Friday, August 28, 2009

Mga tanong 0828

1) Grabe naman ang mga iscandalong hinaharap ni GMA. Araw-araw meron na lang. Sabagay di naman bago ang ZTE scandal, pero siyempre pag may nakasuhan nabubuhay na naman ang issue. Ang kapal nya ano?

2) Nanunood ba kayo ng Darna? Hehe. maganda ang teleseryeng ito. OK ang action, ang storya, ang special effects at ang horror. Fans kami dito sa Binan. Eto na ata ang pinaka-OK na palabas ng GMA since Encantadia (ang tagal na nun).

3) Tatakbo kaya si Noynoy? E si Brother Mike Velarde? Hmmm. mananalo kaya sila?

4) Ang tagal ko ng di nakakanuod ng sine. Parang ang huli kong napanood e yung Ded na si Lolo, kasama si Tito Ayo at Lola Maam. Kayo, ano huli nyo napanood?

5) Asang bahagi ng mundo kaya si Tito Boyet ngayon? Exciting din siguro na halos araw-araw iba-ibang bansa ang pinupuntahan mo. Nakakasawa rin kaya o exciting parati?

6) Pag wala kang ginagawa, ano nga kaya ginagawa mo? Di kasi puwedeng wala talaga e.

7) Dami namang may bday sa PB ng September, ano? Sino sa kanila ang maghahanda?

8) Walang advocate ng carnivorism ano? Iyong hindi kumakain ng gulay, o opposite ng Vegetarian. Bakit kaya? so OK lang pitasin ang mga halaman at bunga ng puno, basta huwag patayin ang mga hayop? Wala bang karapatan ang mga patatas at bawang na lumaki at mamatay ng natural?

9) May kasalanan ba ang media sa pananakot tungkol sa H1N1? Kasi ano yun, bigla na lang nawala sa balita. Hindi ba talaga siya ganun kalala? So bakit grabe ang coverage dati na parang may halo pa ngang pananakot.

1 comment:

che said...

Tito Boyet, ikaw ba yung taga

Dion-le-mont, Brabant na visitor???

Wow, san yun?