Sunday, December 21, 2008

2008 Favorites

Wala pa akong access sa aking old files, which means no pictures pa rin...so Essay type muna tayo hehe

Suma-total, very good ang 2008 para sa akin. Syempre di pa tapos, pero one of the best years para sa akin. Ang kulang na lang ay bumalik ang stocks namin to the $40-level, sobrang solve na ako hehe. Balik-tanawan natin ang nakaraang 326 days.

MOVIE: 28 ang napanood kong sine sa buong taon. At ang matindi diyan - 25 napanood ko sa eroplano. Pathetic ano. Ang paborito ko sa 2008 ay: 4 Months 3 Weeks and 2 Days. Isang pelikula galing sa Romania na medyo sensitive ang topic, so di ko mai-re-rekomenda sa mga bata. Ang 2nd favorite movie ko ay '100 days'. Kuwento ng isang tao na tinaningan ng 100-days to live at ng mga ginagawa niya sa panahong ito. 3rd place goes to Wall-E. Sana mapanood ninyo ito, kung hindi pa.

MUSIC: 'Bodysnatchers' ng Radiohead. 'Give It' ng Out Of Body Special. 'Disconnection Notice' ng Pupil. Puwede nyong i-Youtube.

BOOK: Nakabasa ako ng 40 books this year. Ang target ko ay 25. Kasi last year ay 18 lang. Iyon na nga lang, mga 80% ng librong nabasa ko ay Non-Fiction. 1) Why Not (How to use Everyday Ingenuity to Solve Big Problems) 2) Microtrends 3) Outliers

TV:1) Case Unclosed. 2) ...Jessica Soho 3) I-Witness

RESTAURANT: 1) Chelsea at the Fort(lahat masarap) 2) Cyma sa GB3 (panalo ang appetizer) 3) Le Souffle @ Rockwell. OK din ay di masyado mahal ang John and Yoko sa GB5, di lang masyado OK ang service.

MOMENT: Nung sinabihan akong na-promote ako. Medyo unexpected din kasi.

Pamilya Banal Gathering: Masaya nung Jan 1, pati nung binyag sa sosi Ibarra at nung party ni Ate sa Leslie's. OK din iyong 'Cousins Dinner' sa The Fort, naalala nyo ba ang salmon? hehe. Pero most memorable sa akin nung Sept Outing sa Los Banos.

Bagay na Nabili: Wii

Bagay na Nabili less than 100pesos: Gatsby Styling Wax

Commercial: Nestle Cream. Iyong nagdala siya ng Salad sa Sementeryo.

Kayo ano ang favorites ninyo sa 2008?

2 comments:

EGAY said...

Favorite moment(s)- pag yung na-issue kong tseke, d tumatalbog!Luwag sa dibdib!

bagay na nabili- sale na Nautica shirts. 40% off! pero me size ako, dati kasi pag nag-sale tong mga kumag na to, puro XL lang.

Anonymous said...

Books: Inspired most by Pour your heart into it by Howard Schultz, Perfect enough ni Carly Fiorina is interesting and informative din. Di ko nabilang, next year ipaproject ko yun.

Moment(s): Pag nasurpass namin yung sales target. At malaki ang collection!!

Pamilya Banal Gathering: Lahat masaya!


Bagay na nabili less than 100 pesos: Hair pin