Friday, December 19, 2008

Pasyal Pasyal in Madrid

Sa lahat ng na-stayan kong hotel this year, ang ME by Melia Madrid ang pinakamaganda. Dinesign kasi siya for the modern traveler. Dun sa mismong hotel, andun din ang pinaka-hip na bar sa buong Madrid. Iyong ilaw sa labas ng hotel ay nagbabago every hour, pero iyang violet ang provide ng magandang contrast.

Minsan nga lang naging 'Design' more than function ang hotel. Sobrang ganda ng kama, plasma ang TV at merong surround sound ang kuwarto with DVD Player. OK din ang bar selection sa kuwarto. Pero walang tubig!

Iyong banyo naman was inspired by David Bowie, kaya merong nakasulat na "Oh! You Pretty Things" from his 1971 album. Puros Aveda ang gamit sa banyo - from soap to shampoo/conditioner, moisturizer, facial wash etc. Pero ang toothbrush kit ay bibilhin mo pa worth 5Euros! grabe.

All-in-all favorite hotel ko eto. Sobrang friendly ng staff, may veranda, at maganda pa ang view from the room (see below).

Of course everything great comes with a price =). 199 Euros a night or roughly 14,000pesos a night.


Madrid has weird December climate. As you can see, sunny on Friday but snowing on Sunday. Nagulat nga ako na nag-snow pala sa Madrid. Pero maski maaraw, e maginaw pa rin - averaging 0 degrees C.


Sobrang OK ng mga ka-meeting namin sa Madrid at pinasyal pa kami. Sila lang ang gumawa nun sa amin. Sa Spain, e matra-trace talaga natin kung saan nagmula ang mga pinaggagawa natin sa Pilipinas lalo na sa Pasko. Adik din sila sa pag-celebrate ng Pasko.
Ang sarap ng pagkain. Paborito ko ang Jamon Iberico at ang Paella Valenciana. Syempre with Red Wine. Ang masaya pala sa Spain ay sobrang late silang kumain. Nung Friday, nag-lunch meeting kami with the group, which started at ...ta-daan 2:30pm. At natapos...5:30pm. Ayos! Interesting din kasi, ang mga Kastila nagsisimulang magdinner ng 10pm. So after dessert, nag-kakape ka ng mga 1AM. Matutuwa si Ia dito.
Dahil sa haba ng lunch namin, e ininterview ko ang mga kaibigan kong Kastila tungkol sa kung anu-ano. Eto ang mga natutunan ko:
1) Walang Chorizo de Balbao! Tawa nga sila nga tawa ng sinabi ko ito. Syempre galing talaga sa Spain ang chorizo pero hindi sa Bilbao.
2) Unfortunately wala ring Paella Madrilena o kaya Pasta Madrilena. Peke daw ang mga yon.
3) Ang Misa de Gallo sa Spain ay ginagawa sa Dec 25 ng madaling araw. At isang araw lang hindi tulad sa atin na 9 + 1 na araw.

No comments: