full music yan)
- Sobrang patok ng winning team, at ito ang naalala kong joke nila. Meron pa ba kayong naalala?

Nanay (Yet): Ikaw na bata ka. Hindi ba ang pangit namang tignan: Ako walis ng walis dito, samantalang ikaw e laro ka ng laro diyan.

Anak (RapRap): Eh 'Nay. Di ba mas pangit naman tignan kung ako ang walis ng walis diyan habang kayo ang naglalaro dito!

Nye!

3 comments:

Anonymous said...

salamat at na apreciate mo
ang joke joke ko pb x-mas . ok ang memory mo ang tagal na non last 2003 pa

Anonymous said...

ang favorite PB christmas ko yung JOKE JOKE!!!syempre kami winner noon, at saka talagang masaya from the start to the end tumatawa ang lahat. Sandaling nakalimutan ang mga problema!

.....from lola maam

Anonymous said...

I agree! Masaya nga ang joke joke. lalo na at nanalo kami...hehehehe