Monday, September 21, 2009

Mukhang Mayaman

Dahil birthday weekend ni Mommy, asa Tagaytay kami ngayon.  At this time, sosyal kami at sa Taal Vista Hotel kami nag-stay.  Sobrang ganda talaga dito, at lampaso ang Days Inn - in all aspects.  Sabagay mura namin kasi sa Days Inn.

The best din ang breakfast buffet dito.  Ang daming selection at ang sarap lahat.  Habang nag-brea-breakfast kami, sabi ni Mommy:  "Grabe parang hindi naghihirap ang mga Pilipino, sobrang daming tao dito".   Tapos inaassess namin ang kayamanan ng mga kasama naming kumakain hehe.  Iyong iba ina-appreciate ang kayamanan, siyempre ang iba ay inookray.

Naisip ko bigla, kung i-a-assess ko ang aking mga pinsan in terms of "Mukhang Mayaman".  Iyon bang unang tingin, mukhang mayaman ba siya o mukhang poor.  Pero dahil ayokong ma-ban sa PB, e itatagao na lang natin ang identity ng ni-re-review natin.

Pinsan #1:   Eto mukha talagang mayaman.  Siguro kasi maputi.  Saka parang nakataas ang leeg niya, maski ordinaryo lang.  Alam ko hindi naman mamahalin lahat damit niya, pero mukhang mahal pag suot niya.  Medyo aristocrata pa nga.  So the verdict:  MUKHANG MAYAMAN!


Pinsan#2:  Dati mukha siyang mayaman.  Pero ngayon, para siyang mukhang mayaman na simula ng naghihirap hahaha.  ewan nga ba bakit.  Parang marami atang iniisip, ewan nga kung ano.  Verdict:  MUKHANG MAYAMAN NA PAPAHIRAP NA.


Pinsan#3:  Sabi ng iba basta maputi e mukhang mayaman.  Hmmm.  hindi ata ganun katotoo.  Kasi maski hindi siya maputi, mukha siyang mayaman.  Sa pananamit ata o sa pagdadala ng sarili.  O baka parehas.  May element of kasosyalan talaga.  verdict:  MUKHANG MAYAMAN MASKI MAITIM (hahaha)


Pinsan#4: Eto naman ang pinsan na medyo maputi.  Pero di talaga mukhang mayaman.  Hindi naman siya mukhang squatter siyempre, pero di talaga siya mukhang mayaman.  Sa kilos ata, o baka sa pagkain.  hahaha. Verdict: HINDI MUKHANG MAYAMAN


Pinsan#5: Eto ang mayaman, pero hindi mukhang mayaman.  Mahirap i-explain e.  Pag di mo siya kilala, di mo talaga iisipin na mayaman siya.  Di naman siya mukhang driver or boy, pero di lang talaga siya mukhang mayaman tignan...unless makita mo siguro banko niya ano.   Well baka naman ayaw niya ring magmukhang mayaman, so hayaan mo na siya.  Verdict:  MAYAMAN PERO MUKHANG MAHIRAP


Pinsan #6:  Naku, di talaga siya mukhang rich ano.  Jologs talaga, unang tingin pa lang.  Maski na nga mag-inggles siya paminsan minsan, e talagang hindi bagay maging mayaman.  Verdict:  MUKHANG POOR (grabe ang sama naman nito hahaha)


Pinsan #7:  Hmmm.  Eto puwedeng mapagkamalang tagapagmana ng Hacienda sa probinsya.  Pero minsan puwede mo rin siyang mapagkamalang naglalako ng paninda sa Divisoria.  Hit or Miss baga.  Minsan mukhang rich, minsan mukhang poor, depende ata sa suot niya.. Verdict:  MUKHANG MAYAMAN MINSAN.


Pinsan #8:  Eto ang unang tingin talaga, mukhang taga-Ayala Alabang.   Sosyal talaga ang dating, pati-kilos pino - di maingay, di papansin.  Pero di talaga siya mayaman sa totoong buhay.  Hahaha.  At least di ba. Verdict:  MUKHANG MAYAMAN PERO HINDI.

8 comments:

Charisse said...

Hulaan ba to? Mukhang cool yan...hehe..

Anonymous said...

Sana po may clue kahit konti..??pwede po ba ..??please...?

Mukhang Mayaman??? said...

Tito Ido, I will guess ha.

Pinsan #8 - ONE. Mukhang mayaman pero HINDI NAMAN SA TOTOONG BUHAY! Sabi nga, It's JAPAKE! hahaha

Pinsan #7 - ATE. Mukhang Mayaman MINSAN!Tama ka,minsan mukhang tagapag mana ng hacienda pero minsan mukhang naglalako sa Divi.Peace, Ate.

Pinsan #3 - EGAY? Mukhang Mayaman Maski Maitim. Siya lang maitim satin eh. hehe

Hulaan ko pa sana yun iba kaya lang baka mapikon. Ayoko may kagalit. Mag-papasko na kasi.

Manghuhula 2 said...

Si Edet yung pinsan #1!!
(nanginginig pa habang nagta-type, baka ma ban sa PB ;b)

Madam Auring said...

Ang daya, madali yung hinulaan nyo.Tingin mo Manghuhula 2 and mukhang mayaman, sino ang mukhang jologs nating pinsan?

#5 pinsan, John Lloyd. Habang sinusulat ko to ay uminom muna ko biogesic dahil for sure sasakit ulo ko.

Ingat....

Prince-epal said...

GRABE tlga tong 2G!!! Maghulaan ba! kakatawa tlga kayo wala lang pikunan ha.

Don Pepot said...

Ang 2G hindi marunong mapikon. Katuwaan lang yan, masaya nga eh. Sigurado ako na palihim ninyong binabasa at ina-analyze kung sino kayo dun, di va?
Kaya subukan nyo manghula din. Ikaw ba Jim, san ka dun sa tingin mo?

Idol si pinsan#5 said...

Kung sino man ang pinsan#5 hanga ako sa kanya. Kasi ang yaman pla nya pero Kung manamit mukhang mahirap. Halos lhat ng mga Chinese na mayayaman ganun. Minsan pa nga butas butas ang damit nila at mukha tlga marumi pero naman ang pera Hindi mabilang. Ayaw yta nla maholdap kya gnun sila umasta. Yan ang masasabi mo tlgang down to earth.