Mag-pa-auction kaya tayo dito sa PB Blog? Meron tayong mga regalo na natanggap, o gamit sa bahay, na di ginagamit at nakatambak lang. Sayang naman.
Sasabihin naman natin kung ang bagay ay bago o hindi. Ilalagay din natin ang presyo na gusto nating starting price.
OK siyempre kung ibigay na lang sa iba. Pero ang problema kasi pag ganito, e baka iyong binigyan mo hindi rin naman gagamitin, so matatambak din. Kapag nag-bid ka sa auction, e ibig sabihin gusto mo talaga ang gamit. Otherwise, bakit ka nag-bid di ba?
Kung gusto mong itago ang perang kinita, that is fine. Kung gusto mo i-donate sa charity, also fine. Nakatulong na, practical, environmental pa.
Simulan natin sa weekend, ok kaya ito?
3 comments:
Cool yan! Cge simulan kna..hehe..Meron me laptop for sale bka meron may gusto..
Nice... why not?!
I think madami tayong pang-auction sa house sa santan. Maybe tell them if you want photos of the items din...
pwede bang ipa-auction ang misis?
Post a Comment