Wednesday, December 10, 2008

1st Stop - Frankfurt, Germany

What do you do the night before a morning flight to Europe? Party! Pumunta ang Parokya ni Edgar sa Christmas Party namin. So since favorite ko sila, e nanuod pa ko hanggang ginabi na nuong Monday.



Tuesday, hinatid ako ni One sa airport at 7:30am. Eto ang picture ko sa KLM lounge, few hours bago kami lumipad.


Ako ata ang unang sumakay sa eroplano, kaya may time pa pa-picture. Siyempre business class ako. Ito ang isa sa dalawang Boeing 777 ng KLM. Astig. Direct flight from Manila to Amsterdam.

From Amsterdam, pumunta kami ng Frankfurt, 1-hr flight lang. Ang "gepacksungabe" ay baggage claim.



30 minutes from the airport ay ang hotel namin. OK naman -4 stars siya owned by Swiss Hotel group. Kita nyo ba iyong palantsahan na high-tech? di ko alam gamitin. So lukot ang damit ko dahil may suit naman ako. Pagod na ko kaya tulog muna. Bukas ulit.

No comments: