Syempre di ko na kinukuwento sa inyo ang mga trobol ko sa ibang bansa tulad ng pag-hold-up sa akin sa Brazil dati. O kaya ang pakikipag-sapakan ko sa Argentina. Pero matagal na yon =).
Pero etong nangyari sa Madrid, e i-share ko.
Mega-shopping kasi ako sa Madrid. Dami kong binili na shoes at mga shirts. So dami ko kargang mga shopping bags at naglalakad ako sa Calle Serrano (shopping district). Narinig ko na lang na merong parang sumisigaw sa akin. Syempre di ko pinansin at naglakad pa rin ako. Nung marating ko ang isang intersection, merong kotseng huminto sa harap ko. Sila pala ang sumisigaw kanina. Tinted ang salamin so di ko makita. Binuksan ang bintana at sinabing "We are the police, show me your passport".
Nagulat ako syempre. Pero nung makita ko ang mga mukha nila ...ang unang nasabi ko ay...'Hello?!?!?! Are you kidding me?'. Dalawang bombay! hahaha. Nagpapanggap na pulis ng magogoyong turista. Syempre tinanong ko sila in Spanish "Are you sure, you are the Spanish police?". At umarangkada ng takbo. Syempre pagkatapos e naisip ko na dapat natakot ako ng konti. Pero sobra akong tawa ng tawa.
No comments:
Post a Comment