1. Venue
was at Dampa sa Farmer's Market @ Cubao. Akala ko first time ko sa Farmer's kanina. Di pala. Nanuod nga pala ako ng sine dun dati, kasama si Mommy at Daddy. Pero that was more than 20 years ago. So katulad ko yung mga bata, first time sa Farmer's in a long time.
ang angal lang ni Tita Yet - parang di maganda ang pangalan - "Dampa." Kasi yung mga friends daw niya, pag tinanong siya - "so where was your party yesterday?". Ayaw daw niyang sabihin sa 'Dampa'. haha. Sasabihin na lang daw niya - sa Farmer's Plaza. Mas sosyal nga!
Tehya, Andrei, what is Dampa in English.
2. Food and more food.
Wala ng seafoods sa dagat, dahil hinanda na nila Par ata lahat. Sobrang dami talaga pagkain - madaming putahe at madaming amounts. For the first napataob ang table namin sa dami ng pagkain.
Let us list: Crispy Kangkong, Halaan Soup, Chicken Lollipops, Prawns, Pinakbet, Inihaw na Liempo, Green Mango Salad, Sweet and Chilli Crabs, Pansit, Lapu-Lapu, at Baked Mussels. Sandamakmak ding fruits - plus puto and kakanin.
Ate Yet's favorite was the Baked Mussels with Cheese
Ashlie's Favorite was the Halaan (nagulat nga kami kumakain pala sya nun)
Julienne's favorite was the Sugpo
Ayo's favorite was the Chicken Lollipops
Ditse's favorite was the Liempo
Lolipot and Lola Maam's favorite were the Crabs
(kayo ano favorite ninyo?)
3. Color Yellow
Naging madilaw din ang party kanina. Siguro tribute kay Tita Cory.
Si Par naka yellow, as you can see while Kriza says the opening prayer.
Shades of Yellow - from Tito Par, Tiyong and Tita Bhogs
Syempre may naka-Blue din, Red, Grey at Orange (Tita Yet). Pero yellow was the color of the day.
4. BFF
2 lang ba talaga ang friends ni Par? haha. Bata pa kami, friends na ni Par si Dr. Norman at si Melchor Macabalitao. So nice to see friendship lasting decades. At terno pa silang tatlo - Yellow.
1 comment:
Wow kainggit naman! Picture pa lang, ulam na.
Congrats uli kila Kriza, Ayka at Kevin! We are proud of you! (Yehey magpapapila na sila, at mababawasan na ang pipila)
Syempre congrats din kila Par at Ate Bhogs--na after the hardwork ay mukhang pwede nang kumuya-kuyakoy :)
Post a Comment